Athena's POV
"Girl ang gwapo talaga ni Peterson Montemayor huhu" Ano? Pinsan ko yan ah! Gagang babae to. Oo nga pala hindi niya alam na magpinsan kami ni Pete, speaking of Pete saan kaya siya tumatambay hindi ko na siya nakikita at nakakasama ng ilang araw eh.
"Gaga pinsan ko yan Kristine" Naging mag kaibigan kami ni Kristine simula nong Grade 8 pa kami transferee siya so wala pang kausap. At wala ring kumakausap sa kanya, mabait naman si Kristine hindi siya mahirap pakisamahan ewan ko ba sa mga kaklase ko ang aarte nila, namimili ng kaibigan juice colored.
Ako gusto ko kahit sino lang kaibigan ko basta totoo hindi yung sinisiraan ka habang nakatalikod sa kanya.
"Owss? Really? Edi may chansa na ako nun sa kanya!" Tuwang tuwa pa ang gaga.
"Pinopormahan ka ba ni Jared? Sayang yun girl ang gwapo niya kaya tas moreno ang hot pa" Nakakagulat namang mag open ng topic tong si Kristine kung kilala niya lang si Jared juice ko.
"Iw! Ayaw ko sa kanya ang tanga niya minsan napaka clumsy, oo gwapo nga yun nga lang tanga tanga minsan" Totoo naman duh, at saka bakit rin ako magkakagusto sa unggoy aber? Remember nong first day?
Nagmamadali akong maglakad non kasi susundoin ko Kristine, hindi ko lang alam kung bakit puro gala alam ng babaeng yan first day na first day. Si Jared talaga nakabangga sakin nong nasa jeep banda, kaya inis na inis ako ikaw ba naman banggaan ng malaking unggoy okay lang sayo yun?
At saka nong sa school naman ako talaga nakabangga sa kanya, last period na non bago uwian pinagalitan pa ako ng teacher kung bakit daw ako natulog sa klase. Wala nga siyang naediscuss eh I do not know lang guys ha nakuu.
"Tingnan mo girl! Mukhang papunta dito asawa ko at asawa mo!" Asawa ko? Si Jared? Panain mo nalang sa ng totoong pana sa puso ko Cupido. Ang raming lalaki sa unggoy pa na yan, ano bang iniisip ng babaeng to.
"Hi Peterson" Pabebeng babae to tatawanan ko sana siya dahil hindi siya pinansin ni Pete pero nginitian pala ng mokong. Namula naman ang pisngi ni Kristine, kinilig ang gaga HAHAHA!
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila, tahimik lang si Flint mukhang may binabasa yata. Sana all nagbabasa ng libro hindi tulad sa dalawang unggoy na yan!
"Makikiupo at kakain alangan naman matutulog" Sagot ni unggoy Jared, pilosopo talaga nakuha niya yata kay Pete ang pamimilosopo.
"Maraming bakanteng upoan bakit dito pa?" Sabi ko kay Jared.
"Oo nga ang raming bakante" Pigilan niyo ako mga pipols naiinis na talaga ako dito sa unggoy na to. Tinaasan ko nalang siya ng gitnang daliri at agad naman siyang napahalakhak. Anong nakakatawa doon?
"Bumili na kaya kayo baka maabotan pa kayo ng time eh" Oo nga Kristine sana hindi mo na binalaan para mamatay sa gutom yang isa diyan.
Medyo close na rin si Kristine sa tatlo kasi minsan na kaming gumala sa mall. Kaya hindi na siya masyadong na oOP.
"Flint samahan mo akong bumili ng pagkain" Rinig kong sabi ng unggoy. Pero hindi siya pinansin nito HAHAHA! Kawawang unggoy.
"Tol--" Hindi niya pa natapos ang sinabi niya kay Pete
"Picking na ako kaya ikaw nalang bumili apple at orange juice lang sakin" Mukhang walang gustong sumama kay Jared. Ayaw ko rin siyang samahan nakakatamad mag lakad lakad bahala siya sa buhay niya.
"Samahan mo na girl kawawa oh" Ha? Bakit ako? Siya nalang kaya parang siya naman may gusto eh. Bahala siya diyan insaway niya ako kanina tapos sasamahan ko siya. Tinangnan ko siya mukhang nakangiti pa sakin. Inikotan ko nalang siya ng mata at tumaya na ako para samahan siya.
Sinabi niya naman sakin kung bakit ayaw niyang bumili mag isa nahihiya raw kasi siya. Ang weird kalalaking tao nahihiya pang bumili partida malaki pa katawan niyan. Hindi halata na may ugali pala siyang ganyan at may HIYA pa pala siya. Nakuuu
Nang makabili na siya, agad na kaming bumalik sa kinauupoan namin. Naisip kong mag open ng topic tungkol kay Maam Jade.
"Kinausap niya na ba si Maam Jade?" Tanong ko sa kanila. Sinabi ko na rin kay Kristine ang tungkol dito at tulad nga reaksyon namin ganon din sa kanya, hindi siya makapaniwala na marami rin ang nawawala noon tulad nang nangyayari ngayon.
"Hindi pa mukha kasing busy pa si Maam at hindi kami makakalugar ng oras kung paano siya kakausapin" Sagot ni Flint sa tanong ko, itinigil niya na rin ang pagbabasa at kumakain sa libreng apple ni Jared.
"Paano nalang kaya kung mamayang lunch break? Wala namang klase ang mga teachers niyan" Suhestiyon ni Krintine. Tumango naman ang ibang kasama ko bilang tugon na tama ang sinabi ni Kristine.
"Guys, pansin ko lang, yung nawawala halos matatalino at may mataas na ranggo sa paaralan" Kung ano ano na pinagsasabi ng unggoy na to at saan niya naman yun nakuha.
"Paano mo naman nasabi yan aber?" Tanong ko sakanya at tinaasan ko ng kilay. Nakuha naman niya ang atensiyon ng ibang kaibigan namin.
"I've done research. Unang nawala si Range Custadio kaklase natin STEM 1, Valedictorian of Herwon University. Pangalawa HUMMS 1 Elizia Espacio the Valedictorian of Eastern High. Pang tatlo ABM1 Lance Hebreo the Valedictorian of Provincial National High School at saka may bago ring nawawala sa GAS si Eloisa Hesba the Valedictorian of Huji University" Oo nga mataas nga ranggo nila pero anong punto ni Jared? Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang information na to.
"At yung ibang nawawala may mga ranggo din hindi lang sa academic kung hindi pati rin sports, dancing, arts at iba pang kompetisiyon" Dagdag pa niya. Ano kayamg balak ng kidnapper? Ano kayang ginawa niya sa mga estudyante? Kailangan na naming makausap si Maam Jade sa lalong madaling panahon.
"Kailangan nating makausap si Maam Jade" Sabi ni Pete.
Nagugulohan na ako sa nangyayari ngayon natatakot ako para sa mga kaibigan ko may malalaki rin kasi kaming ranggo at hindi ordinaryong estudyante lang. Hindi naman sa assuming ako pero, paano kung kaming lima ang mawawala? Paano kung isa sa amin ang mawala?
No, no ,no! Hindi ko dapat iniisip na may mangyaring masama sa amin. Arghhh! Napaparanoid na ako huhu. Hindi ko alam kung bakit ba ito nangyayari sa mga estudyante sa paaralang ito.
Hindi na ito tama, nagtataka lang ako kung sino kaya ang nasa likod nito. Ano ang balak niyang gawin?
"Tara na malapit na mag time" sabi ni Kristine.
Natauhan naman ako bigla mukhang napalalim ang iniisip ko ah. Pansin ko rin na walang nag sasalita mukhang malalim rin ang iniisip nila. Bwesit na paaralan to ang dami ko nang problema dumagdag pa!
Tumayo na kami at nagsimulang maglakad paputang sa kaniyang classroom. Nag-usap na kami na magkikita kita mamayang lunch break sa STEM building at agad dederetso kay Maam Jade.
Naalala ko ang huling sinabi ni Manong J samin
"Mag iingat kayo mga bata hindi basta basta ang kalaban niyo. Mag iingat kayo sa ginagawa niyo ayaw ko sanang magsalita pero mukhang gusto niyong pasokin ang gulo.
Ang kalaban ninyo ay siya ang kalaban namin noon. Walang pinagbago ang taong yan. Hindi ko sasabihin kung sino siya hahayaan kong kayo mismo ang magdiskobre kung sino ang nasa likod ng lahat ng iyan
Matagal kong tinatago ang mga dokumentaryong sinasabi ko sa inyo dahil ayaw kong mapahamak ang aking pamilya kung nagtataka kayo kung bakit buhay ako. Nakapagtago ako sa malayong lugar pagkatapos kong ipagkalat na may isang taong nakabalik. Gusto akong ipapatay ng taong nasa likod ng lagim na ito.
Kung makakausap niyo si Jade sabihin niyong mahal na mahal ko siya"
Bago pa man kami umalis tinawag ako ni Manong J. Mukhang may sasabihin pa yata.
"Iha, ingatan niyo ang isat isa lalo na si Pete at Jared pati ikaw alam mo namang parang anak ko na din kayo. Minsan ko na kayong inalagaan, tandaan mo Athena ang pagkakakaibigan ay parang pamilya kaya umasta kayo bilang pamilya" May ibang parte sa sinabi ni Manong J na hindi ko maintindihan ano bang pinapahiwatig niya?
Bago ako umalis niyakap ako ni Manong J at hinalikan niya ang noo ko. Hindi ko alam pero parang may iba sa pagyakap niya sakin parang may hinanakit sa yakap niya parang may kalungkotang sinasabi ang yakap ni Manong J kaya niyakap ko nalang din siya at nagpaalam na ako.
BINABASA MO ANG
Level Up
Mystery / ThrillerWelcome to Harison University, muling nagbukas ang paaralang ito dahil sa pagkaumanoy naipasirado noon dahil sa patayang naganap. Isang mayamang tao ang nagbukas ng paaralang ito, nilabanan lahat ng patong patong na kaso kaya'y nagbukas itong paaral...