Chapter 10:Date night

12 2 0
                                    

A/N:If nagbabasa talaga kayo,niyaya ni Brace si Dana magdinner sa Chapter 6!!!

Brace's POV

Almost 1 year na simula nung una kaming nagkakilala ni Dana at nagkaaroon na din kami ng first movie together.Para sakin,napakatagal na nun kasi sobra na kaming naging close sa isa't-isa. She's my girl bestfriend ngayon. Walang lihim kaming dalawa na hindi alam. She's there for me palagi. Sobrang maalaga din sya,hindi lang sakin kundi pati sa pamilya ko. And she makes me genuinely happy. 😊❤️ Matagal-tagal ko na ring pinag-isipan ito eh. Liligawan ko na sya. Ayaw kong maunahan ng iba dyan.

Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay ni Dana. Lalabas kasi kaming dalawa ngayon eh. Papanuodin namin yung dancing fountain sa Okada. Tapos magdidinner din kami dun at tsaka ko sya tatanungin kung pwede bang manligaw. 1 week na rin simula nung nagpaalam ako sa parents nya kung pwede kong ligawan si Dana. Sobrang pinaghandaan ko ang araw na ito at sana maging worth it. 🙌🏻🙏🏻

Dana's POV

Pupunta kami ngayon ni Brace sa Okada para panuodin ang dancing fountain nila at pagkatapos ay magdidinner din dun. He told me to wear something na semi-formal. So nagsuot ako ng navy blue dress na below the knee ang haba tapos off-shoulder sya. Nagsuot lang ako ng sandals at nagdala ng sling bag na maliit na dark blue. Nakita kong nasa labas na ang sasakyan ni Brace kaya nagpaalam na ako kina yaya at tsaka lumabas ng bahay. Nakita kong nasa labas na si Brace na may suot na white shirt na pinatungan ng short sleeves na polo na dark blue at black pants at naka white na converse. Ngumiti kami sa isa't isa nung nagkalapit na kami.

D: Hi Brace! *beso*
B: Hi Dana! And wow you look beautiful. Well,palagi naman eh.😊
D: Thank you! Ikaw din naman ah ang gwapo.☺️
B: Salamat! Ano,let's go?

I nodded and he opened the door for me. Agad ko namang nakita si Kuya Ian na syang nagdradrive ng sasakyan at katabi nya si Kuya Edward.

D: Hi mga Kuya!!
Ian: Hi bebe Dana!! Ang ganda mo lalo ah!
Ed: Hi bebe Dana! Oonga ah gumanda ka lalo.
D: Ayy hehe thank you mga kuya!
B: Kuya tara na.
Ian: Oh Potpot,sa Okada na tayo tama?
B: Yes po kuya sa Okada.
Ed: Tara na para di tayo matraffic.

Nakarating kami sa Okada after 45 minutes. Nagkwentuhan lang kami sa sasakyan kaya hindi boring. Agad akong inalalayan ni Brace ng makarating kami sa Okada. Nakapasok naman agad kami at pumunta na kami kung saan pinapalabas yung dancing fountain. Alam kong pinicturan ako ni Brace habang tawa ako ng tawa dun sa kwinento nya. Hahaha cutie *picture sa taas*

Maya-maya pa ay nagsimula na yung show. Mabilis lang sya pero ang ganda. Dumiretso na kami sa isang resto dun sa Okada para mag dinner. Umorder na kami at nagkwentuhan habang iniintay ang pagkain. 10 minutes lang siguro ay dumating na ang order namin. Kain lang kami tsaka kwentuhan. Nung matapos kami napansin kong parang kinabahan si Brace. Nakakapagtaka nga eh kaya tinanong ko kung okay lang sya.

D: Brace,okay ka lang ba talaga?
B: Huh? Ahhh oo oo. Okay lang ako. :)
D: Brace kilala kita. Ano bang meron?

Brace's POV

D: Brace kilala kita. Ano bang meron?
Kinabahan ako sa tanong nya lalo. Wohhh pero dapat tanungin ko na sya.
B: Uhmm kasi Dana...
D: ano?? :)
B: Almost a year na din kasi simula nung nakilala kita personally. Naging sobrang close na nga tayo sa isat isa. You've been there for me sa lahat ng nagdaang problema. Tinulungan mo akong maayos ang lahat. Sobrang naaappreciate ko yun. At ayaw kong mawala ka pa sa buhay ko. Kaya Dana,pwede ba akong manligaw?
Nakitang kong nagulat sya sa sinabi ko at hindi agad makaimik.

Dana's POV (hehe syempre para alam nyo ang nafifeel nila pareho)

"Dana,pwede ba akong manligaw?"

Paulit-ulit kong naririnig yan. Totoo ba 'to?? Ang isang Brace Henry Arquiza na dati ay hinahangaan ko lamang ay gusto akong ligawan? OH MY GULAY! Hindi agad ako nakaimik dahil sa gulat.

B: Uhmm Dana okay lang nam-
Di ko na sya pinatapos sa sasabihan nya.
D: Oo naman Brace. Pwede. 😊

•••••••••••••••••••

Hey guys!! Pumayag si Dana na ligawan siya ni Brace!! 😍😍😍 Ano kaya ang sunod na mga moves ni Brace??? Hmmm Anywayyy,2018 is almost here!! I'm planning na matapos na itong story sa 2018 woohh! Sana patuloy nyo pa rin akong supportahan sa story na ito! Thank you so much for reading! And please vote and comment here hehe love you all.💖💖

Ang Dakilang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon