*Third Person*
Hindi na namalayan ni Marinette na nakatulog na pala siya kakaisip kung paano nalaman ng lalake kanina sa cafeteria ang pangalan niya.
Habang natutulog si Marinette ay biglang may pumasok na ibon sa kwarto niya at pumunta sa likod ng cabinet.
Biglang nag "shapeshift" ang ibon. Ang mga pakpak naging kamay at ang mga itim nitong balahibo ay naging itim na coat. Si Alucord.
Habang binabantayan si Marinette ay nagpaplano naman siya sa susunod na gagawin para makumpleto ang Step two.
~°*°~
Kinabukasan
*Marinette*
Hayyyy! Nakatulog pala ako? Pero weird kasi pakiramdam ko parang may palaging nakabantay sakin habang natutulog ako. Para kasing may mga mata na nakatutok sa akin habang natutulog ako.
Waahhhhhhhh! Wag naman sana multo o kung anong halimaw. Baka may gusto siya sakin at gusto niya akong isama sa kabilang mundo.
Hwaaaaah!!!!!!
Habang nasa gitna ako ng aking mga imagination bigla namang may kung anong itim na bagay na gumagalaw sa likod ng cabinet.
Waahhhhhh!! Baka ito na nga.Kumuha ako ng kung anong bagay na pamalo sa kutong lupang iyon. Dahan-dahan akong lumapit bitbit ang walis na aking nakuha sa kung saan. Weird nga dahil iniisip ko lang na sana may walis sa ilalim ng kama ko para ipamalo ko tapos pag tingin ko mayroon nga. Baka naman na misplace ni mama.
Nang nasa tapat na ako ng cabinet ay nanginginig ako habang sumisilip sa likod nitong cabinet. Nang biglang...
"Hwaaaaaaaaahhhhhhhhh" napatakbo ako bigla nang biglang may lumipad na kung anong kulay itim. Hindi ko napansin na may nakaharang palang kahon kaya nadapa ako.
Nang tingna ko kung ano yung lumipad patungo sa bintana.
Bwisit! Ibon lang pala!."Nak! Nak! Anong nangyari?" Nagmamadaling tumakbo patungo sa kwarto ko si nanay na may dala ring walis.
"Ayy hehehe wala nay may ibon kasing nakapasok sa kwarto ko hehehehe"bigla namang kumunot ang noo ni nanay.
"Naku! Nasira tuloy ang beauty sleep ko dahil sayo." Galit na sumbat ni nanay sabay baba ng hawak na walis.
"Ay nay, may naiwan ka rin po palang walis sa ilalim ng kama ko." Sabay abot ko sakanya ng walis.
"Huh isa lang naman ang walis natin ahh." Takang taka na sagot ni nanay.
"Ayyy baka nandito lang ito bago pa tayo lumipat dito."
"Baka nga" pagsang-ayon naman ni nanay.
*Alucord*
Naku, malapit na akong mahuli kanina buti nalang nakag shapeshift agad ako. Isa ito sa mga kapangyarihan ko, ang magiba-iba ng anyo.
Medyo nakakahalata narin siya sa kung ano talaga ang nangyayari kaya dapat ko na ngang bilisan.
Kagabi may naisip rin akong paraan para mapatunayan ang kabaitan niya. Dapat ma-test ko ang Generosity at ang Integrity niya. Kahapon na test ko na ang pagiging matulungin at pagiging mapagbigay niya nung nasa cafeteria kami.
Hinihintay ko mapadaan si Sean sa harap nitong shop na may malalaking mga TV sa harap para gawin ang plano ko.
Planado ko na ang lahat.
Uutusan si Sean ng kaniyang nanay na pumunta sa palengke para bumili ng isda at karne.
Dahil gusto ni Sean na makatipid ay naisipan niyang maglakad lang.
Magtatanong siya sa isang ale kung may shortcut ba papuntang palengke.
Ang shortcut naman na tinuro ng ale ay dadaan dito sa park na may tindahan ng appliances.
At pagkadaan siya dito.
BOOM! Tuloy ang plano ko.
..............
"Antagal naman ni Sean" bulong ko sa sarili ko habang nakaupo dito sa ilalim ng puno sa harap ng tindahan. Baka naman napahamak na yon. Kahit sa realm na ito marami paring panganib na possibleng mangyari.
Tatayo na sana ako para hanapin siya nang makita ko si Sean na pagod na pagod na naglalakad palapit sa tindahan.
Tumigil siya sa paglalakad sa harap mismo ng naglalakihang mga naka-on na TV para magpahinga sandali.
"Akala ko ba shortcut to, bakit ang layo parin ng palengke!" Rinig kong reklamo ni Sean. Natawa naman ako saglit bago ko winagayway pabilog ang kamay ko para mag-iba ang chanel ng TV.
"Naging viral ang video ng isang babaeng highschool na nabidyuhang nagbibigay ng mga pagkain sa mga batang kalye" sana gagana itong plano ko. Nakita ko naman na tutok na tutok din siya sa TV.
"Maraming tao ang napahanga sa kaniyang ginawa at tinuring siyang role model para sa mga kabataan" nilipat ko na sa ibang channel ang tv dahil sapat na yon.
Nagpatuloy naman siya sa paglalakad at dumaan sa isang tagong eskinita. Naghanda na ako at nagdisguise bilang isang matandang lalake na nanglilimos. Pagkatapos kong magtransform ay inunahan ko siya nang hindi niya pinapansin para makapaghanda ako at pumwesto na para gawin ang test.
Umupo ako sa gilid at naglabas ng lata. Nang nakita ko na parating siya ay sinimulan ko na ang acting.
"Aaahh-ahh mi-misss, aray miss pengeng barya." Wala namang nakakakita sa kanya pero tumigil talaga siya para makipag-usap sa akin.
"Ayy teka lang manong ah." Hinalungkat niya ang kaniyang bag at kinuha ang kaniyang wallet.
"Kuya oh pasensya na eto lang ang kaya kong mabigay." Sabi niya sabay abot ng 100 pesos.
"Naku mi-miss, ang laki ni-nito salamat!"
Pinakita ko ang news na yun kanina dahil baka sundin rin niya dahil sa panahon ngayon tumutulong lang ang mga tao kapag marami ang makakakita sa ginagawa nila para sabihing matulungin sila pero iba si Sean.
Alam niyang wala namang tao sa eskinitang ito pero tumutulong parin siya sa mga nangangailangan. INTEGRITY.
At hindi lang iyon nagbigay din siya ng 100 pesos. Napakalaki ng halagang iyon pero hindi naman importante kung malaki o maliit ang binigay mong tulong basta't sincere at walang hinihinging kapalit. GENEROSITY.
"Sige manong mauna na ako ha? Ba-byee po atsaka gamitin mo nang maayos yang pera ha? Wag mo gamitin sa bisyo hhehehe." At tuluyan na siyang umalis.
Last nalang at final step na rin tayo.
*Author's Freedom Board*
Wahhhhhh. Sorry sa medyo matagal kong update. Busy na kasi sa school. Periodical exams na!!!!
Sa mga patuloy na nagbabasa.
Thank you po talaga.Hanggang sa next update po.
Read, vote and comment.Mr_Jayms
BINABASA MO ANG
The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]
FantasyA new day , a new start for living. Marinette unexpectedly won a raffle with an enormous amount of prize, she became the top achiever of their class plus a scholarship and her crush just asked her to go out and eventually wants to be his girlfriend...