Chapter 2 : Who's That?

10 0 0
                                    

Jared's POV

Sana hindi nalang muna ako pumasok, wala rin naman palang ginawa puro lang introduce yourself nyenyenye!.

Kamusta na kaya sila mama sa probinsiya? Okay lang kaya sila? Pero sana nga. Ang hirap basta wala sa tabi natin ang ating mga magulang yung feeling na nasanay kang inaalagaan ng ina at ama mo.

Paano ba naman kasi eh wala pang paaralan para sa SHS sa probinsiya namin. Ipinapatayo pa lamang yung mga buildings doon at mukhang aabotin pa ng isang taon para matapos ito. Kaya NO CHOICE na rin.

Pauwi na rin ako at mag isang naglalakad, wala pa akong naging kaibigan sa room mukhang masusungit mga tao doon kaya hindi muna ako umimik. At saka hindi ko rin alam yung room ng kaibigan kong ABM student hays.

"Aray! Ano b----" sigaw ng isang babae na nakabangga ko. Ang sakit ng balikat ko shet! Ano bang problema ng babaeng---

"Ikaw na naman! Kanina kapa ah hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Reklamo ng babaeng tukmol na 'to. Dito pala siya nag-aaral? Hindi ko naman kasi namalayan na napalalim yung iniisip ko. BADTRIP!.

"Sorry ate" napasimangot nalang ako at naglakad.

"Huy! Wag mo akong ma ate ate! Mas gurang ka pa sakin duh" sigaw ng babaeng tukmol sakin. Nilingon ko siya at nginitian saka nag wave yung parang nagpapaalam, mamamatay na ako! Ughh! Joke lang hahaha.

Pumara na ako ng jeep share ko lang. Para makauwi na rin ako sa apartment at makapagpahinga.

Habang papunta na ako sa room kung saan ako naninirahan naaninag ko ang isang binatang nakatayo roon sa pinto at yung kaibigan ko lang pala. Bruh! Kala ko kung sino na eh.

"Ang tagal mo naman ano bang ginawa mo sa school? Tumae ka pa? Nambabae?" Ang ganda ng bati niya sakin eh no? Natatawa pa siya sa sinabi niya wala ako mood ngayon.

"Ginagawa mo dito Pete?" Oo nga pala siya yung kaibigan at kaklase ko since grade 7. Siya yung parang kapatid ko na kaso ngayong senior high na kami eh hindi ko akalain na mag ABM pala siya kaya medyo nalungkot ako kasi hindi man lang niya sinabi sakin na mag aABM siya-,-. Mayaman si Pete siya yung mayaman na parang walang arte, kaya raw siya nag ABM kasi gusto ng daddy niya na sa Business siya ipasok para siya ang susunod na maghandle sa company nila.

Siya rin ang nagpumilit na sa MEREIVILLE UNIVERSITY kami magsesenior high. At ang gusto niya siya rin ang magbabayad ng tuition ko pero hindi ako pumayag. Nakakahiya at marami nang tulong ang naibigay ng pamilya nila sa pamilya ko. Kahit kinausap pa ako ng daddy pero hindi pa rin ako pumayag.

Scholar naman ako ngayon sa MU at ang nagbabayad sa apartment na tinitirhan ko ngayon sila Pete. Doon nalang ako pumayag sa alok nila para hindi ko sila madisappoint hehe.

"Tambay lang ang boring sa bahay ako lang magisa" sagot siya sa tanong ko.

"Akala ko may kotse ka na? Bat wala yata akong nakitang kotse sa labas?"

"Nagpahatid lang ako kay Manong J, inaantok ako wag mo akong kauspin"

Hindi rin ako kumibo at kita ko namang may dala siyang uniform. Minsan hindi ko alam ugali ng unggoy nato. Pero nababadtrip pa din ako sa babaeng nakabangga ko kanina, ang ingay ng bunganga! Kala mo inaano eh.

Binuksan ko muna ang sliding window. Wow hahah. Para makalanghap ng malamig na simoy nang hangin. Napatingin ako sa hindi masyadong kalayoan na puno naaninag ko ang isang tao roon, kumakaway yata sakin?. Tiningnan ko naman ang ibang binta ngunit para nakasarado naman, napatingin naman ako ulit doon sa puno at nawala yung kumakaway sakin.

Kinakabahan ako. Sino kaya yun? Baka namamalikmata lang siguro ako.

"Tol"

"Ay gagu!" Nagulat naman ako sa tukmol na to!

"HAHAHA! Kung nakita mo lang mukha mo tol! Anong ginagawa mo diyan? Naninilip ka ba sa ibang bintana? Nako tol hahaha iba na yan. May pagkain ka ba? Gutom na ako."

Hindi ko alam ang sasabihin, kinakabahan at naiinis ako. Badtrip ang araw na to!. Baka masuntok ko itong unggoy na to nang wala sa oras eh.

"Tingnan mo doon sa ref" pagsusungit ko sa kaibigan kong unggoy. Isinara ko nalang ang bintana at tumungo sa kusina para kumain nalang din. Baka gutom lang ako at kung ano ano nakikita ko.

"Dito ako matutulog ha?" Nakangiti pa ang gagu. Mainit naman dito tas sa bahay nila de aircon at dito pa matutulog. Walang duda, ang ibang mayaman kasi ang aarte minsan hindi mo alam kung ano ang totoo sa kanila pero itong si Peterson ibang iba sa mga kakilala kong mayayaman.

"Bahala ka tol kayo naman nagbabayad nitong apartment eh". Natapos na kaming kumain at may maya naligo na ako at sumunod naman si Pete.

Patingin ko sa salamin kita ko ang katawan ko. Malaki laki rin pala pinagbago medyo malaki na. Sa kakatrabaho ko siguro ito sa probinsiya puro mabibigat mga dinadala ko eh dagdagan pa nitong mukong na to sa pagdadala sakin sa gym. Tsk!

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon