Nagmamadali ka sa paglalakad upang maiparating sa inyong samahan ang balitang iyong nakalap.
"(Y/N)! Magdahan dahan ka baka ikaw ay madapa sa bilis ng iyong paglalakad" paalala sayo ng iyong kaibigang si Felisa.
"Felisa ano kaba kailangan na natin magmadali dahil kung hindi baka maunahan na tayo ng ating mga traydor na kasamahan" wika mo at mas binilisan ang iyong paglalakad ngunit bago pa makarating sa lihim na taguan ay agad kang nakarinig ng mga sigaw agad kayong napatakbo ng iyong mga kasama sa pinaroroonan ng sigaw. Agad kang nanlumo sa iyong nasa harapan nakita mo na wala ng buhay ang ilang kababaihan nakahandusay sa labas ng bahay ng iyong tiyo akma kana sanang lalapit sa isang naghihingalong kasamahan ng mamataan ka ng isang sundalong amerikano.
"There's more, We need to kill them all". Napahinto ka ng marinig mo ang sigaw dahilan upang matuon sa inyo ang atensyon ng ibang sundalo agad kayong nagtakbuhan ng inyong kasamahan bago pa man kayo mahabol ng mga sundalo ay nakalayo na kayo napahinto kayo ng iyong mga kaibigan upang maghabol ng hininga.
"Dios ko po, Nakakakilabot ang pangyayari hindi ko inaasahan ang pagtatraydor ng isa sa mga pinagkakatiwalaaan ng tata cecilio" Paiyak na hinihingal na wika ni Felisa. Sumangayon ang iba pang kababaihan.
"Ano ng gagawin natin" tanong ng isa. Agad nagkagulo ang iba dahil sa sunod sunod na tanong nila. Napapikit ka ng iyong mata at huminga ng malalim.
"Konting katahimikan mga binibini, ang mas magandang gawin natin sa ngayon ay tayo'y magpakalayo layo muna upang magtungo sa ibang kabayanan, mas maganda kung ibahin muna natin ang ating mga katauhan dahil malamang sa ngayon kilala na tayo ng mga lumusob sa ating lihim na tagpuan kanina". Tahimik na sumangayon ang iba.
•••
HAPON ng ikaw ay maalimpungatan sa pagkakaidlip sa ilalim ng puno agad kang napabalikwas ng maala mong may gawain ikaw sa bahay. nagmamadali ikaw ng pagpapagpag ng alikabok sa iyong damit at dali dali umuwi.
"(Y/N)! Saan ka nanaman nagtungo? Alam mo bang kanina kapa hinahanap ng kapitan? galit na galit ito kanina ka pa hinahanap" Wika ni Felisa habang nagaayos ng kanyang Eleganteng Saya.
Mayroon malaking palabas mamaya sa bayan upang salubungin ang tinatawag nilang si Heneral Goyo nais ng kapitan maging maganda ang pagsalubomg dito at maayos na presentasyon ang maihahandog sa Heneral.
"Pasensya na Felisa, napasarap ako sa tulog sa sobrang paghahanda sa gabi na 'to"
"Ayos lang, alam naman natin kung anong pwedeng mangyari mamaya at kailangan natin mag-ingat at maging alisto" wika ni Felisa at sumang ayon ang ibang mga dalaga.
Inayos ko na lahat ng gamit at nagtungo na kami sa bayan. Nang makadating kami sa bayan naabutan naamin na nagaayos na ang mga tao. Mukhang mamahaling mga bulaklak at palamuti ang kanilang ipapakita sa Heneral at mga dadayo na taga ibang bayan.
Habang kami ay nageensayo ng sayaw may napansin akong isang lalaki na nagmamatyag sa likod ng entablado nang mapatingin ako sa kanya ay agad ko itong hinabol at nang mahablot ko ang kanyang braso ay agad ko siyang isinandal sa pader at tinutok sa kanyang pisngi ang kutsilyong nakahalukipkip sa aking binti.
"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito? espiya ka nino? sumagot ka kung gusto mong makaalis ng buhay" Mariin kong tanong sa lalaki.
"Hu-huwag po! Ako'y nandito lang po upang magdala ng mensahe, na paparating sila mamaya at balak salakayin ang bayan na ito. sasabay sila sa heneral hindi malaman kung sino sino sila pero marami sila nasa panganib ang Heneral (Y/N)! ikaw lang at mga kasama mo ang makakapagprotekta sa kaniya. huwag kayong magtitiwala sa mga kasama niya at sa mga kasama mo (Y/N)". Napatigil ako nang banggitin niya ang aking pangalan, paano niya ito nalaman?
Agad namang inalis ang kutsilyo sa kanyang mukha at tumakbo palayo sa aking gulat ay hindi ko na siya nahabol at tinago ulit ang kutsilyo sa aking binti
"(Y/N)! Anong nangyare sino ang lalaking iyon? sinaktan kaba niya? may ginawa ba siya sayo" Nag aalalang tanong ni Felisa.
"Wala ito pero nabanggit niya na sasa-" napatigil ako nang maalala ang wika ng lalaki.
"Sasa?" pagtatakang wika ng dalaga
"Ah wala, sabi niya sana walang sasablay sa pagsasayaw natin mamaya dahil manonood daw ang Heneral Goyo at mga taga ibang bayan"
Napakibit balikat nalang ang dalaga bumalik na kami sa pag eensayo habang hindi maalis sa aking isipan ang sinabi ng lalaki.
Alas siete ng gabi, nagsimula nang magsimulang matumpukan ang mga tao. naghanda narin kami para sa pagtatanghal.
Maya maya naghiyawan ang mga tao senyales na nandyan na ang mga bisita agad nagsimula ang musika at nagsimula na kami sa aming pagsasayaw. sa bawat mahinhin na pagindak ng katawan isa isa kong kinilala ang mga bisita tinitingnan kung sino ang maaring traydor sa mga kasama ng heneral ngunit hindi ko ito nahanap pero may nahagip ako sa aking paningin.
Pagkatapos ng iba't ibang pagtatanghal agad kami nagtungo sa Bahay ng aming Kapitan upang magkaron ng espesyal na pagtatanghal ang makasayaw sa harap ng pinaka importanteng bisita nang bayan.
Habang nagaantay kami sa aming pagtatanghal ay dumating na ang pinaka iintay ng kapitan ang Heneral Goyo. Agad niya itong kinamayan at inanyayahan para sa hapunan saglit kaming nagkatinginan at sa hindi inaasahan ay kinindatan ako nang binata at ngumiti at nagderederetaso sa loob agad akong napatigil saking ginagawa sa gulat.
itutuloy....
BINABASA MO ANG
The Boy General [ Goyong x Reader ]
Historical FictionSome of Gregorio 'Goyo' Del Pilar Imagines [Highest Rank] #06- Imagines #35 -Historical Fiction Lahat ng kwento na nasa storyang ito ay pawang kathang isip lamang kung sakaling may pagkakaparehas sa tunay na pangyayari ay nagkataon lamang. Humihingi...