Jared's POV
"Kasalanan ko rin naman kasi" sabi ko kay Peterson. Bopol unggoy nito hindi ko akalain na ipapakick niya yung tatlo sa school, hindi pwede yun! At saka baka pag iinitan lang ako ulit ng mga yun. Ikinuwento ko na rin sakanya ang nangyari.
Ganon pa rin yung mukha niya parang nabobored lang sa sinasabi ko o baka nga hindi pa ito nakikinig.
"Tol wag naman ganon bawiin mo nalang kaya yung ipinagawa mo sa principal" Tiningnan niya naman ako ng masama baka masapak ko ito ng wala sa oras. Taena issue na naman to.
"Osige, pag ako pinagalitan ni tita sayo ko isisisi ha?" Aniya.
"Uuwi muna ako sa apartment sakit ng katawan ko eh" sabi ko.
"Taetae kasi hindi tumawag ng back up" Kinain na ng ML to. Hayop. "Teka sasama ako, boring ang susunod na klase. Mag ML nalang ako" dagdag pa niya.
Tinawagan naman ni Pete si Manong J para sundoin kami. Mabait si Manong J hindi man ako pumupunta sa bahay ni Pete ngunit kapag sinusundo na ito ni Manong J ay andiyan ako kaya kilala naman ang isat isa. Matagal na rin itong nagtatrabaho kina Pete kaya parang tatay na turing ni Pete dito walang duda.
Habang nasa byahe kami hindi na napigilan ji Manong J mag tanong sakin. "Iho anong nangyari diyan sa mukha mo?"
"Ah eh wala po ito Manong J napasabak lang po" napailing naman si Manong J.
Nang makarating kami sa apartment nagpaalam na kami kay Manong J. Imbis na ako ang magpapahinga si Pete ang nauna sa ilalim. Double bed kasi yung kama eh si Pete na rin nag insist na ganon ang kama para kung tatambay siya dito isa isa kami ng kama.
"Ako muna diyan alam mong hindi ako makaakyat ay" Wala naman siyang magawa alangan mag rereklamo pa siya baka siya isunod ko sa kalagayan ko.
*Welcome to Mobile Legends* walang duda nag ML na naman. "Pahinaan mo yan! Hindi ako makatulog amp" Reklamo ko naman.
"Lumabas ka kung gusto mo, isturbo" Kung ako lang nagbabayad ng apartment na to HAHA nako wag ako pipols.
"Waldo si Jared nasa loob pa!" Naiiyak na sabi ng nanay ni Jared.
"Dito ka lang kukunin ko siya, kahit anong mangyari". Mas lalong lumakas ang apoy dahil gawa ang bahay sa kahoy. Umiiyak na ang nanay ni Jared dahil parang imposible nang buhay pa sa loob si Jared umiiyak na din ang nakababatang anak na babae ng mag asawa.
Hindi nila alam kung paano nagsimula ang apoy kaya nagdududa na ang ina kung may gawa ba ito ng ibang tao o sila lamang.
Pumasok na sa loob ng bahay ang kanyang asawa. Nalulungkot ito dahil baka hindi na makabalik ng buhay ang mag ama. Mahal na mahal nito ang kanyang pamilya kahit laki sa hirap masaya pa rin silang nag kakasama.
Marami rin ang tumulong na kapit bahay upang mabawasan ang naglalagablab na apoy. "Diyos ko gabayan niyo po ang mag ama ko napakaimportante po nila sa buhay ko sana walang mangyaring masama sa kanila"
Naririnig ng mga tao ang umiiyak na bata. Nananinag ng mga taong may papalabas sa bahay kaya agad itong tinulongan at kinuha ang bata ngunit.
Napatakip ng bunganga ang ina dahil mas lumakas ang apoy at imposible nang makabalik ang kanyang asawa. Mahal na mahal nito ang kanyang asawa dahil lahat ginawa para lang mabuhay sila ng pamilya niya. Ngunit sa isang iglap nawala na kanyang asawa.
"Papa!" Nagising ako dahil sa masamang panaginip.
Walong taong gulang ako nang mawala si Papa sa aking piling nawala dahil sa isang sunog. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako naramdaman ko kasing dumadala pa ibaba ang mga luha ko sa aking mukha.
"Tol! Okay ka lang?" Tanong ni Pete sakin na mukhang nag aalala. "Kanina pa kita ginigising ungol ka ng ungol para kang nag aano. Tas umiiyak kapa habang natutulog."
"Panaginip lang tol, masamang panaginip" sagot ko naman at mukhang malungkot ang emosiyong ipinakita ng mukha ni Pete sakin. Alam niya kasi ang nangyari sa ama ko ikinuwento ko sakanya noon pa.
"Kain na tayo" aniya. Gabi na pala, tsk! Paano ako makatulog nito ngayong gabi. Namimiss ko na si Papa, ilang buwan na rin ang nakaraan bago ko ulit ito napanaginipan akala koy nahilom na yung sugat sa puso ko nang mawala si Papa dahil sakin. Niligtas niya ako pero siya yung hindi nakabalik sa labas. Kamusta na kaya si Papa? Sana okay lang siya.
"Tol nawawala raw yung isang nangbugbog sayo" aniya. Paanong nawala? Ano nanaman bang ginawa ng unggoy na to?
"Wala akong ginawa tol, sinabi ko na rin sa principal na wag na ituloy yun. Pero sinabi sakin ng principal nawawala daw yung isa" share niya. Pero parang nagsasabi naman siya ng totoo.
"Sino yung nawawala?" Tanong ko.
"Si Range Custadio raw" sagot niya naman. Bakit nawawala? Anong nangyari?
"Baka tumambay lang yun kung saan"
"Baka nga" aniya.
Siya yung nambugbog sakin tas siya pa mawawala? Wala pa namang isang araw. Ang arte talaga basta mayayaman kung umasta eh. Akala ko mabait yung tae na yun, hindi ko naman alam na MU pala sila ni Angel. Sa susunod hindi na ako papakapit sa ibang babae. Kabait kong tae binubugbog lang ako, kahit malaki katawan ko hindi ko pinagmamayabang to hindi ko ginagamit sa pang aaway to. Nagtataka ang ibang tao 17 pa raw ako tas ganito na katawan ko. Bakit ba?
Ganon rin raw yung akala ng iba kay Pete. Mas matanda sakin si Pete ng isang taon mas bata lang tingnan.
Medyo nawawala na sakit ng katawan ko sana wala na to bukas. Maliligo nalang muna ako. Habang naliligo ako bigla nalang nagbrownout.
Hindi ko alam kung ano nangyari kaya tinanong ko si Pete. "Tol anyare?" Walang sumagot kaya inulit ko at nilakasan.
Kinakabahan na ako sa unggoy na to. "Tol!" Tinawag ko ulit. "Amp! Ano? Sigaw ka ng sigaw nag eML ako" sagot niya naman. Bumalik na rin ang kuryente sa wakas.
"Shave shave din tol" bigla naman akong napatingin sa baba at bumalik sa loob ng CR. Sino ba naman hindi kabahan? Hindi ka sinasagot ng kasama mo sa apartment? Taena.
Pagtapos kong maligo nagbihis na agad ako. Kinuha ko cp ko bigay pa to ni Pete pagbukas ko may nagtext pala kanina pa pala to. Si Flint lang pala.
F: Nabalitaan mo na nawawala si Range?
A: Oo, baka gumala lang yun.
F: May nawawala rin raw sa HUMMS 1. Hindi ko lang alam kung sino.
A: Alam mo naman kabataan ngayon. Babalik lang yan bukas.
F: Oo nga.Hindi ko na ako nagreply wala rin naman akong irereply. Sinong niloloko nila sa nawawala? Hindi pa umabot 24 hours ay. Tsk. Mga kabataan talaga ngayon dapat kasi inaalagaan ng mga magulang yung anak nila, hindi yung inaalagaan sa pera. Minsan mas kailangan pa yung atensiyon kesa sa pera.
Buti nalang talaga kahit wala si Papa andiyan si Mama at bunso na hindi ako pinapabayaan at minamahal ng buo. Ang swerte ko lang sa kanila. Miss ko na sila, tatawagan ko nalang.
A: Hello ma?
M: Oh anak napatawag ka?
A: Ah eh wala lang po ma miss ko na po kayo ni bunso. Kamusta na po kayo diyan ma?
M: Okay lang kami ni Louie dito anak. Ikaw diyan kamusta kayo ni Pete diyaan?Kinuha ni Pete yung phone ko. Bastos!
P: okay lang kami dito Tita hehe
M: Mabuti naman anak. Mag aral kayo ng mabuti diyan ha?
P: Opo Tita."Akin na yan! Hindi mo nanay yan!" Sigaw ko sakanya.
M: Nako hahah kayo talagang mga bata kayo ang kukulit O siya paalam muna mga anak ha? May gagawin lang ako
A: Okay ma I love you po.
P: Bye tita.
BINABASA MO ANG
Level Up
Mistero / ThrillerWelcome to Harison University, muling nagbukas ang paaralang ito dahil sa pagkaumanoy naipasirado noon dahil sa patayang naganap. Isang mayamang tao ang nagbukas ng paaralang ito, nilabanan lahat ng patong patong na kaso kaya'y nagbukas itong paaral...