2.2

377 31 8
                                    

Nagising ka sa malamig na bimpo na nakapatong sa iyong noo. Pagkadilat ng iyong mata ay agad bumungad sa iyo ang mukha ni Kapitan Rusca habang ngumunguya.

"Gusto mo ba?" lumayo ito sayo at inalok ka habang kumakain ng ensaymada. Napailing ka sa biglang pag aalok ng binata

"Ayaw mo? Aba himala may taong umayaw sa ensaymada. Ayaw mo talaga? Masarap kaya 'to" Sabay lantak ni Rusca sa tinapay at uminom ng kape sa hawak na tasa. Tatayo kana sana ng maramdaman mong umikot ang iyong paningin napasapo ka sa iyong noo.

"Huwag ka muna kumilos binibini" Napatingin ka sa nagsalita mula sa pintuan si Goyong, agad mong naramdaman na uminit ang iyong mukha nang umupo si Goyong sa upuan malapit sa iyong hinihigaan narinig mong nagpaalam si Rusca kay Goyong upang kumuha pa ng ensaymada at kape.

"Kanina ay nawalan ka ng malay dahil inaapoy ka ng lagnat bilin ng Heneral Luna ay bantayan ka dahil isa kang espiya". Tahimik ngunit matigas na banggit ni Goyong.

"Sa-salamat Heneral Goyong pero hindi ako espiya" Agad napalingon sayo si Goyong at nakunot noo.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko hindi pa ako nagpapakilala sayo binibini" Agad kang napatigil sa iyong narinig.

"A-ah yun ba narinig ko kanina habang nagsisigaw ang ibang sundalo". Kabado mong sagot kay Goyong, maingat ka sa pagkakasalita ay baka ipapatay sa pagaakalang ikaw ay espiya baka ma double dead ako neto creepy

"Ganun ba sige, magandang gabi binibini" Agad sinuot ni Goyong ang kanyang saklob at lumabas ng kubo.

Huminga ka ng malalim at hindi makapaniwala sa nangyayari kinurot kurot mo ang iyong pisngi upang makasiguradong hindi kapa patay.nagtimetravel ata ako shet pwede ba ito? Tanong mo sa sarili mo.

Maya maya pumasok na ang Heneral Luna namangha ka dahil ito ang unang pagkakataon na nakita mo ang heneral at malapitan pa iba talaga ang sa picture at personal.

"Magandang gabi binibini" malamig na bati ng Heneral

"Magandang gabi din po"

"Nais ko lamang humingi ng tawad dahil sa nasigawan kita kanina hindi ko alam na inaapoy ka na pala ng lagnat"

"Ayos lang ho yon"

"Anong gingawa mo doon sa kubo? Espiya ka bang tunay binibini?" Pagiingat na tanong ni Luna. Agad kang nagisip ng palusot upang hindi ka mabuking ng heneral na galing ka sa hinaharap.

"Hindi ho heneral, Hindi ho talaga ako ang espiya" pagmamakaawang sagot mo

"Kataka taka kasi na ikaw ay nakita sa isang kubo dito sa kampo namin, kakaiba ang iyong kasuotan para sa isang babae. Nararapat lang sabihin na ikaw ay espiya"

"Nagkakamali ho kayo heneral, upang mapatunayan na hindi ako espiya ay akin kayong tutulungan sa inyong laban". Sagot mo buti nalang at nabasa mo sa libro at internet ang mga laban nila hindi  mo naman siguro mababago ang future diba ? Tutulungan mo lang silang magawa ang mangyayari talaga sa laban.

•••

"Oy! (Y/N)! eto pa ang ensaymada mo oh kain ka lang at ikaw ay magpakabusog" Natutuwang sabi ni Rusca.

"Kung hindi dahil sayo ay baka hindi na namin mabawi ang isa sa mga bayan mula sa mga amerikanong matagal na naming minamatyagan" saad ni Paco

"Wala ho yun mga ginoo, ilang araw nadin ang nakalipas mula ng mabawi natin ang bayan kaya masayang masaya ako at ako ay nakatulong" ngiti mong wika sa kanya.

"Kaya bilang pasasalamat mula sa heneral ay inutusan kaming ibili ka ng madaming ensaymada, sabi sayo masarap yan e! paborito ko yan kain lang (Y/N)" Excited na sabi ni Rusca

Habang nakain kayong tatlo ay nakarinig kayo ng putok ng baril.

"Ang amerikano! Nandito na ang mga amerikano!" Narinig mong sigaw ni Goyong sa labas.

"Joven!" Sigaw ni Paco habang hila kay joven palabas

"(Y/N)!" Rinig mong sigaw ni Goyong agad kang nagtago sa nakatumbang lamesa.

Lahat ay taranta sa biglaang pagsalakay ng mga amerikano, nang may nabaril na isang sundalo sa harapan mo ay agad mong kinuha ang baril nito.

Agad kang lumapit sa dalawang lalaki ng makita mong nabaril si Joven. Agad kang tumingin sa paligid kung paano gamitin ang baril nang makita mong may amerikanong papalapit sa dalawa ay agad mong binaril ito. Nang aakmang tatakbo kana palapit sa isang sugatang sundalo para tulungan ito ay natamaan ka ng bala sa may dibdib.

Unti unti mong naramdaman ang sakit sa pagkakatama ng baril, nang makahiga sa lupa at nakita mo si goyong na lumapit sa iyo. Hindi mo mawari amg kanyang sinasabi dahil sa hinihila ka ng antok hanggang sa mawalan ka ng malay.

Itutuloy...

The Boy General [ Goyong x Reader ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon