Class is over. Late na din akong umalis sa school dahil bukod sa binantayan ko pa yung dalawang kumag na maglinis ng cafeteria ay may mga paper works pa akong inasikaso.
"Andito na 'ko!" Sigaw ko pag-uwi sa apartment. Dalawa lang kaming nakatira dito ng kapatid kong babae. She's 16 and she's on her last year of junior high while I'm on my last year of senior high.
"Mika!!?" Tawag ko sa kanya. Naka-uwi na kaya siya? Nasaan kaya yun?
"Nagluluto ako!" sigaw niya. Ano naman kayang niluluto neto? Well, sa aming dalawa siya ang tumatayong nanay dahil siya ang mas marunong sa gawaing bahay.
Nagbihis muna ako bago dumiretso sa kusina.
"Kamusta?" Tanong ko. Nakasanayan na namin 'tong magkapatid. Paguwi namin sa apartment ay nagku-kwentuhan kami tungkol sa nangyari sa amin buong araw.
"Ganon pa din naman ate. Walang bago. Ikaw?" Sabi niya habang inilalapag sa lamesa ang kanin.
"Well, Kilala mo si Pia diba?" Tumango siya bago nagsalin ng sabaw sa mangkok.
"Oo"
"Ayun, nabasted ng crush niya"
"Huh? Nanliligaw si Pia? Diba babae siya?" Sabi niya at umupo na pagkatapos maghain ng ulam. Nagumpisa na kaming kumain.
"Hindi. Psh. Umamin lang siya sa crush niya na may gusto siya dito"
"Ganon ba 'yon?" Nagtakha naman ako sa tanong niya.
"Ang alin?"
"Kapag may nagugustuhan ka aamin ka sa kanya" inosente niyang sagot. Halos maibuga ko naman ang ininom ko.
"Hindi ganon! Lalaki dapat ang unang nagsasabi ng feelings!"
"Eh paano kung wala namang feelings yung lalaki sa babae?" napaisip naman ako. Paano nga ba?
"Hindi kasi tama 'yon. Lalaki dapat ang unang gagawa ng moves, tsaka mararamdaman naman nila kung may gusto ang babae sa kanila diba? Based sa kilos at pakikitungo nila kaya bago pa lumala yung nararamdaman ng babae ay gagawa na sila ng paraan para iwasan ito"
"Eh paano kung manhid yung lalaki?"
"Imposible namang di niya mapansin 'yon? Tanga lang?"
"Tss. Merong ganon. Tsaka we're living in the 21st century ate! Di na uso yang lalaki dapat ang unang gagawa ng moves. Sa panahon ngayon parang pagpapalit lang ng underwear ang pagbo-boyfriend"
"Saan mo natutunan 'yan?!" Sigaw ko sa kanya.
"Narinig ko lang" nagkibit-balikat pa siya tapos ipinagpatuloy ang pagkain.
"Kung ano-ano na ang naririnig mo"
"I'm not a kid anymore ate. Exposed na exposed na 'ko sa reyalidad"
"Tss"
"Totoo naman ate"
"Bakit, May crush ka na ba?" Tanong ko. Nagulat naman siya at nanlalaki ang matang umiling-iling.
"WALA ATE!"
"Kailangang sumigaw?"
"Eh wala naman talaga eh!"
"Huwag ka ngang defensive. Nagiging obvious ka eh" sabi ko sabay tawa.
"Ate"
"Yes?"
"Shut up" lalo lang akong natawa.
Mika used to be so silent pagdating sa ibang tao. She's always serious and she don't talk a lot. Hindi ko nga alam kung may kaibigan siya. Well, meron nga pero iisa at sa kasamaang palad lalaki pa ito. Nakilala ko naman si Kevin and he seems like a nice guy naman kaya hindi na din ako nagaalala. Pero kapag kaming dalawa lang lumalabas ang pagkamakulit niya. Though, I know she's keeping a lot of secret from me ay nandito lang ako para sa kanya.
"Ako na ang maghuhugas" prisinta ko pagkatapos namin kumain. Tumango na lang siya.
Habang naghuhugas ay niligpit naman niya ang lamesa.
"Yun lang ba ang nangyari sayo ngayon ate?" Bigla-bigla niyang tanong. Bigla ko namang naalala yung dalawang lalaki na nagaway.
"May nagaway sa school" kwento ko.
"And?"
"Ayun! Nadagdagan ang binabantayan ko" sabi ko sabay buntong-hininga.
"I'm sure gumawa ka na naman ng amazing-eksena kanina ate" sabi niya sabay tawa. Humarap naman ako sa kanya at itinuro siya.
"Hoy! Hindi paggawa ng eksena 'yon. Tungkulin ko yun bilang President ng school"
"Whatever"
"Btw, malapit na ang monthly exam niyo diba? Bakit hindi ka na lang magaral ha?" Tanong ko.
"Ah yeah. Next week na pala 'yun"
"Sige na. Pumunta ka na sa kwarto mo at magaral" utos ko.
"Okay" sagot niya bago tumayo at pumunta sa kwarto.
Kakatapos ko lang sa hugasin ng biglang lumabas si Mika sa kwarto.
"Ate!"
"Bakit?"
"Tumawag si Manager Che"
"Anong sabi?"
"Kung pwede daw na pumasok ka ngayon kasi kulang sa tauhan. Andami daw customer, hindi daw pumasok si Anna? Ann? Anny? Andy---"
"Yna"
"Yun nga!" Sigaw niya. Dali-dali naman akong nagbihis. Syempre, dagdag sweldo din 'to.
"Mika! Maiwan muna kita ah. Pasok muna ako sa trabaho" sabi ko at patakbong lumabas ng apartment.
"Ingat ka Ate!" Sigaw ni Mika.
"I-lock mo yung pinto at bintana!" Sigaw ko pabalik.
-__-
"Pasensya na Tris. Wala kasing makatulong dito sa cafe eh. Um-absent pa si Yna. Pasensya na talaga" paliwanag ni Manager che habang nagpapalit ako ng costume namin as waitress. What's with this costume? Sailor Moon uniform, really?
"Okay lang Manager. Kailangan ko din kasi ng pandagdag kita ngayon eh" sagot ko.
"Pasensya na talaga. Maiwan na kita ah"
"Sige Manager. Salamat"
Nakakailang pabalik-balik na din ako ng bigla akong natigilan sa lalaking pumasok sa shop.
"V-Van?!" Why is he here?!
BINABASA MO ANG
I Fell And I Can't Get Up
Teen FictionTrisha Raine Lopez is the student council's president. She acts and speaks authority. Lahat ng gusto niya nasusunod....not until Van Yuzon discovered her secret. Natatakot siya na baka isang araw ay sapian ito ng masamang espirito at ipagsabi sa lah...