"Tol kausapin kaya natin si Manong J" suhesiyon ko sa kaibigan ko. Naglalaro na naman siya ng ML. Ewan ko bakit hindi ako naaadik sa ML na yan, sayang lang oras diyan.
Mukhang hindi niya ako narinig. "Tol!""Ano?! Taena naglalaro ako mamaya na" Napailing nalang ako at dumiretso cr upang maligo.
Pagtapos kong maligo nagulat ako nasa labas ng cr si Pete mukhang maliligo rin ata. Pansin ko laki ng eyebags niya HAHAHA ML pa more!
"Alis na ako naman, alam ko rin namang mas pogi ako sayo kaya wag mo ako titigan ng ganyan" Pagmamayabang ng unggoy sakin. Alam ko naman yun!
Naglakad nalang ako papuntang aparador para makapagbihis na rin. Nagulat ako nang may kumatok sa pintoan, parang sisirain niya yata yung pinto wagas kung kumatok.
Pagbukas ko nang pinto nagulat ako sa nakita ko.
May dalawang multo! De joke HAHAH si Flint at Athena.
"Ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila at pareho nila akong pinaningkitan, humalakhak lang ako sa ginawa nila HAHAH bagay sila, hayop si Pete at tao naman ako. Yehey!
"Manonood lang ng por----" sigaw ng babaeng tukmol pero tinakpan ko naman agad ang bibig niya. Walang duda narinig ng mga nasa kabilang kwarto. Minsan napapaisip ako kung nasa tamang pag iisip pa ba ang babaeng to.
Inamoy ko naman yung kamay ko kung saan nagamit pantakip sa bibig ng unggoy.
"Ang baho ng laway mo!" Sigaw ko naman sa kanya.
"Wow kakatoothbrush ko lang bago ako pumunta dito pilingero kang tangang unggoy ka" Nakita kong napailing si Flint sa asta namin ni Athena.
Tapos na palang maligo si Pete nakita kong lumalamon ng isang apple. Simula nong nasa library kami naging kaibigan niya na rin Flint hindi rin naman kasi mahirap pakisamahan si Flint.
Oo nga pala nandito si Athena at Flint para tumambay din wala naman kasing pasok bukas dahil Sabado. Kaya napagpasiyahan namin na mag sleepover nalang sila dito sa apartment para hindi sila mabulok sa bahay nila.
Balak sanag magdala ni Athena ng beer para mag wawalwal raw kami pero tutol kami ni Flint si Pete lang hindi lasingero rin tong kaibigan ko eh.
Minsan na tong uminom dahil sa breakup nila ng syota niya isang taon na silang mag syota kaya medyo masakit sakit rin yun para kay Pete. Eh wala naman akong magawa desisyon yun ng babae eh. Kaya simula nong nag break sila ng girlfriend niya nagsimula na siyang maglasing ngunit tumigil naman siya sa pag iinom nang maghilom ang sugat sa kanyang puso at nakapag move on na siguro.
Akalain mo taga sundo ako ng mokong to kahit wala naman akong kotse para sundoin. Kaya nag cocommute ako saka e uwi sa bahay, alam ko namang papagalitan siya ng magulang niya kaya sa bahay ko nalang inuuwi tas si mama na ang nag aalaga.
Basta ako hindi ako iinom mabait akong tao HAHAHA.
Napagpasiyahan naming manood ng movie pagkatapos nag ML silang tatlo ako naman tamang scroll scroll lang sa facebook sher sher ng shitpost.
Nang nabored na talaga ako sa pagfefacebook nag open ako ng topic sa kanila tutal pa tapos naman laro nila narinig kong DEFEAT kaya nagtatalo silang tatlo.
"Guys what if kausapin natin si Manong J tungkol sa Mereiville University?" Napatingin silang tatlo sakin, hindi na kasi namin pinag usapan pa ang tungkol doon kahit nawala na sa isip ko. Ilang linggo na ang nakalipas bago namin na open yung topic na yun sa library kaya napagpasiyahan kong i open ulit.
Nong isang araw kasi nawawala si James at Annabeth na kaklase namin. Kinakabahan na ako sa nangyayari baka isa sa aming apat ang mawawala, ayaw ko namang mangyari yun. Nagtransfer na din ang ibang estudyante dahil natatakot sa mga nangyayari mapa junior high, senior at college students.
BINABASA MO ANG
Level Up
Mystery / ThrillerWelcome to Harison University, muling nagbukas ang paaralang ito dahil sa pagkaumanoy naipasirado noon dahil sa patayang naganap. Isang mayamang tao ang nagbukas ng paaralang ito, nilabanan lahat ng patong patong na kaso kaya'y nagbukas itong paaral...