3.1

183 15 0
                                    

Malaki ang bahay ng kapitan isa siya sa mga pinakamayamang tao sa lugar niyo kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang imbitado sa inyong pagtatanghal. Buhat ng dumating ang binatang nag ngangalang Heneral Goyo at mga kasamahan nito sa bahay ng kapitan hindi magkamayaw ang mga dalagang nakapaligid lahat ginagawa upang mapansin sila ng binata pagarbohan ng kanilang suot upang makuha ang atensyon ng Heneral. Maingay ang paligid musika, tawanan ng mga bisita kwentuhan ng mga dalaga at binata at talagang makikita na masaya ang lahat ngayong gabi.

"Ang gwapo naman talaga ng heneral ano (Y/N)?" udyok sayo ng kaibigan mo na hindi mapigilan ang ngiti habang tinuturo ang binata.

Tumungo ka nalang hindi pinansin masyado ang wika ng dalaga dahil puno ang iyong isipin dahil sa mangyayari mamayang pagsalakay. Mariin mong inikot ang yong paligid at masuring tinitingnan isa isa lahat ng nasa bahay upang malaman ung sino sino ang magkakasabwat sa mangyayaring pagsalakay at balak na pagpatay kay Heneral Goyo.

Dumako ang iyong tingin sa binata sa kanyang mukha mula sa buhok  hanggang sa kanyang mapupulang labi nakita mong ngumiti ng maliit at napangiti ka doon mo lang napansin na nakatingin pala sayo ang binata at nahuli na sinusuri mo ang kanyang mukha agad kang nag iwas ng tingin.

Hay (Y/N)!! ano bayan nakakahiya ka bulong mo sa sarili mo at hiyang hiya sa nagawa mo.

Napansin mong madaming babae ang umaaligid at pasimpleng nag aagawan ng pwesto upang mapatabi sa heneral hindi mo napigilan sumimangot dahil sa hindi malaman na dahilan pinili mo nalang tumayo sa kinatatayuan mo upang magpahangin sa labas ng bahay habang nakaupo sa isang upuan napansin mong may mga kalalakihan ang nagtutumpukan at tila may pinaguusapan ngunit mabilis sila umalis ng makita may tao sa labas bago mo pa sila mahabol ay agad silang nawala sa dilim.

Maingat kang bumalik sa loob ng tahanan dahil sa nalalapit nyong pagtatanghal mas lalong nahing mapagmatyag ang iyong tingin dahil sa nakita mo mas lalo mong tinitingnan isa isa lahat ng bisita. Nakita mo ang iyong kaibigan na si Felisa na nagaayos ng kanyang suot para sa pagtatanghal. Maingay sa loob madaming nagtatawanan nagkukwentuhan at nagsasaya kaya mahirap mahigalapin kung sino ang traydor sa hindi. Muli kang tumingin sa gawi ng heneral ngunit wala na ang binata nakita mong nakasimangot na ang mga dalaga at tila ang mga binata sa loob ay nagpapansin sa mga ito napangiti ka sa nakita ko.

Buti nga sa inyo agad mong winaglit ang inisip mo. ano ba yang sinasabi mo (Y/N)

Agad kang nagtungo sa banyo upang mag ayos ngunit bago pa ikaw makaalis ay may nabunggo kang lalaki hindi mo agad nakita dahil sa lakas ng pagbangga muntik ka ng mawalan ng balanse at matumba ngunit nahawakan ka sa braso ng binata.

"Pasensya na binibini, hindi agad kita nakita dahil nakatalikod ako pag pasok hindi ko sinasadya" ani ng binata

Nakatitig ka sa pamilyar na uniporme niyang suot dahan dahan kang umangat ang paningin at nakita mo ang pinakamagandang mata na nakita mo sa buong buhay mo. Napanga nga ka ng magkatitigan kayo hindi mo namalayan na matagal kang napatitig sa kanya ng may narinig kang ubo na nakapagbalik sa ulirat mo. Agad niyong nilingon ang ang kaibigan mong si Felisa ay gulat na gulat sa nakita kailangan mo tuloy siyang kausapin mamaya dahil iisipin may kung anong meron sa inyong dalawa.

"Uhhhh... Ma-Magandang gabi ho heneral hehe" kabadong sabi ng iyong kaibigan.

"Nais ko lang po makausap yong aking kaibigan dahil magsisimula napo ang pagtatanghal" medyo nakasimangot niyang wika na ikinagulat ko.

"Pasensya napo heneral hindi ako nakatingin sa aking dinadaanan paumanhin po" agad kang naglakad palayo sa binata at nagtungo sa kaibigan mo. Bago pa man makasagot ang binata ay agad mong hinila palayo ang iyong kaibigan pagkarating nyo sa  malawak na salas ng ay agad sinabi ng kapitan na magsisimula na kayong magsayaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boy General [ Goyong x Reader ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon