1

959 29 9
                                    

"Magandang umaga (Y/N)!". Bati sa iyo ng iyong matalik na kaibigan na si Lita. Sinabayan ka niya sa paglalakad upang maghatid ng inumin sa mga alaga niyong kambing sa kabukiran.

"Magandang umaga din sa'yo Lita, Kumusta na pala ang iyong ina? Ang balita ko ay nagkasakit daw siya. Maayos na ba ang kanyang kalagayan?". Nagaalalang tanong mo sa kanya ang nakarating kasing balita sa iyo ay ilang araw na daw itong nilalagnat.

"Medyo maayos na ang inay salamat sa halamang gamot ni tatang seldo at medyo umayos na ang kanyang pakiramdam. Mamaya pagkatapos nating maghatid ng inumin sa mga kambing ay pupunta ako sa kabilang bayan upang bumili ng gamot". Sagot niya

"Maigi naman kung ganoon, hayaan mo at sasamahan kita mamaya sa bayan pagkatapos natin. Piyesta na pala bukas nais mo bang magpunta ? Inaaya ako nang aking pinsan na kumain sa kanila nais ka ding makilala nang aking kuya wari ko ay ikaw ay kanyang tipo". Nakangiti mong alok sa kanya

Namula naman ang dalaga sa kanyang narinig batid mo na may pagtitinginan silang dalawa nang minsan mo itong mahuli na magkayakap.

"Ganun ba? Hindi ba't nakakahiya naman?"

"Naku wag ka nang mahiya, hindi ka nadin iba sa amin para na din kitang kapatid Lita. Mas matutuwa sila pag nakita ka nila doon sa handaan". Sabi mo sa kanya

"Salamat sige sasama ako sayo". Halos mamula na ang kanyang mukha sa labis na katuwaan.

Nang makarating kayo sa bukid agad mong pinainom ang mga kambing nang magpaalam ang iyong kaibigan upang hanapin ang kanyang nawawalang kambing. Habang inaayos mo ang tali nang iyong alaga narinig mo ang sigaw ng iyong kaibigan.

Agad kang nagtungo sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita mong may lumalapit na isang sundalong amerikano sa iyong kaibigan na mukhang may balak ng masama sa kanya. Agad kang nag isip kung paano siya matutulungan. Nakakita ka ng isang may kalakihang tipak na bato at agad ibinato sa sundalo, narinig mo itong nagsisigaw sa sakit habang nakahawak sa ulo. Nilapitan mo ang iyong kaibigan at akma kana sanang tatayo nang maramdaman mong nakahawak ang amerikanong sundalo sa iyong paa. Agad kang nagpasigaw sa takot. Maya maya ay nakarinig kang isang putok nang baril pagtingin mo sa iyong paanan ay wala nang buhay ang sundalo. Nakahinga ka ng malalim at nagpasalamat sa iyong pagkakaligtas nang may lumapit sa inyong kabayo at bumaba ang ginoong sakay nito.

"Ayos lang ba kayo mga binibini?" Tanong sa inyo ng isang binata habang inalahad ang kanyang mga kamay upang kayong dalawa  ay makatayo.

"Maraming salamat ginoo, Ayos lang kami salamat sa iyong pagliligtas kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ang nangyari sa amin". wika ni Lita

Tiningnan mo ang binata na mukhang may mataas na katungkulan dahil sa kanyang suot, ngumiti ito sa iyo agad bumilis ang tibok ng puso mo.

"M-Maraming salamat ginoo sa pagliligtas sa amin" Nakangiti mong sagot sa kanya.

"Walang anuman binibini,sa susunod ang mag ingat kayong dalawa madaming gala at sugatang mga amerikanong sundalo ngayon matapos masira ang kanilang kampo" Paalala niya sa amin.pagkatapos ay sumakay na ito sa kanyang puting kabayo

"Opo ginoo maraming salamat ulit" sagot mo.

"Nga pala, Nais ko lang malaman kung saan ang daan papunta sa bayan ng san nicolas?"Tanong sa inyo ng binata

"Doon ho, Deretso lang ho kayo at kumaliwa sa may dulo may makikita ko kayong punong malaki pagkalagpas niyo ho dun kumanan po kayo at makakalabas po kayo sa gilid ng bayan". Ani ni Lita sa binata wari ay tutungo ito para sa piyestahan bukas.

"Maraming salamat binibini, mag iingat kayo sa inyong paguwi" Tumingin sa iyo ang ginoo at ngumiti tapos ay tumakbo na ang kabayo.

"Hindi man lang natin nalaman ang kanyang pangalan. Ayos ka lang ba (Y/N)?" Tanong sakin ni Lita.

"Oo Lita, ikaw ba ayos lang?"

"Ayos lang din"

"Tara nang umuwi at baka may makakita pa sa atin dito".

"Tara na hindi ko alam kung makakapunta pa ako sa bayan dahil sa takot, bukas nalang ako dadaan para sa gamot ni inay". Wika ni Lita.

Pagkauwi sa bahay agad ikaw nagpahinga. At naalala ang pagliligtas sa inyo ng misteryosong ginoo. Nakaramdam ka nang panghihinayang sapagkat hindi mo nalamang ang kanyang pangalan. Maya maya ay dinalaw ka ng antok at nakatulog habang naiisip ang maamong mukha ng misteryosong ginoo.

•••

"(Y/N)! Lita! Maigi at kayo ay nakapunta" Wika ng iyong Tiya Selay. Sinalubong ka ng yakap ng iyong mga pinsan pagkapasok sa kanilang bahay.

"Maraming salamat ho sa pagiimbita tiya"

"Maraming salamat po Tiya Selay sa pagiimbita din sakin" Nahihiyang sambit ni Lita.

Maingay ang bayan ngayon madaming tao sa labas kantahan, at sayawan mga taong nakangiti, bata man o matanda lahat masaya. Sarado ang mga tindahan upang ipagdiwang ang piyesta. Pagkatingin mo kay Lita ay naguusap sila ng iyong kuya at nakangiti habang nagsasalita.

"Bibisita raw ang Heneral Luna kasama nang ibang mga heneral upang makisaya sa piyesta at ang mga kasama niya ay magbabahay bahay upang makikain sa kasiyahan ngayon". Wika ng iyong tiya habang kayo ay kumakain.

"Ganun po ba, karangalan ang makita ang heneral tiya anong oras sila magpupunta?"

"Ngayon ang alam ko ay papunta na sila dito". Ani ng tiya

Matapos ang ilang minuto nakarinig ka ng katok. Napatingin ka sa pinto at nakita mo ang 3 tao sa labas. Binati mo ito at ang kanyang mga kasama at pinaghain ng pagkain. Maya maya ay may pumasok na isang lalaki at agad bumilis ang iyong tibok ng puso nang makilala mo ang ginoong ito. Ngumiti siya sayo at pakiramdam mo ay namula ang iyong mukha kaya ikaw ay napatungo.

Pinaghain mo nang pagkain ang ginoo at nang iaabot ang kanyang pagkain ay nagkahawak ang inyong kamay dahilan upang mapatitig ka sa kanyang mukha.

"Ayos ka lang ba binibini". Basag sa iyo nang binata habang nakatitig ka sa tsokolate niyang mata.

"A-ayos lang pasyensya na ginoo". Nauutal mong sagot sa kanya at ikaw ay lumapit sa iyong tiya.

"Tiya, Lita labas lang ako manonood lang ako ng sayawan sa labas"Nakangiti mong sabi sa kanya tumango naman ang dalawa at lumabas.

Ilang minuto ang nakalipas habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga hindi kalayuan sa bahay ng iyong tiya ay malayo naman sa madaming tao upang mas makita mo ang kasayahan nang maramdaman mong may tumabi sayo nagulat ka at nakita mo ang ginoo.

"Napakaganda dito binibini, kasing ganda ng mga ngiti mo". Wika ng ginoo, Naramdaman mong uminit ang iyong mukha.

"G-G-Ganun b-ba? Ay salamat kung ganun pero hindi naman maganda ang ngiti ko" Nahihiyang sabi mo at hinawakan ang iyong pisngi.

"Oo, maganda unang kita ko palang sa inyo kahapon sa bukid. Sana lagi ka lang ngumiti". Nakangiting wika ng ginoo.

"Salamat pala sa pagliligtas sa amin"

"Walang anuman ano pala ang iyong pangalan magandang binibini?". Tanong ng ginoo habang nilahad ang kanyang kamay namula ka sa kanyang sinambit ng ginoo at ngumiti.

"Ako si (Y/N), (Y/N) (Y/L/N) ikaw ginoo ano ang iyong pangalan?". Nahihiya mong sambit habang hinawakan ang kanyang kamay.

"Ako si Gregorio, Gregorio Del Pilar 'Goyong' nalang binibini" sambit niya at hinalikan ang iyong kamay

-
Ayos lang ba ? :)

Sorry sa mga typo at maling grammar. Sinusubukan kong gumamit ng malalalim na tagalog. sana ay inyong maintindihan

(Y/N) = Your Name
(Y/L/N)= Your Last Name

Sana magustuhan niyo madami pa akong isusulat mga anak.

~ _yojinsane

The Boy General [ Goyong x Reader ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon