Destination is my goal leaving is my own place if i let go problem around can't make you satisfied
----------------
CebuMga ilang oras din ay nakarating na kami sa airport dito sa Cebu at di na kami nag pasundo dahil idinala ko nalang ang sasakyan namin dito kaya naman nakaalis agad kami at nakarating sa may hotel na tutuluyan namin
Habang nasa biyahe kami ay nag kukulitan ang mga bata
"Pa,ang ganda naman po dito"manghang wika ni Viandrick at bunuksan ang bintana ng sasakyan namin
"Yes papa it's so beutiful here and look at the sea it so beutiful"pag sang-ayon ni Maureen sa kapatid nito
"Hey..huwag kayong maingay"suway ko naman dito at agad naman akong sinunod nito at na kontento nalang sa panonood sa nadadaanan namin
At ilang oras lang ay nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin agad namang nag tatakbo ang mga bata papasok habang ako ito ginigisimg ang mama nila
"Lous wake up"tinatapik ko ang pisngi nito,ang mga bata ayun nagtakbuhan na sa loob
"Hmm.."aba umungol lang at tinalikuran ako pambihirang babae ito
"Lous wake up andito na tayo"tinapik ko ulit ang pisngi nito at sa wakas ay minulat na niya ang mga mata niya
"Uh!andito na pala tayo sorry kung nakatulog ako"lumabas naman na ako at hinintay siya sa labas
"Ok lang ang hirap mo ngang gisingin eh!"isinara ko naman ang pinto ng sasakyan at humarap sakanya ng nakangiti
"Tara na nga nakakairita iyang ngiti mo"ungot niya at tumalikod na at nauna ng pumasok saakin babae nga talaga
Napailing nalang ako at sumunod na sakanya nakita ko naman siyang nakaupo sa may louge ng hotel
"Tara na nasa room na yung mga bata"tawag ko sakanya at agad naman siyang tumayo
"Hmm..Zendrick!"tawag niya saakin sakto namang pagbukas ng elevator at kaming dalawa lang rito
"Ano yun?"nilingon ko naman siya at tinignan ko siya sa mata siguro nahihiya siya kaya yumuko ito para mag iwas ng tingin
"Bakit mo ba kami sinama rito?"nakayuko parin siya habang tinatanong ito saakin kaya naman hinawakan ko ang isang kamay niya at inangat ang baba niya para magkatitigan kaming dalawa
"Kaya kita,kayo dinala rito dahil kayo ang pamilya ko kayo"simpleng sagot ko at hinalikan ko siya sa noo niya
"Hmm.."sagot niya lang at di nag tagal ay nakarating narin kami sa floor namin
"Tara na"aya ko sakanya at hinawakan siya sa kamay buti naman di siya umimik
"Dito na tayo"kinuha ko naman ang card na hawak ko at inilagay ito sa may paglalagyan nito
At hinila ko ulit ito para makapasok na kami sa loob ng room namin
"Ang ganda"napalingon naman ako sakanyan at halata mo sa mga mata niya ang tuwa at para siyang batang maliit na ngayon lang nakapasok sa isang hotel room
"You've never change"napatingin naman ito saakin at inirapan ako
"Hahahaa..."tawa ko at halos mag lupasay na ako sa sahug dahil talagang nakakatawa siya
"Bahala ka jan at para sabihin ko sayo Brixman andito tayo dahil sa trabaho mo at tandaan mo hindi porke inalagaan kita noong nagkasakit ka ay napatawad na kita"mahabang lintanya niya dahilan para matigilan ako sa pag tawa at mapalitan ng lungkot ang aking mga ngiti dahil alam kong galit siya
Masakit ang sinabi niya pero kasalanan ko naman kung hindi ko sana siya pinagtawanan
"Mag-ayos ka na at pupuntahan ko muna ang mga bata kay manong sinamahan niya raw ito sa may pool area"seryosong saad ko at umalis na sa harap niya
BINABASA MO ANG
[Under Editing]Marrying The Heartless Bachelor(Bachelor Series #1)
RomanceBeware of Gramatical Error ****** The picture of my book cover is not mine Credits to Pinterest