You need to trust someone for you to know the worth of the person and for you to open up your mind
--------
Fiancé
Hayss... ang tigas rin ng ulo nitong isang ito pare pareho sila ng mga anak niya
"Ano tapos ka na bang magbihis?"at kinatok ang pinto ng banyo niya
"Oo palabas na"at lumabas na nga siya ehh ang tagal
Pero bat ang gwapo niya....errr... Heaven stop it di ito maganda
"Halika na"at lumabas na ng kwarto niya at buti naman at sumunod na siya saakin
Pagdating namin sa baba ay agad kaming dumiretso sa labas at handa na nga ang sasakyan
"Pasok na para di tayo abutin ng traffic"at pumasok na ako sa loob ng kotse ko kaya naman sumunod na siya
"Ok na tara na"wika niya at di na umimik
Kanina pa itong isang ito ah sapukin ko kaya
"Ok"tipid kong sagot at binuhay ang makina ng sasakyan at nag drive na
Habang nag dadrive ako napansin kong tahimik lang siya habang nakatingin sa labas halos mabingi na ako sa katahimikan kaya naman binuksan ko ang radio ng kotse ko sakto namang pinapatugtog ang kantang Perfect ni Ed Sheeran
"Maingay paki hinaan"reklamo niya kaya naman pinahinaan ko nalang bago ko inihinto ang sasakyan dahil red light
"Anong problema mo at bakit ang tahimik mo?"tanong ko rito dahil di naman siya ganitong tao
"Wala just focus on driving it's already green"kaya naman na patingin ako sa harap at tama siya kaya naman nag drive nalang ako at di na siya pinansin
Pag kadating namin ay dumiretso na ako sa room ni ate Ritchi oo ate dahil kapatid ni Zendrick si Dra. Ramirez panganay nila
"Hi ate"bati ko rito ng makapasok ako si Zendrick nasa labas pa pumunta sa Cr
"Naligaw ka?"natatawa niyang turan bago ako niyakap
"Have a sit"tukoy niya sa mga upuan sa harap niya "asan na ang kapatid ko?"nakangiti ito at tumingin sa pinto
"I'm here sis"biglang sulpot nito at umupo sa katapat kong upuan
"Anyare sayo?"tanong ko at tiningnan ang kabuan niya
"Oo nga mukha kang ginahasa ng 10 babae"pagbibiro ni ate at inayos ang buhok nito pero iniwas niya
"Tsk"sagot lang niya at di na umimik
"Bahala ka"sagot ni ate at inumpisahan na siya i check
"Ito na yung mga gamot na dapat niyang i take"bigay saakin ni ate ng papel kung saan nakasulat yung mga gamot na dapat kong bilhin
"Sige ate salamat"at tumayo na samantalang itong gungung lumabas nalang
"Haysss...mamaya lang yan dadalaw ako mamaya"bilin niya kaya naman tumungo nalang ako at lumabas na
Sakto namang nakaupo siya sa mga upuan malapit sa laboratory
"Bilhin ko lang itong gamot mo"bilin ko rito at dumiretso sa may botika dito sa hospital
"Ano po yun ma'am?" magalang na tanong ng pharmacist saakin
"Miss pabili ng mga gamot na ito"sabay abot ng papel kung saan naka sulat ang mga rinesetang gamot para kay Zendrick
Kaya naman binasa niya ito
"Ma'am for kids po ba ?"tanong nito saakin kaya naman napangiti ako
"For adults"sagot ko sa tanong nito at agad namang nag tipa sa keybord ng computer sa harap niya
![](https://img.wattpad.com/cover/122139367-288-k966638.jpg)
BINABASA MO ANG
[Under Editing]Marrying The Heartless Bachelor(Bachelor Series #1)
RomansaBeware of Gramatical Error ****** The picture of my book cover is not mine Credits to Pinterest