Planning the school festival

1 0 0
                                    

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo?" out-of-nowhere ay may biglang nagtanong sa akin. Iniisip ko pa din kasi ang nangyari kahapon.

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko habang naka-tungo.

"Good Morning Ms. Pres" naka-ngiting bati sakin ni Van.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong pag-angat ko ng tingin. Mushroom ba siya? Bakit kung saan-saan at basta-basta na lang siya sumusulpot?!

"Bakit ka sumisigaw?"

"You're not allowed in the student's council room kung wala ka namang katanggap-tanggap na rason para pumunta dito!" kami lang dalawa ang nandito sa SCR (student council room), hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kakatapos lang ng meeting ng lahat ng officer ng crosswell para sa nalalapit na school festival. Ang naisip naming pakulo ay maghahanda every sections ng napili nilang theme ng booth nila at magiinvite din kami ng ibang estudyante mula sa ibang school. Hassle kasi nung kunin namin ang napili nilang booth ay wala akong mapili. Can't they think of something unique? Sobrang common na kasi ng mga jail booth...

"Actually Ms. Pres may katanggap-tanggap na rason ako" pinagtaasan ko siya ng kilay. Iniabot niya sakin ang isang folder.

"Napagutusan ako ng mga kaklase ko na ibigay sayo yan. Sana daw mapag-isipan mong mabuti"

"Pumayag ka talaga huh" tatawa-tawa kong sagot. Utusan na ba siya ng mga kaklase niya?

"Hindi naman talaga ako dapat papayag pero dahil ikaw ang pagbibigyan pumayag na 'ko"

"And why?" para asarin ako? Binuklat ko ang folder.

"Gusto lang kitang makita" automatic na gumalaw ang kamay ko at inihampas sa kanya ang folder.

"ALIS!" Sigaw ko.

"Ouch! You're so hard" sabi niya habang hinihimas ang ulo.

"You want harder?" I sarcastically asked and he smirked.

"Yes please, but I prefer the hardest" he answered. J-jerk. I wasn't born yesterday so I fvckin' knew what he meant by that.

"Get out! You stupid perverted alien!!!" I shouted. He even winked before storming out of the room.

I'm pissed off. Halos buong meeting wala ako sa mood tapos dadagdagan pa ni Van yung inis ko.  Hustisya naman diba?!

Kinalma ko ang sarili ko at muling binuklat ang folder ng kanilang section. Honestly, kahit kailan hindi ko nakita si Van na nagparticipate sa kahit anong school program. Hindi naman siya ganon dati nung elementary pa kami. Siya yung tipo ng estudyante na kahit lalaki ay seryoso sa pagaaral kaya nga natalo niya ako. Kahit mga extracurricular activities wala siyang patawad. Pero ngayon? Bakit bigla siyang nagbago?

I sighed at binasa ang laman ng folder. Dammit! G-ginagalit ba talaga nila ako?! Katulad lang din 'to ng huli nilang pinasa. Sa totoo lang, section lang nila Van ang wala pang naiisip na booth. The day after tomorrow na ang school fest at ayoko namang lumabas sa mga teacher na hindi sila nagpaparticipate.

Lumabas ako ng SCR para puntahan ang section nila. Sa paglalakad ko, nadaanan ko ang storage room at may isang bunton ng mga lalaki na nagtitipon-tipon doon habang tumatawa ng malakas at kapag ganon ang itsura nila alam ko na agad na may ginagawa na naman silang kalokohan.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. One student is dancing crazily in the middle of the crowd and the worst part is....h-he's half naked! Pakiramdam ko tinubuan ako bigla ng sungay.

"WHAT THE HELL ARE YOU GUYS DOING?!" Malakas kong sigaw. Nagulat sila kaya bigla silang nagtakbuhan paalis. May 10 lalaking naiwan kasama na yung isang estusyanteng sumasayaw. Sa sobrang galit ko ay hinila ko papasok ng storage room ang lalaki.

"Repent here" galit kong utos sa lalaki.

"President. Nagpapractice lang kami para sa school fest" paliwanag ng lalaki pero sinam-an ko lang siya ng tingin bago lumabas at i-lock ang pinto. Anong klaseng practice 'yon?!

Natulala lang yung iba pang mga lalaki na nandoon pero di ko na sila pinansin. Naiinis akong dumiretso sa paglalakad. Padabog akong pumasok sa section nina Van. Galit kong ibinagsak sa table ang folder na ipinasa nila.

"Rejected na 'to diba?! Bakit ipinasa niyo ulit sakin?!" Galit kong tanong sa kanila.

"M-ms President. 'Yan na po ang n-napagdesisyunan n-namin" takot na sagot ng isang lalaki.

"Sinong tanga ang papayag sa booth na 'to?! Larong pinoy booth?!This is a fvckin' school hindi playground"

"Pwede naman po nating gamitin ang soccer field" sagot ng isang estudyante.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng mga teachers?! Sa classroom itatayo ang booth niyo. Paano kayo makakapaglaro ng mga patintero doon ha?!"

"Pwede naman pong i-request sa mga teacher na kung pwedeng gamitin ang soccer field para sa booth namin" suhestiyon ng isa. Napapansin ko lang na puro lalaki ang nagsasalita.

"Ano 'to? Gagawa kayo ng sarili niyong mundo sa soccer field? Paglalaruin niyo sa ilalim ng tirik na araw ang mga estudyanteng pupunta? Isa pa, mahihirapan kayong i-monitor ng mga teacher since wala kayo sa loob ng building" Tanong ko pa.

"Pero ang purpose naman po ng school fest ay for enjoyment"

"Hindi talaga kayo nakikinig sa mga announcement?! Ang theme ng ating school fest ay para maka-attract ng marami pang estudyante para mag-enroll dito sa school natin hindi para mag-saya at magpapawis sa ilalim ng araw! Hindi tayo araw-araw naglalaro ng patintero at tumbang-preso sa school! Kahit sa P.E. natin hindi tayo naglalaro niyan! ." Sigaw ko at walang naglakas loob na magsalita. Tumingin ako sa mga babae.

"Girls. Any suggestions?" nagkatinginan muna sila bago sumagot.

"G-gusto po sana namin ng katulad ng sa mga cafe"

"Okay then. Your section will have a cafe for your booth" agad kong isinulat ang cafe sa tapat ng section nila pero agad ding umangal ang mga lalaki.

"Pero Ms. President! Wala naman tayong cafe sa school ah at hindi naman tayo araw-araw nagseserve ng kape?!" Sigaw ng isang lalaki.

"This is for the sake of our cafeteria. Makakatulong ito para mag-come up sila sa idea na well-maintained ang bawat sulok ng ating school" paliwanag ko sa lahat. Tatayo na sana ako ng biglang tinawag ng president nila si Van.

"Van! Tulungan mo kami!" bored na tumingin si Van sa direksyon namin. Nandito pala ang kumag na 'to? Nang makita niya na desperadong-desperado na ang mga kaklase niya ay tumayo siya at lumapit sakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Tinitigan niya ako sandali bago siya lumingon sa mga kaklase niyang lalaki.

"Anong sasabihin ko?" Tanong ni Van.

"Sabihin mo na payagan na tayo sa Larong pinoy bilang Booth natin" sagot ng isang lalaki. Humarap naman sakin si Van.

"Uh, payagan mo kami sa larong pinoy bilang booth namin" walang kaemo-emosyon niyang sabi. What the hell?! Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa room nila. Biglang lumapit yung president nila at bumulong kay Van.

"Lagyan mo ng emosyon" tss. Nageffort pa siyang bumulong. Narinig naman ng lahat. Tumango si Van bago ulit humarap sakin.

"Payagan mo kami sa larong pinoy bilang booth namin...emosyon" halos matumba kaming lahat sa sinabi ni Van. Pinaglololoko niya ba kami? Naiinis akong tumayo kaya nag-ingay sila.

"Enough! Cafe booth ang inyo and that's final!" Sigaw ko at lumabas na ng room nila. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang kumento nila sa akin. Tss. Wala ng bago, matagal ko ng natatanggap ang mga salitang 'yon.

"She's so hard"

"Heartless"

"Cold"

"Cruel"

"Guy hater" agad nagpanting ang tainga ko sa huli kong narinig. Guy hater?! Really?!

Gaya ng nakasanayan, hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na din naman ako.

I Fell And I Can't Get UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon