The Life II

75 39 14
                                    


*Marinette*



Since malapit lang naman bago naming bahay sa eskwelahan ko ay pwede ko lang itong lakarin pero sa sitwasyon ko ngayon na malapit na akong malate ay tumakbo na ako. Full speed .

Mga isang minuto palang ako sa pagtatakbo ko ay pagod na pagod na ako. Sasakay nalang sana ako ng tricycle nang may sasakyang biglang huminto sa harapan ko.

Bumukas ang bintana ng sasakyan at tumumbad ang isang anghel na hayop sa kagwapuhan. Si Vince . Kaklase ko na matagal ko nang crush.

"Want a lift?" Tanong niya habang nakangiti .

Lumingon muna ako sa likuran ko para masiguradong ako ang kausap niya " Ako? " wala sa sarili kong tanong.

"Oo Marinette ikaw" medyo natatawa niyang sagot "malelate ka na kasi kaya sumabay kana sa akin" sabagay tama siya at once in a lifetime oppurtunity lang ito kaya um oo na ako.

Habang nasa sasakyan ay tahimik lang ako dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko nga noon hindi niya alam na nag eexist ako sa mundo pero tingnan niyo ngayon , nakasakay ako sakanya-- bastos-- I mean nakasakay ako sa sasakyan niya. Ayan tuloy nagsilabasan na ang hormones ko .

"Okay ka lang ba diyan? Mukhang napagod ka kakatakbo ah?" Bigla siyang nagsalita na nagbasag sa katahimikan.

"Uhmm ok lang naman medyo hindi naman kalayuan yung natakbo ko. Mabuti nga at dumating ka nakasave pa ako ng energy" sagot ko naman na mayroong pagka awkward.

"Bakit ka naman kasi tumakbo kung pwede ka namang sumakay ng tricycle" yiee concerned siya sakin.

"Malapit lang naman kasi ang bahay namin ehh. Kaya lang namang lakarin pero kanina napatagal lang talaga ako sa bahay kaya tumakbo ako para hindi malate. Atsaka para makasave rin ng pera." Medyo masarap naman pala siya-- I mean masarap kausap. Naku hormones talaga .

"Ano ? Ako nalang ba ang susundo sayo araw-araw para hindi kana maglalakad o tumakbo. Naku mahirap na baka himatayin ka sa gitna ng daan." Hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya o seryoso siya sa sinasabi niya kasi nakasmile siya ng nakakaloko. Hindi ko na talaga kinaya ang kilig ko.

"Uhmm ah wa-wag na hi-hindi naman ka-kailangan atsaka atsa--" nawalan na ako ng sagot .
"Atsaka , Nasa school na tayo! " bigla akong napasigaw para ma change ang topic.

"Ay oo nga, sige magmadali na tayo baka malate pa tayo , may 5 minutes nalang bago mag seven"bumaba na ako sa sasakyan at hinintay siya. Sabay narin kaming pumasok sa paaralan.

Nang makarating na kami sa room namin ay nagpasalamat ako sa kanya.

"Thank you pala kanina ah" sabi ko sabay ngiti ng napakalapad. Nagpapacute ng konti .

"No problem, sa uulitin " at tuluyan na siyang pumunta sa upuan niya.

Nagsimula na ang klase at mukhang magiging maganda ang daloy ng araw ko.

                              ~°*°~

Normal lang naman ang daloy ng klase pero syempre hindi para sakin kasi hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga.

Nag-exam kami at sa math at science. Naperfect ko naman dahil hindi lamang sa nagstudy ako pero dahil narin sa inpired ako.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kaninang umaga, napaka impossible. Pero sabi nga nila nothing's impossible.

Innannounce rin pala kanina ang top achievers sa klase for this Grading period and guess what. First nanaman ako ulit. Nadagdagan ang saya ko sa araw na ito.

Lalabas na sana ako sa room dahil dismissal na pero may lumapit sakin na guro. Si Ms. Macato ang advisor namin.

"Marinette may goodnews ako sayo" naeexcite niyang sabi sa akin.

Kahit ako ay naeexcite narin. Ako kaya ang good news na iyon?

"Ano po iyon maam?" Tanong ka
habang pinipigilan ang sarili ko dahil sa excitement.

"Yung about sa scholarship na kinuha mo, nakapasa ka! Number one pa!" Dahil sa narinig ko ay para akong inihagis tungong langit dahil sa saya.

"Talaga maam? Naku tiyak na sasaya si nanay kapag marinig niya ang balitang ito" halos mangiyak ngiyak na ako dahil sa tuwa.

"Worth it lahat ng eyebags mo kakastudy at efforts mo. Im so happy for you" giit ni maam na may napakalawak na genuine smile.

Napaganda talaga ng araw na ito. Hindi ko lang nakasabay papuntang school ang crush kong ubod ng kagwapuhan. First honor pa ako sa room namin for this grading period tapos top one rin ako sa scholarship ko para sa college.

Ang swerte swerte ko na talaga,  nakakatuwa naman ang ganitong buhay. May mas sasaya paba sa araw na ito. SANA HINDI LANG ITO PANAGINIP.

The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon