The Life

93 48 32
                                    

*Marinette*


Tiktilaok!!!!!!!!!!!!!

Wahhhhh ang ingay ng manok sa labas. Kung hindi yan tatahimik sisiguraduhin kong iyan na ang gagawin naming panghapunan.

Tiktilaooookkkkkk!!!

Naku! At nilakasan pa talaga ! Humanda sakin iyang manok na iyan. Bumangon na ako sa kama at napatingin sa gilid ng kama.
PHONE !!! Phone ko lang pala ang tumitilaok dahil sa alarm. Ngayon ko lang naalala na may phone na pala ako , iba na talaga ang asensado ahahahah , .

Tuluyan na akong bumangon kahit ang aga-aga pa , 5:25 A.M. pa lamang, nasanay na kasi akong gumising ng maaga dahil kami ang nag luluto ng agahan at naglilinis ng bahay noong nakatira pa kami sa bahay ng mga Espinosas. Hindi ko pa talaga na familiarize ang bahay dahil kahapon palang kami lumipat kaya naisipan ko na libutin muna ito.

So dalawa lang ang room ng bahay na ito at parehong nasa 2nd floor. Ang room ko ang nasa first door mula sa hagdan at ang second door ay ang C.R. tapos ang room agad ni nanay. Pagkababa mo ay makikita agad ang sala. Ilang hakbang mula sa sala ay ang kusina at ang isa pang C.R. na panglaba, gets niyo?, . Tapos, makikita agad ang backdoor na nag lelead sa aming backyard na maliit lang , enough para sa iilang flower pots at sampayan. Mabuti nalang at rent to own ang apartment na ito na binayaran rin namin agad ni nanay kaya technically amin na talaga ang bahay na ito.

Pagkatapos maglibot ay bumalik muli ako sa kusina at nadatnan ko si nanay na kakagising lang at magluluto pa lamang.

"Ay anak hindi pa pala ako nakapagluto. Napasarap kasi ang tulog ko dahil sa lambot ng kama. Hanggang ngayon hindi pa talaga ako makapaniwala na nanalo tayo sa lotto." Masayang tugon ni nanay sabay ng kaniyang pag sistretching.

"Ok lang nay, maliligo nalang muna ako." Ako rin hindi parin makapaniwala sa nangyari sa amin. Siguro ay maswerte lang talaga kami. Impossible naman siguro na planado ang pagkapanalo namin .

Umakyat na ako pabalik sa 2nd floor at papasok sana sa room ko para kumuha ng damit at tuwalya nang biglang may napansin akong kamay na nasa knob ng pinto sa room ni nanay. Tiningnan ko ulit pero wala naman. "Inumin mo ito at gaganda ang buhay mo" may flashback na naman sa utak ko. Siguro ay inaantok parin ako at kailangan ko na talagang maligo para mahimasmasan.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at pumunta sa kusina.

" oh. Anak nandiyan kana pala. Kakaluto lang ng pagkain kaya kumain kana "salubong sa akin ni nanay pagkababa ko sa hagdan.

"Sige nay." Umupo ako tabi ni nanay at sabay kaming kumain.

"Naalala ko pala. Kumusta na pala yung college scholarship sa kinuha mo? Natanggap ka ba?"

May kinuha pala akong scholarship sa isang magandang school para kahit papaano ay makatulong ako kay nanay. Kahit na ngayon na nanalo kami sa lotto ay kailangan ko parin yung scholarship .

"Ay ma , wala pa pong balita ehh. Pero sa week po na ito malalaman ang results"

"Naku naman kinakabahan ako. Sana naman talaga ay matanggap ka. Kung magkataon ay malaking tulong narin satin yun"

"Nay, wala kabang tiwala sa anak mo? Sigurado akong matatanggap ako. Ako pa si Sean Marinette Rello na anak ni Margareth Rello , hindi matatanggap sa isang scholarship? Ehh ang talino kaya ng anak mo. Lahat gagawin ko para sa iyo ." Masigla kong sagot kay nanay.

"Ikaw talaga, sige na at tapusin muna ang pagkain mo at baka ma late kapa sa klase mo" dugtong naman ni nanay.

Pagtingin ko ay 6:30 na at alas 7 pa naman ang simula ng klase ko. Nagmadali ako sa pagkain at muntikan nga akong mabulunan. Pagkatapos ay nagtoothbrush muna ako at nag-paalam kay nanay.

                             ~°*°~

*U.N.K.N.O.W.N*

"Muntikan na akong mahuli dun ahh. Mabuti nalang at naisara ko agad ang pinto sa kwarto ng nanay niya. "

"Ilang sandali nalang at makakalaya ka narin mahal ko. Malapit na makumpleto ang kasiyahan ni Marinette at malapit na ako sa step two"

Ilang sandali nalang...

The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon