*Alucord*"Huh? Naguguluhan na talaga ako. Please enlighten me. Sumasakit na ang ulo ko." Napahawak si Sean sa ulo niya dahil sa pagkakalito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil hanggang ngayon wala pa palang clue si Sean kung ano ang pinasukan niyang mundo at kung sino talaga ako. Akala ko nakahahalata na siya noon pero wala pa pala kaya mahaba-habang pagpapaliwanag yata ang gagawin ko para maintindihan niya ang lahat at matulungan niya ako kaya siguro dapat na akong magsimula.
"Bago ko simulan ang pagpapaliwanag ko maupo muna tayo dahil mahaba-haba rin ang dapat natin talakayin." Kahit na naguguluhan ay umupo naman ng walang pag-aalinlangan si Sean sa damo. Pagka-upo niya ay agad siyang tumitig sa akin na tila nag-aabang sa lahat ng sasabihin ko. Umupo na rin ako at huminga ng malalim bago simulang magsalita.
"Gaya ng sabi ko sayo, I need your help." Hindi naman umimik si Sean at naghihintay lang ng susunod ko pang sasabihin. Huminga ulit ako ng malalim.
"Nandito ka ngayon sa ibang mundo kung saan para gaya ninyong mga tao ay pantasya lang. Ang tawag dito ay Astral World." Bigla naman siyang tumawa ng mahina na ipinagtataka ko.
"Bakit ka tumawa?" Tanong ko na siyang ikinatigil niya at seryosong tumungin sa akin.
"Anong akala mo sa akin? 5 year old na bata? Please lang kailangan ko ng totoong explanation hindi fairytale na storytelling."
"Nagsasabi ako ng totoo." Kumunot naman ang kaniyang noo ng marinig na medyo lumakas ang boses ko.
"Tingnan mo nga ang tenga ko. Diba hindi kagaya sa inyo dahil isa nga akong Faerie, Dream Reaper to be exact." Sabi ko sa kanya sabay turo sa tenga kong matulis.
"Malay ko bang isa kang cosplayer na nagpapanggap na isang elf mula sa mga anime ba movies." Hindi talaga siya naniniwala sakin. Ano pa ba ang dapat kong gawin para patunayan sa kaniya. Ahh oo, shapeshift! Kapag magtatransform ako bilang ibon baka matauhan na siya.
Pinikit ko ang aking mata at lumutang sa ere. Iwinagayway ko ang mga kamay ko para maging pakpak at yumuko hanggang sa mag-compress ang katawan ko para maging katawan ng ibon. Nang tuluyan na akong maging ibon ay lumipad ako palapit kay Sean. Dumapo ako sa harap niya at nakita ko ang kaniyang pagkabigla. Nanlaki ang mga mata niya at bumuka ng bahagya ang bibig niya. Hindi ito gumalaw kaya lumapit pa ako na siyang ikinagulat niya at bumalik narin siya sa kaniyang katinuan.
"So hindi pala ako namamalikmata kanina. Totoo ngang nag-iba ka ng anyo. Pero papaano?." Bumalik narin ako sa anyong tao.
"Mayroon kaming maraming kakayahan at kapangyarihan na hindi kaya ng mga normal na tao dahil sa hindi nga kami mga tao. Dinala kita sa mundong ito dahil kailangan ko ang tulong mo para iligtas ang minamahal ko." Bigla naman siyang sumingit sa gitna ng aking pagsasalita.
"May kapangyarihan ka pala eh pero bakit mo pa ako kailangan dalhin dito? Isang hamak ba normal na tao lang naman ako." Inaasahan ko nang tatanungin niya ako tungkol sa bagay na yan.
"Nakakulong si Pharsa sa isang espesyal na kulungan na kailangan din ng espesyal na susi para bumukas at sa sinasabi kong espesyal na susi,ikaw yon? Ikaw ang taong napili ko na may puro at busilak na kalooban na siyang kailangan para makalaya ang minamahal ko"
"Sino naman si Pharsa?" Tanong niya sabay unat ng kaniyang mga paa.
"Siya ang babaeng mahal ko na nakulong dahil sa nagawa kong kasalanan kaya gagawin ko ang lahat para mapalaya siya. Kailangan ko ang puso ng mabuting tao" napatigil naman siya sa pag-uunat at nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. Bakit? May mali ba sa nasabi ko?
BINABASA MO ANG
The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]
FantasyA new day , a new start for living. Marinette unexpectedly won a raffle with an enormous amount of prize, she became the top achiever of their class plus a scholarship and her crush just asked her to go out and eventually wants to be his girlfriend...