"Tol para ka nang jeep tinitext ko pa si mama"
"Ikaw na nag eML ako dito hindi to mapause"
Siningkitan ko naman siya mata. Baka iwan ko to dito mamaya eh."Huy Pete! Diya ka lang? Puro kasi ML hindi nag-aaral" Reklamo ko naman sa kanya. Ang sakip naman uso usog mga kuya at ate.
"You're my friend not my mom" And he raised his mid finger towards me. Ge tatalon na ako jeep bye world. Joke lang. Napatingin naman ang ibang pasehero samin. Minsan ayaw ko talagang kasama tong unggoy na to eh nakakahiya amp.
"Mereiville U lang po kuya" Astig mag brake si kuya nakakamatay kamo.
"Hindi marunong mag drive, namatay tuloy hero ko" Reklamo naman ng unggoy. At naglakad na kami papasok sa school.
"Diyan building ko tol" sabi ko sa kanya.
"Doon naman sakin, una na ako tol late na tayo hahaha" Tumango naman ako at narinig ko naman sa cellphone niya "VICTORY" panalo yata ang mukong.
Habang naglalakad ako nararamdaman kong may nakatingin at nakasunod sakin kaya tiningnan ko kung sino ito.
"Hi, Jared" nginitian ko naman siya bilang responde ngunit humawak siya sa braso ko at sabay na kaming naglakad papuntang classroom.
Ayaw sa babaeng to ang arte kasi halata namang iba ang mga kinikilos niya kahapon kesa sa ibang babae sa classroom. Hinayaan ko nalang siyang kumapit sa braso ko, hindi ko alam kung anong gusto ng babaeng to sakin bigla bigla nalang lalapit ayaw ko rin namang kunin ang kamay niya sa braso ko baka sasabihin niyang "Ang arte mo hindi ka gwapoOoo" "Ang arte taga bukid naman". Kaya pinabayaan ko nalang.
Malapit na kami sa classroom pero parang ayaw pa yata niyang bitawan yung braso ko puputolin ko nalang siguro at ibigay sa kanya. Joke lang hahah. Gusto kong kunin kamay niya sa braso ayaw ko nang issue shet! Pero huli na ang lahat dahil bukas na ang pinto at nakatingin ang mga kaklase ko samin.
Nakakahiya! Kaya kinuha ko kamay ko issue to! Issue to! Kita ko namang masama ang tingin ng ibang lalaki sakin pero hindi ko na pinansin at umupo nalang sa likoran.
"Ginagawa mo sa buhay mo?" Sabi ng katabi kong si Flint.
"Huh?" Curious kong sagot.
"Wag kang lumapit kay Angel halos nilalandi niya mga kakaklase natin at baka mabugbog ka ng isa diyan. MU yata sila eh" Tinuto niya naman si Mich at parang ang sama ng tingin sakin.
"Ah eh hindi ko alam siya naman ang kumapit sa braso ko" Totoo naman talaga siya naman talaga ang kumapit ayaw ko lang maging rude. At hindi ko rin alam na may kaMU siya tsk! Mukhang may mangyayaring masama mamaya.
"HAHAH taetae nagpadala ka rin pala" Bat soya natatawa? May nakakatawa ba doon? Ewan ko ba amp.
"Andiyan na si maam" Sigaw ng Mayor namin sa classroom. Ang lakas ng boses ng pandak na to.
"Goodmorning class, sorry I'm late may inaasikaso pa kasi ako sa office kaya ayun na nga late." Ahh sige maam sana tinagalan mo pa. Joke lang bad yun. Dapat mag aral tayo ng mabuti kasi nga sabi nila 'Education is the most powerful weapon which you can use to change the world'. Nabasa ko lang yan sa notebook ko dati hehe alam mo na basta mahirap ganon talaga ang notebook HAHAHA.
Akmang tatayo sana ako para bumati pero agad akong pinigilan ni Flint at napailing na parang sinasabi niyang "WAG MONG ITULOY YAN" At sabay sabay silang "Goodmorning din maam" pero nakaupo.
Huh? Ah eh ganon kasi sa public school eh yung parang respeto lang sa teacher. Ganito pala sa private school. Hindi ako nainform laking probinsiya eh. Hehe.
BINABASA MO ANG
Level Up
Mystery / ThrillerWelcome to Harison University, muling nagbukas ang paaralang ito dahil sa pagkaumanoy naipasirado noon dahil sa patayang naganap. Isang mayamang tao ang nagbukas ng paaralang ito, nilabanan lahat ng patong patong na kaso kaya'y nagbukas itong paaral...