Dumaan ang ilang linggo ganon pa rin yung routine araw araw. Gising sa umaga para mag workout, pasok sa school, discuss at iba pa. At yung issue ngang nawawala si Range at yung babae sa HUMMS 1 hindi pa rin nahahanap.
May nababalitaan rin kami na tatlo na ang nawawalang estudyante sa ABM 1, apat sa HUMMS 1 at tatlo na sa section namin STEM 1.
Hindi maipaliwanag ang pagkawala nang mga estudyante kahit may CCTV sa school wala pa ring bakas na makikita rito.
Ngayon papunta kami ni Flint at Athena ngayon sa Library may long quiz kasi kami sa Philosophy mamayang hapon, nagtext rin si Pete kung saan kami dahil nabobored daw siya sa classroom.
P: Ang daming lugar sa Library pa
A: Daming satsat sunod ka nalangWala naman akong natanggap na reply nang papasok kami sa library nakita ko naman si Pete na naglalakad patungo samin.
"Bakit nandito yang pangit na yan?" Tanong ni Athena sakin. Naging malapit kami ni Athena sa isat isa dahil rin kay Pete, akalain mo nga naman magpinsan pala. Inaaway pa rin ako ni Athena kahit wala naman akong ginagawa sa kanya ewan ko ba kabait kong tao eh.
Si Flint naman naging magkaibigan kami since magkatabi lang kaming dalawa naks naman maging tropa si Flint matalino ngunit napakasersoyo sa ano mang bagay.
"Mag babasa ako ng libro bakit?" Pilosopong sagot ni Pete. Kahit hindi naman nagbabasa ng libro. Nagulat kaming dalawa ni Flint nang sabay nilang itaas ang gitnang daliri nila nandito lang kami sa labas ng library kaya agaw pansin sa mga dumadaan. Napailing nalang ako sa ugali ng dalawang to.
Humanap kami ng mauupoan at ayon! Sakto may bakante. Iniwan ko muna silang tatlo sa table at naghahanap ng libro, ang lawak ng library. Marami rin estudyanteng nag study dito mapa high school man o college.
Kailangan kong mag aral ng mabuti kung hindi ko maememaintain ang grado ko mawawala yung scholar ko at ayaw kong mangyari yun. Wala rin akong pambayad ng tuition dito ang mahal mahal kasi hindi ko naman talaga gusto dito sa University na ito eh. Si Pete lang naman may gusto pero nagpupumilit lang talaga siya na dito ako mag aral para may kasama raw siya.
Kaya ayon dito ako napunta.
Nahulog pa talaga yung ballpen ko ah! Nilalaro ko lang sa kamay ko eh. Pagpulot ko sa ballpen ko may nakita akong newspaper sa ilalim.
Parang ang luma na ng newspaper na ito kaya kinuha ko nalang ito. Medyo natatakpan na mga sulat ng alikabok, pinagpagan ko ito para mabasa ko ang mga nakasulat rito.
Nagulat ako sa nabasa ko hindi ko alam na may ganito palang pangyayari noon dito sa paaralang ito. Bumalik ako kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko.
"Guys tingnan niyo to!" Tawag ko sa kanila. Nakuha ko naman ang atensiyon nila at ibang nasa loob sa library. Ang sama mg tingin nila, nagsorry na lamang ako kaya bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Ang talim ng tingin ng teacher sakin mamatay na yata ako pipols ughhh! Joke lang hehe.
Kinuha naman ni Athena yung newspaper na nasa kamay ko. Nagulat silang tatlo sa nabasa nila, ganyan din reaction ko kanina mga bopols hahah.
"Saan mo ito nakuha?" Tanong ni Flint.
"Basta doon sa ilalim bakit?" Napakseryoso ang mukha ni Flint mangangain yata to. Pakiramdam ko may alam siya dito.
"Siguro bumabalik na yung nangyari noon" Hindi ko alam ang sinasabi niya ganon rin si Athena at Pete. May alam nga siya sa mga nakasulat sa newspaper. Napatingin lang kami sa kanya at hinihintay na dagdagan yung sinabi niya.
"Ahh ganito kasi yun, 20 years ago may mga estudyante rin nawawala dito sa MEREIVILLE UNIVERSITY na hanggang ngayon hindi pa nahahanap hindi nila alam kung saan na napunta ang mga ito at ang alam nila kinidnap ito at hindi malaman kung sino ang may pakana. Napakagaling raw ng kumuha sa mga estudyante dahil ni isang bakas walang makita ang mga pulis. Ngunit ang alam nila may isang estudyanteng nawawala ngunit nakabalik"
Seryoso kaming nakatunganga kay Flint. Pakiramdam ko yun lang ang alam niya pero mukhang kulang.
"Sino yung nakabalik?" Seryosong tanong ni Pete. Oo nga sino kaya yun? Mukhang ang swerte niya yata at saka bakit siya lang ang nakabalik? Eh abot 50 yung nawawala. Ano yun?
"Hindi ko alam, hindi ipinakilala kung sino yun at saka nagtataka rin ako bakit hindi ipinakilala" Sagot ni Flint.
"Alam ba ito ng lahat ng estudyante rito? Alam ba ng mga guro? Ang principal?" Tanong ko naman kay Flint. Imposible kung walang nakakaalam sa pangyayaring ito.
"Itinago ng may ari ng paaralan kung anong nangyari dito noon, kahit sino nalang ang binayaran niya upang hindi ito kumalat. Ipinasunog lahat ng newspaper o kung ano pang impomasyon tungkol dito. Yun ang pagkakaalam ko pero hindi ko alam bat may natira pang newspaper at ngayon nakita mo" Sagot ni Flint sa mga tanong ko.
Imposible kung walang nakakaalam? Paano nangyari yun? Kahit kayo nasa kalagayan ko mapapaisip kayo. Kita ko ang picture ng MEREIVILLE University sa newspaper mukhang hindi pa ito gaano kalaki hindi tulad ngayon.
"Paano nakabalik yung taong yun? Hindi ba nakita ng ilang estudyante ang pagbalik niya?" Tanong ni Athena na parang nagugulohan na rin.
"Ang pagkakaalam ko may isang nakaalam na nakabalik na ang taong yun hanggang sa kumalat ito ngunit yun lamang ang chismiss tungkol doon may nakabalik pero hindi alam ng publiko kung sino" Sagot ni Flint.
"Kilala mo ba?" Napatingin kami kay Pete na mukhang seryoso sa topic.
"Oo"
"Sino?" Sabay naming tanong kay Flint at nakuha rin namin ang atensiyon ng ibang estudyante sa loob. Ang creepy talaga ng titig ng teacher na nagbabantay dito sa library.
"Hindi ko lang alam kung saan siya ngayon ang pangalan niya Juanito Matlag" nagulat kaming tatlo nina Athena at Flint nang marinig ang pangalan na yun.
"Manong J" sabi ni Pete. Nagtataka naman si Flint sa sinabi ni Pete ngunit tumahimik nalang ito dahil sinabi kong papunta dito yung teacher na nagbabantay. Kinakabahan ako sa sasabihin ng teacher dahil kahit kailan man hindi pa ako napapagalitan ng kahit sinong guro.
"Ginawa ang library para sa mga estudyanteng nag-aaral at hindi chissmissan kung hindi kayo tatahimik maaari kayong lumabas rito sa silid na ito" Ngayon lang ako napagalitan ng teacher taena.
At ang dami ding nakatingin samin at nagbulong bulongan pa. Nakita ko namang nag snob si Athena parang naiinis. Humingi kami ng paumanhin at lumabas na agad dahil malapit na ring magtime para sa susunod na klase.
Hindi man lang ako nakapag study. Bahala na nandiyan naman si Flint alam kong tutulongan niya ako. Pero nagugulohan pa rin ako sa mga sinabi ni Flint kanina, may alam si Manong J sa nangyari noon. Pero paano?
Gusto kong malaman kung ano nangyari noon alam kong wala rin akong mapapala pero bahala na curious ako eh. Ganon talaga ako basta may gusto akong alamin sa isang bagay hindi ko pinapalipas ito.
Natapos naman ang quiz sa Philosophy at salamat kay Flint. Si Athena naman ang ingay ingay kung kumopya hindi naghihintay sarap ipakain sakanya yung papel ko eh isali mo nalang pati ballpen para deadz. Yung nakikikopya ka lang pero may kumokopya rin sa sagot mo HAHAHA.
May sarili din naman akong sagot matalino naman ako hindi lang talaga ako interesado sa Philosophy at hindi nakapag review. Pero hindi sa pagmamayabang mas matalino ako sa Mathematics, natuwa ako dahil dalawa ang math sa Grade 11.
Ganon pala yun, kami kasi ang first batch ng Senior high school kaya wala din akong mapagkukunan ng impormasyon sa subject. At yun nga natuwa ako dahil dalawa ang math, sa first sem may Pre-calculus at General Mathematics. Ez lang naman walang kahirap hirap HAHAHA
Hindi ko pa alam yung mga subject sa second sem sana dalawa pa rin yung math:(
May nagtext pala, agad ko namang tiningnan kung sino yun. Unggoy lang pala.
P: Patambay ulit, wala sila mama at papa for a couple of week.
A: Ge.Umuwi siya nong last week tas babalik na naman ngayon. Nabalitaan kong may nawawala na naman sa HUMMS at ABM. Kinakabahan na ako sa mga nangyayari dito sa school.
Someone's POV
Ayaw kong gawin ang nangyari noon pero wala rin akong magagawa. Hindi na ako pwedeng umatras pa dito. Ito ang pamamaraan ko sa paghihiganti ko sa kanya! HAHAHA!
BINABASA MO ANG
Level Up
Mystery / ThrillerWelcome to Harison University, muling nagbukas ang paaralang ito dahil sa pagkaumanoy naipasirado noon dahil sa patayang naganap. Isang mayamang tao ang nagbukas ng paaralang ito, nilabanan lahat ng patong patong na kaso kaya'y nagbukas itong paaral...