2.3

520 26 6
                                    

Agad kang napabalikwas sa iyong hinihigaan ng makaramdam ka ng kirot sa iyong dibdib.

"(Y/N)? Heneral Goyong! Gising na ho ang binibini" napahiga ka dahil sa sakit na iyong naramdaman. Agad agad pumasok si Goyong sa loob ng kubo at umupo sa iyong gilid kita mo ang pag aalala sa kanyang mga mata.

"(Y/N), ayos lang ba ang iyong pakiramdam? Ano pa ang masakit sa iyo? Nahihilo ka ba" sunod na sunod na tanong sa iyo ni Goyong.

"Heneral ayos lang po ako medyo sumakit lang po yung aking sugat"

"Nasiraan kaba ng bait ha?! Alam mo ba ang ginawa mo? Muntik ka ng mamatay dahil sa pagkakabaril sayo". Nagulat ka sa pagtaas ng boses ng heneral.

"Nais ko lang tulu-". Naputol ang iyong pagsasalita ng hawakan ni goyong ang iyong kamay.

"Binibini alam mo ba kung gaano mo ako tinakot? Halos isang buwan kang walang malay ni hindi ko alam kung mabubuhay ka pa, araw gabi ako nagdadasal sa panginoon sa maging maayos ang iyong kalagayan, sa susunod ay magiingat ka binibini" Agad kang napabalikwas sa iyong narinig hindi na ininda ang sakit agad kang inalalayan ni  goyong psa pag upo.

"Isang buwan?! Isang buwan akong walang malay?!" hindi makapaniwala mong tanong sa kanya. Tumango ito at tumabi sa iyong tabi

"Huwag ka sanang mabibigla ngunit may dumating na balita na ang ang Heneral luna ay pumanaw na" agad napatigil ang iyong pag hinga at napaluha. Kahit sa kaunting panahon ay napalapit na ang iyong loob sa heneral.

Ikinwento ni Goyong sa iyo ang lahat ng pangyayare habang ikaw ay walang malay at napag alamanan mo din na ang katiwala din ng Heneral ay Pinatay, Nagalab ang iyong dibdib sa galit dahil sa nangyari.

"Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman, ngunit ibinilim ka sakin ng heneral binibini. Hindi kita pababayaan" sabi niya at hinawakan ang iyong kamay at nilagay sa kanyang dibdib ramdam mong ang tibok ng kanyang puso.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako tinakot (Y/N), ang akala ko mawawala ka na sa akin. Gusto kong malaman mo na gusto kita at hindi ko alam kung anong magagawa ko pag nawala ka". Bumilis ang tibok ng iyong puso.

"Kailan pa?" tanong mo sa kanya

"Noong una kitang nakita nabihag mo agad ako tila mayroon ka na matagal ko ng hinahanap na alam kong ikaw lang ang makakasagot bigyan mo lang ako ng pagkakataon para mapatunayan ko sayo (Y/N)" haplos sa iyong mukha ni Goyong naramdaman mo na tila may mga paru paro sa iyong tiyan, ngumiti ka sa kanya at siya ay iyong niyakap.

"Maraming salamat goyong, kung alam mo lang matagal na akong humahanga sayo matagal pa iyong iniisip" kunot noo niya matapos humiwalay sa yakap.

"Ano ang iyong ibig sabihin binibini?"

"Basta goyong patunayan mo man o hindi hinahangaan kita sa iyong ginagawa o gagawin palang". Nakita mong namula ng kaunti ang kanyang mga pisngi at agad niyang hinawakan ang iyong mga kamay, nagkatitigan ang inyong mga mata at unti unting naglapit ang inyong mukha, agad pumikit ang iyong mga mata at inaantay ang paglapat ng kanyang labi mg makarinig kayong dalawa ng mahinang ubo dahilan upang magmulat ang iyong mga mata nakita mo na sobrang lapit ni goyong sa iyong mukha.

"Punyeta" natawa ka sa mahinang mura ni goyong habang siya nakapikit, tumayo na ito at humarap sa lalaki

"Heneral nandito na ho yung ibang sundalo at dumating din po ang manggagamot na titingin kay (Y/N)". Wika nito at agad umalis ang binata.

Humarap sa iyo si goyong at ngumiti lumapit ito at hinalikan ang iyong ulo
"Magpahinga kana mahal ko, upang makabawi ng iyong lakas, sa isang araw tayo ay aalis na" isinuot ni goyong ang kanyang saklob at lumabas ng kubo.

The Boy General [ Goyong x Reader ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon