The Love III

61 37 14
                                    

*Marinette*


"Waaaaaahhhhhhh" mahinang sigaw ko dahil sa inis. Mga 30 minutes din yata akong pagulong gulong sa kama dahil hindi ako makatulog .

Palaging nagfaflashback sakin ang tinig ng isang lalake na nagsasabing
"Inumin mo ito at gaganda ang buhay mo".

Hindi ko naman alam kung sino iyon.

Baka naman sa past life ko iyon at may pinainom sakin at namatay ako kaya ngayon may mission ako na hanapin kung sino man ang lalakeng iyon.

Tama  !  Tama ! Baka iyon nga.

Hindi! Ang lawak talaga ng imagination ko. Nababaliw na yata ako. WAAAAAHHHH!! Hindi pwede baka hindi ako magustuhan ni Vince kapag baliw ako waaahhhhh.

"Anak ok ka lang ba?"

"WAAAAHHHHHHH!" napatili ako ng sobrang lakas dahil may narinig akong tinig ng isang babae mula sa may pinto.

"Baliw ka na bang babae ka!? Bakit ka sumisigaw diyan ? Makakaistorbo ka sa mga kapitbahay eh!" Galit na galit na sumbat ni nanay .

"Ehhh nanay naman kasi ehh. Bigla bigla kang sumusulpot diyan. May lahi ka po bang kabute?" Medyo pabiro kung sabi " At diba lumabas ka kanina para mamalengke hindi ko naman kasi alam na dumating ka na pala" sagot ko naman kay nanay .

Kanina pa ako dumating at mag-bibihis sana ako pero narinig kitang tumili ng mahina. Akala ko ano nang nangyari sayo kaya papasok sana ako para kamustahin ka . Ok ka lang ba?" Medyo nag-aalalang tanong ni nanay.

"Ok lang ako ma, medyo masakit lang ang ulo ko."

"Ay teka lang kukuha ako ng gamot."

"Ayy ma! Wag na po okay na po ako. May sasabihin po pala ako sayo"

"Ano naman iyon nak?"

"Yung tungkol po sa scholarship ko." Medyo naeexcite na akong sabihin kai nanay ito . Sigurado at matutuwa talaga siya.

"Oh ano? Nakapasa kaba?" Kitang kita ko sa mata ni nanay na sobrang excited na talaga siya. Pero naisipan ko na biruin si nanay para may pagka thrilling. Hehehe sana hindi ako pagalitan.

"Ano kasi..." Yumuko pa ako para madala talaga siya sa acting ko.
" hindi po ako nakapasok sa top 2-10"

"Okay lang yan anak. Ang importante ay ginawa mo ang best mo. Hahanap nalang tay--"

"Top one po ako" pagputol ko sa sinasabi ni nanay. Tumungo naman ako para tingnan ang reaksyon ni nanay.

"Ha!" Medyo naguguluhan na si nanay. Ahahahaha

"Top one po ako "  pag-uulit ko

"Hwaaaaaaaah alam ko namang magagawa mo iyan ehhhh ikaw pa! Ang tali-talino talaga ng anak ko"  napasigaw si nanay sabay yakap sa akin.

"Magcelebrate tayo anak bukas at isama mo iyon si Vince ha" dagdag pa niya.

"Eh bakit naman po kasama pa si Vince ?" Nagtatakang tanong ko.

"Para naman makilala ko ang magiging son-in-law ko. Hehehe" naku si nanay talaga.

"Ehh hindi naman po naman kami magboyfriend at girlfriend"

"Naku alam ko naman na doon ang punta niyo " ngiting ngiti na sagot ni nanay.

Sana talaga.

                               ~°*°~

Kinabukasan

"Good morning!" Napatingin naman ako sa sasakyan na huminto sa gilid ko.

Napangiti naman ako noong makilala ko kung sino ang bumati sa akin.

"Good morning din Vince" bati ko na may napakalawak na ngiti.

"Hop in" sabi niya sabay bukas ng pinto para papasukin ako.

"Naku wag na nakakahiya na sayo" pagtangi ko sa offer niya.

"Naku wag ka nang mahiya. Masanay kana dahil baka araw-arawin ko na ito pag naging tayo"

~~Vvrooooooooooooomm~~

"Huh ? Ano yong last na sinabi mo?". Hindi ko kasi narinig . May dumaan kasi na motorsiklo na napakaingay. Pag ako naging presidente ng Pilipinas ay ipagbabawal ko talaga ang maiingay ng sasakyan.

"Sabi ko sakay na, I won't take no as an answer"

"Sige na nga" sagot ko na medyo natatawa.  Mapilit kasi kaya pumayag nalang ako.

Naku Marinette gusto mo naman ehh!

Bwisit na konsensya.

Habang nasa biyahe ay kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa scholarship at sa celebration. Ininvite ko naman siya at pumayag din siya .

Nang makarating na kami sa school ay bumaba ako nagpasalamat. Tatakbo na sana ako kasi may pupuntahan pa ako saglit nang tinawag niya ako ulit.

"Marinette!" Tumingan naman ako sa kanya at huminto. "Bakit?"

"Mamaya , after dismissal kita tayo sa cafeteria." Um-okay nalang ako . Doon siguro kami mag-meet para sabay na kami papunta sa amin.

Dumaan muna ako saglit sa faculty room dahil may ififill-up akong form regarding sa scholarship . Pagkatapos ay dumiretso na ako sa room.

Pagdating ko sa room ay napansin ko na wala si Vince. Nagtanong naman ako sa iba kong classmate at sabi nila na whole day daw silang may practice sa volleyball. Kasali kasi siya.

Kaya naman pala kanina niya sinabi kung saan kami magme-meet. Hindi pala kami magkikita hanggang dismissal.

Normal lang naman ang takbo ng klase. Nagtest sa English at Filipino. Perfect naman ako. Hanggang dumating ang dismissal.

Nagmamadali akong pumunta sa cafeteria dahil baka kanina pa nag-hihintay si Vince. Pagkadating ko ay nakita ko naman siya na naka-upo sa isa sa mga seats. Kinawayan ko siya para makita niya ako at sinalubong naman niya ako .

"Matagal ka na ba diyang naghihintay?"  Tanong ko na may halong pag-aalala.

"Hindi naman kakatapos lang namin sa practice"  sagot naman niya.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Habang naglalakad nagsalita naman bigla si Vince na bumasag sa katahimikan.

"Alam mo since Grade 8 nagkacrush ako sa isang babae na sobrang tahimik" nagulat naman ako sa pagkekwento niya. Nakinig nalang din ako. "Hindi naman niya ako napapansin kasi sobrang focus siya sa pag-aaral niya, sa totoo nga iaa siya sa mga top students sa klase" medyo nasasaktan naman ako sa kwento niya. Obvious kasing hindi lang crush ang tingin niya sa babae. Swerte na naman ng babaeng yon. "Hanggang sa dumating sa isang araw na medyo naging malapit kami, at nailigtas ko pa siya nung muntikan na siyang mahold-up"
Napalunok naman ako nang marininig ang part na iyon .

"Vince , sino ba ang babaeng yon?" Tanong ko. Medyo kinakabahan naman ako sa sagot niya.

"Ang pangalan niya ay, Sean Marinette Rello." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko "ayoko nang magpaligoy ligoy pa"

"Will you be my girlfriend?"

Whatttttt!!!!!?

The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon