Prologue
Our story is a huge maze. My desire to get out is also the reason why I am doomed inside.
"Zendrick" Tawag ko rito na ngayon ay abala sa pag-aayos ng mga papeles dito sa opisina sa bahay niya.
"What?" Malamig na tanong nito pero nasa mga papel parin ang atensyon nito. Tila isang kasalanan ang tignan ako.
Dahilan para mapayuko ako dahil kahit sa simpleng bagay ay hindi ko parin makukuha ang
atensyon niya.
"May event kasi sa school nila Viandrick, baka pwede ka bukas it's their family's day to be exact." Sagot ko naman sa tanong nito dahilan para mapatingin siya saakin.
"I'll try, I have a lot of works to do, and can you leave now I am busy." Saad nito sa malamig na tono na ikinatungo ko na lamang.
Ayoko mag-mukhang kaawa-awa sa paningin nila at ayoko rin na kamuhian ni Viandrick ang ama nito dahil una palang ay kami naman ng anak ko ang may kasalanan kung bakit siya nag-kakaganito.
Hindi ko sinunod ang gusto nito kundi bagkus ay ipinagpilitan ko ang opinyon ko.
Ang kagustuhan ko upang mapasaya ang bata.
"Pero Zendrick,inaasahan ng bata na dumalo tayo." Pag-eksplena ko dito dahilan para tignan ako nito sa nan-lilisik na mata.
Agad naman akong nilukuban ng takot ang aking dibdib dahil sa naging reaksyon nito. Tila madadagan nanaman yata ang mga pasa ko sa katawan.
"Yun na nga sayo narin nangaling na FAMILY ibig sabihin Pamilya NAMIN,SAMPID LANG KAYO NG ANAK MO HEAVEN!,IPINIPILIT MO NA TANGAPIN KO KAYO KAHIT AYOKO!" Gigil nitong saad na ikinatahimik ko at pilit na pinipigilan kumawala sa aking mata ang mga luhang siyang nag-papakita ng sakit na aking nararamdaman.
"Yun na nga Zendrick eh!ipinipilit ko ang sarili ko at ang anak ko sa taong ayaw naman samin nakakatawa di ba?" Sarkastiko kong saad at tinignan ito ng matalim.
"Bakit ko rin ba ginagawa na pilitin ka na pumunta sa lintek na FAMILY DAY na yun?!e.HINDI KO NAMAN ANAK YUNG BATA NA YUN!" Umiiyak kong saad nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito dahilan upang matahimik siya at ma bato ito sa kinauupuan niya ngayon.
"Alam mo Zendrick pwedeng pwede akong umalis kahit kailan ko gusto pero walangya hindi ko magawa dahil alam kong magiging kahiya hiya ka at ayoko na mag-mukha kang masama sa mata ng mga anak mo at dahil Mahal kita." Mahabang lintanya ko at akmang tatalikuran ko na ito ng pumasok sa loob si Viandrick.
"Papa, I want a complete family but you kept on pushing mama and Maureen out of your life. Papa, can you please wake up." Humahagulgol na saad nito na ikinatigil naming dalawa.Nagulat kami sa sinabi nito pero hindi ko nalamang sila pinansin.
Walang lingon lingon na umalis na sa kwartong iyon at pumunta sa kwarto namin ng anak ko at inimpake na lahat ng gamit namin buo na ang disisyon ko na umalis sa poder nito.
Hindi ko ba alam kung bakit pina-abot ko pa ng dalawang taon ang panankit nito sa akin ng pisikal,emotional at mental.
"Anong ginagawa mo? "Tanong nito saakin ng makarating ito sa kwarto namin ng anak ko pero hindi ko pinansin at ipinag-patuloy lang ang pag-iimpake.
Hindi ko ito pinapansin kahit pa ibinabaklik nito ang mga damit sa cabinet na inilalagay ko sa maleta.
"Pwede ba Heaven itigil mo na yan!" Hinila nito ang pulsuhan ko pero hindi ako nagpapigil sa gusto nito.
Nang mag-sawa ako ay hinayaan ko na itong ibalik ang mga damit na inempake ko sa cabinet kaya naman itinigil ko ang pag-iimpake at itinulak ang maleta na nakapatong sa kama ko dahilan para mahulog ito.
Dahilan upang matigil ito sa ginagawa niya at lingunin ako nito.Dibale kahit mag-sigawan kami sa kwartong ito kampante ako dahil nakay manang si Maureen.
Agad ko namang hinarap ito at binato rito ang mga damit na hawak ko.Maging ang maletang nasa lapag ay pabalang kong hinawi mula sa kama dahilan upang malaglag ito.Matalim ko namang tinignan ito habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
"Ano ba Zendrick?gulong-gulo na ako hindi ko na kaya!" Sigaw ko na ikinatigil naman niya at tignan ako ng may pag-tataka sa mukha.
"Pagod na ako,pagod na pagod na ako,Pagod na akong intindihin ka at mahalin ka." Nanghihinang saad ko pero pilit ko paring tinatatagan ang loob ko.
"Zendrick, hindi ko na alam kung saan pa ba ako dadalhin nang pag-mamahal ko na ito dahil baka kamatayan ang dulot nito saakin, kaya tama na." Pag-mamakaawa ko rito pero hindi ito nag-patinag at hinawakan nito ang palapulsuhan ko at matalim akong tinignan.
"Then face all the consequences,kung nahihirpan ka na wala akong pakialam mamatay ka man!" Galit na sigaw nito at itinulak ako sa kama ko.
Now I feel so helpless para akong kandilang unti-unting nauupos na ano mang-oras ay mamatay na ako ng dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ayoko ko pa sanang sumuko pero siya na mismo ang tumutulak saakin upang gawin ang bagay na iyon kung pwede lang sana na alisin lahat ng sakit.
I need to pay for all of this, I need to face the reality at pagbayaran lahat ng ito.
Life is not just a fairytale. It's a hurtful and huge maze and on that maze, I am now lost.
![](https://img.wattpad.com/cover/122139367-288-k966638.jpg)
BINABASA MO ANG
[Under Editing]Marrying The Heartless Bachelor(Bachelor Series #1)
RomansaBeware of Gramatical Error ****** The picture of my book cover is not mine Credits to Pinterest