CHAPTER 5: Friends!

2.1K 43 1
                                    

CHAPTER 5

(Allie's POV)

Nandito ako ngayon sa garden. Habang nakaupo sa swing kasabay ng malamig na simoy ng hangin, napaisip ako sa mga bagay bagay.

Pagkalingon ko sa may bandang kanan ko, may paparating na isang lalaki.

Pagkatingin ko...

Tekaa? Si Cedrick to ah.

Namukhaan nya siguro ako kaya lumapit sya sa akin na may kasamang ngiti sa mga labi.

"Hi." bati nya sa akin.

"Ahh-eh, hello." Speechless ako. Basta basta kasi sumusulpot.

"Pwedeng umupo sa tabi mo?" tanong nya sa akin.

Tumango ako at umupo sya sa katabi kong swing. Sino ba namang di makakatanggi sa ganito kaamong mukha?

"Pwede ba kitang tanungin tungkol sayo?"

"Ofcourse. Sure"

"May boyfriend ka?"

Ay, grabe! Ayun agad ang unang natanong.

"Hm, wala. Bawal eh. Studies first tsaka strict parents ko."

"Ahh."

"Bakit mo naman natanong?"

Nakaka-curious yung dahilan bakit nya tinanong 'yon. Ang dami daming pwedeng itanong bakit ayun?

"Wala lang, bakit masama ba?"

"Hindi naman. Gusto ko lang malaman."

"Eh bestfriend na lalaki meron?"

Bestfriend na lalaki? Meron ako. Si Ivan.

"Meron."

"Sino?"

"Secret."

"Sino nga."

"Si Ivan Tolentino."

Kahit naman siguro sabihin ko sa kanya, sigurado naman akong 'di nya kilala.

"Ivan Tolentino? Si Parekoy yun ah!"

Hala?! 'Di 'to maaari! Kilala nya si Ivan?

"So, magkakilala kayo?"

"Hm, oo. Nagkakilala kami sa California. Nung 2nd year ako, dun kasi ako nagaral. Eh parehas kaming transferee kaya kaming dalawa palaging magkasama."

Napakaliit talaga ng mundo.

"Ah. Ganon? So, magkakasundo pala tayo?"

"Oo, pwede din. Lagi ka ngang kwinekwento nun eh. Ang alam ko kasing tawag nya sayo Allietot. Kaya siguro hindi ko kaagad naalala na ikaw pala yung tinutukoy nya."

Ang sarap pakinggan nung part na lagi nya akong nakukwento.

"Hahaha. Ahh. Oo, Allietot tawag nya sa akin. Tapos tawag ko sa kanya Ivanpot."

Ang corny no? Pero wala e, nasanay na'kong ganon ang tawagan namin.

"Ang cute naman ng tawagan nyo. sabi nga nya sa akin eh. Miss na miss ka na daw nya."

"Ako din eh! Miss na miss ko na yun. Sobra!"

"Hindi ba kayo nakakapag-usap? Every week kasi tumatawag yun sa akin eh."

"Wala kasi akong number nya eh."

Nagkaroon kasi ng time na di ko na sya macontact. Inisip ko baka nagpalit ng number for some reasons.

"Ahh, ganun ba. Eto oh." sabay abot nung cellphone nya sa akin.

Sakto pagkahawal ko, nakita ko...

Ivan is calling...

Sinagot ko kaagad.

"Hello?"

"Hello Ivanpot!!"

Hala! Ang tagal ko nang di nakausap 'tong Ivanpot ko!

"Allietot ikaw ba yan?"

"Oo! I miss you. Grabe."

"I miss you too!! Bakit nasayo cellphone ni Cedrick?"

"Magkasama kami ngayon eh. Sakto tumawag ka. Ikaw pa man din ang topic namin."

When My Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon