"(Y/N)! Gising na nandito na tayo" Yugyog sa iyo ng iyong matalik na kaibigan na si Angel nagmulat ang iyong nakita na nakadating na kayo sa inyong destinasyon sa isang educational trip para sa nalalapit na research para sa isang subject sa iyong paaralan.
Napatapat sa iyong topic ay ang buhay ni Heneral Gregorio Del Pilar hindi kana nahirapan dahil ikaw ay taga hanga ng binata madami kana ding alam sa kanya at kailangan ng konting research para sa sa pulidong pagrereport.
"Ang saya ko (Y/N)! Buti nalang si Goyong ang napunta sa atin noh?" bulong sa iyo ng iyong kaibigan.
"Kaya nga eh madali na din para sa atin 'to" at humagikhik kayong magkaibigan.
Nakapasok na kayo sa isa sa pinakatanyag na library sa Pilipinas agad agad kayong nagtungo sa Historical Section ng nasabing library. Matapos maghanap ng mga kakailanganin mga libro at kayong dalawa ay tuwang tuwa ng magsimula na kayong mag research. Habang ikaw ay nagbabasa may napansin ka na isang maliit na papel na nakasingit sa libro kinuha mo ito at binasa ang nakasulat dito.
"el en tiempo mi amor". Nagkibit balikat ka sa iyong nabasa at nagpatuloy sa pagreresearch
Matapos ang dalawang oras ay agad kang nakaramdam ng pagtawag ng kalikasan at nagpaalam sa iyong kaibigan habang ikaw ay nasa banyo naririnig mo ang ibang estudyanteng nag uusap at nagtatawanan sa loob ng banyo.
Lalabas kana sana sa cubicle ng biglang yumanig at lumindol napaupo ka at napahawak sa likod ng ulo tsaka nag sisigaw mga ilang minutong ganun lang ang nangyari. Ilang sandali ay natahimik na ang paligid akma kana sanang tatayo nang may naramdaman na nakatutok sa iyong ulo hindi ka nakagalaw dahil akala mo ay ito ang pinto ng cubicle at nahulog sa iyong ulunan pero nagtaka ka dahil pabilog ito maya maya ay napasigaw ka dahil may narinig ka bosea ng lalaki at nakaamoy ka ng masangsang na amoy.
"Itaas mo ang iyong mga kamay at tumayo ka" sa iyong narinig bigla kang napatingala at tumambad ang isang baril na nakatutok sa iyong noo. Bigla kang napaupo at naramdaman na lupa ang iyong inuupan agad kang nagpalinga linga sa paligid at nakitang wala ka na sa banyo kundi sa isang lumang kubo tiningnan mo ang iyong kausotan ay ganun pa din katulad kanina bago ang lindol bigla ka nalang nakaramdam na paiyak kana.
"Patay na ho ba ako?" mangiyak na tanong mo sa mamang nasa harapan mo agad naman napakunot ang noo nito ngunit hindi ibinababa ang baril na nakatutok sa iyong noo
"Hindi wag mo nga akong pinagloloko, anong ginagawa mo dito? Espiya kaba? Wala ka naman dito kanina ah" Galit na tanong ng lalaki napansin mo na tila siya ay isang sundalo dahil sa kanyang uniporme at sa kanyang baril.
"Hi-Hindi ho ako espiya manong please help me po I'm really scared right now, patay na ho ata ako lumindol kanina nung nag Cr ako tapo-" naputol ang iyong pagsasalita ng maramdaman mo ang baril na lumapat sa noo mo lalo kang napaiyak.
"Anong iyong pinagsasabi wikang ingles ba yan? Sumagot ka!" Bulyaw ng lalaki agad kang napatango ng mabilis.
"Aha! Sinasabi ko na nga bang espiya ka ng mga Amerikano sa pananamit mo palang kitang kita na. Hala sige tumayo ka riyan at itaas ang iyong mga kamay" Agad mo naman itong sinunod at tumalikod.
Lumabas kayo ng lalaking sundalo habang nakatutok ang baril sa likod ng iyong ulo agad kang nagulat dahil sa iyong nakita sa labas ng kubo ay mga nagbabarilan at nagtatakbuhan mga sundalo tila mayroong giyera. napatigil ka sa paglalakas ngunit agad mong naramdaman ang baril sa likodan mo.
"Huwag kang tumigil espiya lumakad ka ng diretso doon bilis!" agad kang napatungo at lumakad ng mabilis ng medyo makalayo ay pinatigil ka sa harap ng 4 na lalaki lahat sila ay nakatalikod kaya't hindi mo makita ang kanilang itsura.
"Heneral Luna! nakita ko ho ang espiyang ito nagtatago sa isang sirang kubo" Sabi ng lalaki na agad ikinalingon ng apat agad nanlaki ang iyong mga mata dahil sa iyong nakita sa uniporme palang kilala mo na sina Heneral Luna, Kapitan Rusca, Colonel Paco at si Heneral Goyong
"Ano? Espiya? Punyeta! Nakakasiguro kaba na espiya itong taong 'to?" Duro sa iyo ng Heneral Luna agad kang kinilabutan ng marinig mo ang malutong na mura ni Heneral luna ganito pala ang pakiramdam ng marinig ang boses niya ng malapitan. patay na talaga ako shet shet nakakikita ko sila patay na ako sabi mo sa sarili mo
"Oho heneral dahil nagsasalita sa lengwaheng ingles ang taong 'to" Tumigil ang tingin mo kay Goyong
"Punyeta! Malamang narinig nito ang ating taktika" galit na mura ng heneral.
"Ano hong gagawin natin sa kanya" Tanong ni Rusca, Agad kang nakaramdam ng pagkahilo maya maya ay nagpapalit palit ka ng tingin sa apat na taong nasa harapan mo. naramdaman mo na ika'y matutumba ngunit may nakasalo sayo bago kapa mahulog sa lupa
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Boy General [ Goyong x Reader ]
Historical FictionSome of Gregorio 'Goyo' Del Pilar Imagines [Highest Rank] #06- Imagines #35 -Historical Fiction Lahat ng kwento na nasa storyang ito ay pawang kathang isip lamang kung sakaling may pagkakaparehas sa tunay na pangyayari ay nagkataon lamang. Humihingi...