"So, when are you going?"
"Maybe I'll just have to wait for the rest to---" narinig ko ang dalawang estudyante na naguusap sa hallway and something caught my attention...
"Did you just said waitress?!" sigaw ko.
(A/N: Ang rinig po ni Raine sa Wait at rest ay Waitress. Yes po, pinagsama ng boba ang dalawang words)
"H-hindi po P-president" takot na sagot ng isa and I realized, ano bang ginagawa ko?!
"S-sige na. Your class is about to start. Pumasok na kayo sa loob ng room niyo" sabi ko at nagmamadali silang umalis.
Bakit ba ako nago-overreact kapag naririnig ko ang salitang waitress o anything related sa word na yun? Sinabi naman ni Van na hindi niya ipagsasabi pero syempre...wala akong tiwala sa gagong 'yun. Pinaglalaruan ba niya ako?
I snapped out of the thought at dumiretso sa paglilibot sa campus. Isa ito sa mga gawain ko bilang president, ang masiguro na maayos ang paligid ng crosswell. Automatic na kumunot ang noo ko ng makita ko si Lea at Pia na nasa tabi ng gymnasium. Nilapitan ko sila para tanungin kung anong problema.
"Raine!!!" Sigaw ni Pia. Napaka-ingay talaga neto. In fairness, ang bilis niyang nakamove-on sa pambabasted sa kanya ni Van ha.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Psh. Inutusan kami ni Mr. Zamora na iligpit ang mga basura pero hindi namin mabuhat ang trashcan kasi mabigat" paliwanag ni Lea at tumango-tango si Pia. Si Mr. Zamora ang P.E. teacher namin.
"Bakit kayo ang pinagligpit? Kalat yan ng mga basketball player ah?" Nagtatakhang tanong ko.
"Hindi namin alam. Huhu! Raine, ang dami nilang kalat. Nakita nila na naglilinis kami pero hindi man lang nila kami tinulungan" mangiyak-ngiyak si Pia habang nagsusumbong. Psh, ang O.A.
"Sige na, bumalik na kayo sa room niyo. Ako na ang bahala dito" sabi ko na lang at nilapitan ang trashcan.
"Ikaw ba ang magbubuhat niyan hanggang sa gate?" Tanong ni Lea. I was about to answer no when Pia shouted...
"Sira ka ba?! Ang bigat kaya niyan!" tss, ang OA talaga. Binatukan tuloy siya ni Lea.
"Kailangang sumigaw?"
"Ang sakit nun ha!"
"Tumahimik ka nga!"
"Are you two fighting?" Tanong ko and they both shouted...
"No!" We have sets of rule kasi and ang no. 1 rule naming tatlo ay never argue/fight!
"Relax. Hindi ako ang magdadala nito" sabi ko sabay buhat ng trashcan papunta sa harap ng gym at sumigaw sa mga players na nagpa-practice.
"KAYONG LAHAT!!! KAPAG HINDI NIYO DINALA ANG MGA BASURA NIYO SA GATE IPAPASARA KO ANG GYMNASIUM!!! HUMANAP KAYO NG SARILI NIYONG LUGAR NA MAPAPAGPRACTICE-AN!!" with that, tatlong estudyante ang lumabas at agad na buhat ang basurahan. Lumapit naman sakin si Drake, team captain ng basketball.
"Sorry, Miss president" I glared at him. Tumungo na lang siya.
"Please lang. Cleanliness is a must. Hindi ko kayo pinipigilan sa mga practice niyo pero walang janitor na maglilinis ng mga kalat niyo"
"Y-yes Ms. President. I'll tell them to clean their mess"
"That's all" sabi ko at umalis na siya sa harap ko at bumalik sa loob ng court. Nakita ko siyang sumenyas sa iba pang players na nandoon.
"You're so cool Raine!!! Thank you!!!" Sigaw na naman ni Pia.
"That's not being cool. Dapat lang na naglilinis sila, whether I tell them to or not to" paliwanag ko
"Ang humble mo pa" sagot niya.
"Eww. Are you having a crush on Raine, Pia? Have you already realized your real gender? Are you a lesbian??" Nandidiring mga tanong ni Lea. This time, siya ang nabatukan ni Pia.
"Have mercy on my beauty Lea. Masasayang lang kung magkakagusto ako kay Raine" sarcastic na tugon ni Pia. Napailing na lang ako.
Patuloy sila sa pagbabangayan ng biglang nanigas si Pia at natulala. Napatingin naman ako sa likod ko and I saw Van looking at me intently. Kanina pa ba siya dyan?
"What are you looking at?!" Sigaw ko sabay turo sa kanya.
"Moo" he said and walked away.
"What does that mean? Moo?" Nagtatakhang tanong ni Pia?
"I dunno" sagot ni Lea. Me? I don't know either. That's the sound of a cow right? Whatever. Is that his expression? I don't fvckin' care! Is he annoying me? Nabigla naman ako sa pagbuntong-hininga ni Pia.
"He's really cool. Alam niyo ba? Naging black-belter daw yan ng judo before entering highschool and being one of those outstanding student he's got good brains too. Plus, his looks is the only ray of hope in this school full of assholes. He's sporty too but it seems like he lost interest in dating because he's too popular" mahabang litanya ni Pia. She's up on her daydreaming again. Seriously? Paano niya nalaman lahat yun? She's a creepy stalker and a very effective one.
"Even so, a lot of girls still confess to him" dagdag ni Lea.
"But he's rejecting them all"
"And that includes you"
"Lea!"
"What?"
"Shut up!"
He's that popular, eh? I wonder what those girls saw in him. He's an idiot and a pervert as well. I turned to the two.
"Let's go" sabi ko at nauna ng naglakad. Sumunod naman sila sakin. Nagulat na lang ako ng hawakan ako ni Pia sa braso.
"Raine?"
"Oh?"
"I realized something"
"Ano 'yun?"
"Bakit sayo nakatingin si Van kanina?" I almost got choked with her question kahit wala naman akong kinakain.
"I-I don't know!" Sagot ko at nagmadali sa paglalakad. Hinabol naman niya ako.
"Do you know him?" tanong pa niya.
"Uh---" I don't know what to say...
"Pia! Tara na!" Nakahinga ako ng maluwag ng biglang hilahin ni Lea si Pia papasok ng room nila. Phew! Nakaligtas ako.
Van Yuzon. Of course, I knew him. We entered the same school in elementary. Remember my enemy ever since elementary I was talking to? He's none other than but Van. And I fvckin' know how smart he is kasi hindi ko siya natatalo...noon. Sa acads o kahit sa sports. That's why, I studied hard. I trained hard. Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana kasi hanggang ngayon si Van pa din ang kayang kumuha ng lahat ng pinaghirapan ko. That's because, he fvckin' knew about my secret and I hate him for that.
Dumaan ang maghapon ng walang nangyayari saking masama. Ibig sabihin wala pang nakakaalam ng sikreto ko pwera kay Van. Argh! That guy! Hindi niya alam kung gaano ako kaparanoid. He's psychologically torturing me.
BINABASA MO ANG
I Fell And I Can't Get Up
Teen FictionTrisha Raine Lopez is the student council's president. She acts and speaks authority. Lahat ng gusto niya nasusunod....not until Van Yuzon discovered her secret. Natatakot siya na baka isang araw ay sapian ito ng masamang espirito at ipagsabi sa lah...