*Alucord*
"Uhmmm, aaah-good morning!!" Nagulat ako ng gumising na si Sean at nagsalita.Akala ko ako ang kinakausap niya ang stuff toy pala na katabi niya. Agad akong umayos sa pagtatago. Mahirap na baka makita niya ako at baka mapagkamala ako na magnanakaw.
Inayos ko ang mga nakakalat na gamit dito sa likod ng cabibet na tinataguan ko dahil baka matapakan ko ito at makagawa ng ingay. Itinabi ko ang mga nagkalat na hanger at mga damit sa isang sulok.
Habang nag-aayos ng mga gamit ay napapaisip ng mga maaring gawin para mapadali ang misyon ko. Hay, dapat na talaga akong magmadali. Nababahala na ako sa sinabi ni Pharsa sakin kahapon.
~~Flashback~~
"Papunta na ako" agad akong tumakbo papunta sa malapit na bahay o tindahan pagkatapos ng narinig ko mula kay Pharsa ang kaniyang balita. Naghanap ako ng pwedeng gamitin bilang portal. Nang makakita ako ng isang Coffee Shop ay agaf akong pumasok dito at hinanap ang kanilang C. R.
Nang nasa harap na ako ng pinto ng C.R. ay ipinitik ko ang daliri ko ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng C.R .
Pagkabukas ko sa pinto ay bumunggad naman sa akin ang malawak na kagubatan. Napapalibutan ito ng napakalaking mga kahoy na may kukay ginto na mga dahon at may mga alitaptap din na nagliliparan na may iva't ibang kulay. Dali-dali akong naglakad sa gitna ng mga kahoy habang nag-iingat na hindi makagising ng mga halimaw na nagkalat sa paligid. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tanaw ko na ang isang maliit na daanan na gawa sa kumikinang na puting metal na may mga bilog na orbs sa gilid na nagsisilbing ilaw sa daan.
Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa Good Will's Dungeon. Isa itong napakalaking gusali na may maraming mga kwarto na gawa sa metal at mga diyamante. Marami ring mga nakakulong dito pero karamihan sa kanila ay magaan lamang ang mga nagawang kasalanan kaya hindi masyadong malungkot sa selda nila dahil sama-sama sila sa isang selda habang sa kabilang banda, ang mga nakagawa ng mabibigat na kasalanan ay nasa ibang selda na malayo sa iba na tila may nakakahawang sakit at kailangang i-quarantine. Nasa pinakatagong bahagi ng Dungeon nakakulong si Pharsa. Nakakulong siya sa isang espesyal na kwarto na kinakailangan din ng espesyal na susi para bumukas, ang isang puro at busilak na puso ng isang tao.
May butas dito kung saan ilalagay ang puso ng taong napili. Hindi basta basta ang pagpili ng puso ng tao. Kinakailangan na siya ay mabait at kailanman ay walang hint na maari siyang magbago. Kung hindi busilak ang puso ay maaaring mamatay ang taong napili.
Nang makita ko na ang isang pinto na gawa sa purong diyamante ay agad akong tumakbo palapit dito.
"Pharsa ! Nandito na ako mahal" sigaw ko nang nasa tapat na ako ng pinto. Mahirap kasing madinig ang boses dahil napakakapal ng dingding at ng pinto.
"Alucord! Mabuti naman at dumating kana" masiglang salubong sakin ni Pharsa.
"Bakit! Ano ba yung sasabihin mo?"
"Dapat ka nang magmadali, konti nalang ang oras na natitira!" Sagit ni niya ba ikanalilito ko.
"Anong magmadali! Anong oras na natitira ang sinasabi mo?" Tanong ko dahil wala akong alam sa sinasabi niya.
"Yang sa misyon mo, magmadali ka na. Hindi sinabi sayo ng mga Dream Gods ang tungkol dito pero ino-orasan ka pala nila. Limited lang ang oras mo at kapag hindi mo magawa ay makukulong ako ng panghabambuhay. Hindi lang iyon pero pati ikaw ay makukulong din." Halatang halata sa boses ni Pharsa ang pagkabahala at ang lungkot.
"Wag kang mag-alala malapit na ako sa step two. Ilang araw na lang ba ang natitira sa akin?"
"Labing-tatlong araw nalang" malungkot na sagot ni Pharsa.
"Magtiwala ka lang sakin at kay Sean. Magagawa namin ito maghintay kalang."
~°*°~
*Marinette*
Tahimik lang kami ngayon sa loob ng aming room habang busy na busy sa pagsagot ng aming quiz sa math. Halata naman ang iba na pasimpleng lumilingon sa katabi nila at humahaba na ang leeg na parang giraffe para mangopya. Ang iba naman ay nagpapasahan ng papel. Mabuti nalang at busy sa paglalaro sa phone ang guro namin kaya hindi sila napapansin.
Nakakalito naman kasi itong mga proportionality at pythagorean theorem eh. Kung hindi lang ako scholar eh hindi ako nagpapakahirap sa pagsastudy para makapasa at hindi bumagsak. Kahit na nanalo kami sa lotto ay nagtitipid parin kami no.
Pagkatapos namin magchecking ay as usual ako na naman ang may highest score. Nagtest rin kami sa iba pa naming subjects hanggang sa matapos ang klase.
Nandito muna ako sa cafeteria para bumili ng pagkain bago umuwi. Nagpaalam kasi kanina si Vince na hindi niya ako mahahatid ngayon dahil may practice pa sila ng Volleyball hanggang gabi dahil malapit na ang Interschool Sports Festival.
Medyo mahaba ang pila at medyo matagal rin akong naghintay. Nang mga four people away nalang ako sa counter ay biglang may sumingit na lalake sa harap ko.
"Excuse me lang po, nauna po ako atsaka matagal akong nakatayo dito tapos sisingit ka lang?" Medyo naiinis kong sumbat.
"Sorry po pero nagmamadali kasi ako. Nahimatay ang kapatid ko at kong bumili ng tinapay at gamot." Malungkot na sagot nung lalake habang nakatingin sa ibaba.
"Ay ganun ba?" Nakonsenya naman ako bigla. Marami rami pa naman akong nasabi kanina.
"Sorry, hindi ko kasi alam pasensya na. Samahan nalang kita sa harap ng counter para makabili ka agad."
"Salamat miss" sinamahan ko naman si kuya papunta sa counter para bumili ng gamot at tibapay. Muntik na nga kaming mapa-away dahil sumingit daw kami. Nagpaliwanag naman kami kaya pinagbigyan niya rin si kuya.
"Salamat talaga miss, napadali ang pagbili ko ng gamot"
"Walang anuman po kuya." Nakangiti kong sagot.
"Ay kuya, mauna pala ako gumagabi na pala." Pagpapa-alam ko sa kanya.
"Sige miss Sean paalam po at salamat muli"
"Sige ba-bye po"
Pagkatapos kong magpa-alam kay kuya ay naglakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Simula noong mahold-up ako ay natatakot na akong maglakad mag-isa pauwi.
Habang nakatulala sa tricycle ay naalala ko na hindi pala ako nakabili ng pagkain kanina kaya medyo nagugutom na ako.
"Sige miss Sean paalam po at salamat muli"
Bigla kong naalala ang lalake kanina.
Paano niya nalaman ang pangalan ko?
BINABASA MO ANG
The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]
FantasyA new day , a new start for living. Marinette unexpectedly won a raffle with an enormous amount of prize, she became the top achiever of their class plus a scholarship and her crush just asked her to go out and eventually wants to be his girlfriend...