Chapter 1: First Day of School

33 2 4
                                    

*Cring* *Cring* *Cring* "Sh*t na orasan to ang ingay ingay!" Wika ni Jared.

Unang araw ng pasukan ngayon sa eskuwelahan kaya puno ang mga sasakyan tulad ng jeep at taxi papunta sa Harison University. Ang paaralang ito ay pinakasikat na paaralan sa bansa dito nag-aaralan ang mga mayayaman at mga matatalinong mga estudyante.

"Oh isa nalang larga na!" Sigaw ng mama. Kaya nagmadaling maglakad si Jared papuntang jeep ng may...

"Ano ba?! Mag ingat ka nga sa dinadaanan mo!" Galit na sabi ng dalaga na nakabangga ni Jared.

"Sorry miss di ko sinasadya" pagpaumanhin ni Jared sa nakabangga niya, inirapan lang siya ng babae at nagsimulang maglakad.

"Kuya kasya pa po ba?" Tanong ni Jared sa mama.

"Oo bata pasok ka lang". Sabi ng mama. At napatingin sa relo ang binata para makita kung anong oras na.

"Sh*t late na ako!" Bulong ni Jared sa kanyang sarili kaya pumasok kaagad sa sasakyan.

•••••••••••••••

"Kuya para po sa Mereiville University lang!" Sigaw ni Jared kaya nagmadali siyang bumaba at pumunta ng gate at pinakita niya sa guard para siya ay makapasok.

Wala nang masyadong makita si Jared na estudyante sa paligid, iilan lamang ang kanyang nakita kaya agad siyang pumunta sa STEM building.Habang papunta siya sa kanyang building ay may nakita siyang taong nakamaskara at may suot na black americano at tumatayo sa gilid ng punong balete ,kumaway-kaway ito sa binata kaya agad siyang napalunok dahil sa takot at nagsimulang tumakbo papuntang second floor. Nasa second floor ang room ni Jared humarap siya sa pintoan ng kanyang silid ang nagsimulang kumatok. *Tok* *Tok* *Tok*. At agad niyang binuksan ito.

"Good morning ma'am sorry I'm late". Pagpapaumanhing sabi ng binata na nakayuko sa kanyang guro.

"Take your seat Mr.?" tanong ng kanyang guro.

"Fernandez ma'am" sagot ng binata sa kanyang guro.

"Ok Mr. Fernandez please take your seat" nakangiting sambit ng guro sa binata.

"Ok class ako nga pala si Jade Estabyas you can call me Ms. Estabyas or Ma'am Estabyas Im your adviser" pagpapakilala niya sa kanyang estudyante.

"Now, magpakilala kayo isa isa sa harapan" wika ni Ms. Estabyas

Nagpakilala ang bawat isang estudyante sa harapan nang magsalita na sana si Ms. Estabyas agad may kumatok ng tatlong beses sa pintoan at bumukas kaagad ito. At pumasok ang isang binata at may sinabi sa kanyang guro.

"Goodmorning ma'am sorry im late" sambit ng binata sa kanyang guro at napakamot ito sa batok at nakangiti.

"Ok please take your seat" mahinahong pagkasabi niya sa binata.

"By the way magpakilala ka muna sa harapan ng iyong kaklase" pahabol na salita ng guro. At agad namang pumunta sa harapan ang binata upang magpakilala sa kanyang mga kaklase.

"Hola! I'm Range Custadio sana maging friends ko kayong lahat" pagpakilala ng binata habang ito'y nakangiti. Agad namang naglakad ang binata papunta sa nakita niyang bakanteng upoan.

"Class hindi ako magtatakle ng lesson ngayong araw kasi bilang first day of school magpakasaya at mag usap usap muna kayo sa kapwa niyo classmates at kasi din hindi ko pa natapos ang aking lesson plan kaya goodbye class?" Magalak na balita ni Ms. Estabyas sa kanyang estudyante. Napansin niyang tahimik lang ang mga estudyante.

"Goodbye and thank you Ms. Estabyas" sabay-sabay na pagpaalam sa kanilang guro at agad naman silang umupo. At agad namang lumabas ang kanilang guro papuntang faculty room.

Habang pababa si Ms. Estabyas papuntang gound floor may nakita siya sa sahig na isang maliit na kulay ginto na alarm clock na may nakadikit na sticky notes at dahan dahan niyang nilapitan ito at binasa ang papel na nakadikit.

"TIME IS GOLD MS. ESTABYAS :)" at agad naman itong nag alarm kaya napalunok ng laway si Ms. Estabyas at agad din siyang pinagpawisan at nagsimulang maglakad papunta sa kanyang destinasiyon. Takot at gulat ang makikita mo sa mukha ni Ms. Estabyas dahil sa kanyang nabasa, litong lito siya kung kanino nanggaling ang sulat na yun.

"Hmmm.. sige lang Ms. Estabyas matakot ka,dahil papalapit na ang araw ng laro. Susubukan natin kung gaano katalino at kalakas ang mga estudyante mo Ms. Estabyas HAHAHA!Babalik tayo sa araw na kung saan tayo nagsimula"

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon