*Alucord*
"Will you be my girlfriend?" Tanong ni Vince kay Sean habang nakaluhod sa harap niya.
Kitang-kita sa mukha ni Sean ang pagkagulat dahil sa nangyari.
"Uhmm, ahh ehh " Sigurado akong hindi niya inaasahan na mangyayari ito.
"Mag yes ka na" bulong ko sa sarili ko habang nag-aabang ng kaniyang sagot.
Kung saka-sakali na um-oo si Sean agad-agad na kaming dadako sa Step two.
"Alam kong nabigla kita Marinette pero ayoko nang magpaligoy ligoy pa, sa tagal-tagal kong kahihintay na mapalapit sayo ayoko nang maghintay pa. So please give me a chance to prove myself"
"Ano kasi ehh..." Um-oo kana please.
Nag papuppy eyes pa si Vince. Nice, boy . Sige lang akitin mo siya.
"Oo na nga". Yesssss!!! Step two na!.
Papalapit na sana ako sa kanila nang biglang tumawag sa akin si Pharsa through telepathy. Paano niya kaya nagagawa yun.
"Alucord? Naririnig mo ba ako?"
"Oo , bakit mo ako tinawagan at papano mo ito nagagawa" nagtatakang tanong ko.
"Bilisan ko na lang ito. May time limit lang ito dahil nakatiyempo ako. Puntahan mo ako dito please ngayon na may-importante akong sasabihin. Hindi ko kayang sabihin through telepathy dahil matatagalan tayo so please pumunta ka na dito." Mapapansin mo sa boses niya na may malaking problema nga talaga. Pero gagawin ko pa ang step two.
Pero bukas ko nalang siguro gagawin ang step two para malubos lubos niya ang kasayahan. Sa ganoong paraan mas umepekto ang step one.
"Sige papunta na"
~°*°~
Habang papunta sa bahay ay hindi ko matago-tago ang napakalawak na ngiti sa aking labi.
Kami na! Sigurado akong mabibigla si nanay . Hinding hindi ko talaga inexpect na magiging kami ni Vince. Ang maka-usap nga siya at makasakay sa sasakyan niya milagro na ito pa kayang kami na.
Pagkadating namin sa bahay eksakto naman sa nasa labas si nanay na may bitbit na mga softdrinks.
"Ma'am tulungan ko na po kayo" tumakbo naman si Vince palapit kay nanay at kinuha ang mga softdrink na kanina lang ay bitbit ni nanay.
"Ay nako naman, salamat. Napakabait mo talaga sana naman at ikaw ang magiging nobyo ng anak ko." Si nanay talaga ahahaha.
"Actually po, uhmm " napatingin naman sakin sa Vince na parang sinasabi na "sasabihin ko ba?" Kaya nag-nod ako.
"Kami na po ni Marinette" sabi ni Vince na nakangiti. Si nanay naman ay napatalon at napatili.
"Talaga? Kailan pa? Paano mo siya napa-oo? Mahal mo ba talaga siya?" Sunod-sunod na tanong ni nanay na may exciting na boses. Napayuko nalang si Vince dahil sa dami ng tanong .
"Naku ma, pag-usapan nalang natin habang kumakain mukhang gutom na kasi si Vince ." Biro ko para naman tumigil muna si nanay.
"Sige na nga heheheheh" pumasok narin kaming tatlo sa bahay. Tumumbad sakin ang mga bisita ni nanay. Konti lang naman sila, nandito ang ilan sa mga matagal nang kaibigan ni nanay at ang dating may-ari ng apartment. May mga bago naman na mukha na ngayon ko pa lang nakita.
"Nay, sino po ba iyon ibang mga bisita mo ? Bakit parang ngayon ko pa lang sila nakita?" Tanong ko kay nanay habang tinuturo ang isang grupo na medyo malayo sa mga kilala kong mga kaibigan ni nanay.
BINABASA MO ANG
The Dream Reaper Needs Help [[ONGOING]]
FantasiA new day , a new start for living. Marinette unexpectedly won a raffle with an enormous amount of prize, she became the top achiever of their class plus a scholarship and her crush just asked her to go out and eventually wants to be his girlfriend...