She came again

2 0 0
                                    

"Andito na 'ko!" Sigaw ko pagkarating sa apartment. I don't know why I'm shouting... it became a habit already.

Nagulat naman ako sa biglaang paglabas ni Mika.

"Welcome home ate!" sigaw niya.

"Oh? Anong nakain mo? Ang hyper mo ngayon ah" natatawa kong tanong.

"Ganito kasi 'yan ate eh. Gusto kong mamasyal. Pwede mo ba akong samahan? Sabay nating langhapin ang mausok at nakakasulasok na hangin ng paligid. Masaya 'yon diba?" Excited niyang sabi. I glared at her.

"Mukha kang abnormal" sabi ko.

"Ang ganda kong abnormal" tapos sabay kaming tumawa.

"Bakit mo naisipang mamasyal ngayon?"

"Bigla akong nabored sa bahay"

"Ngayon ka lang nabored ah. Anong nangyari kay Mika-charlotte-the-school-at-bahay-girl lang?"

"Ewan ko. Nahipan yata ako ng masamang hangin"

"Oh? Baka mahipan din ako"

"Nahipan ka na nga ate! Ayan oh! Kita ko na! Sasamahan mo na 'ko" sigaw niya habang itinuturo ako. Pffftt. Baliw din talaga 'to minsan.

"Oo na! Sasamahan na kita. Magbibihis lang ako" sabi ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla niya itong hinarangan.

"Ate! Huwag ka ng magpalit! Okay na iyang suot mo. Ang ganda kaya ng uniform niyo. Tsk. Bagay na bagay sayo!" sigaw niya habang naka-thumbs up pa.

"Amoy pawis na 'ko" sabi ko habang inaamoy ang sarili ko.

"At kailan ka pa naging conscious sa amoy mo? Anong nangyari kay Trisha-Raine-don't-fvckin-care-about-herself?"

"At saan mo natutunan iyang fvckin na yan?!"

"Yung totoo? Sayo" sabi niya sabay peace sign.

"What the?!" bumuntong-hininga na lang ako at akmang bubuksan ang pinto ng hinarangan niya ulit ako.

"Ehhh. Saglit lang naman tayo ate! Diba papasok ka pa sa cafe mamaya?" nagtatakha na talaga ako sa ikinikilos ni Mika. Is she hiding something from me? Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Mika. Magsabi ka ng totoo. Anong meron?" mabilis siyang umiling sakin.

"May nasira ka ba?"

"Wala"

"May nasunog ka ba?"

"Wala"

"P-pinalayas na ba tayo?!" Gulat kong tanong. Hindi pa ba kami nakakabayad sa renta ngayong buwan?

"Hindi ate"

"Mika?!"

"Ate!"

"Nagdala ka ba ng lalaki sa bahay?!" sigaw ko sa kanya. Halos mamutla si Mika sa kakatanggi sa mga tanong 'ko.

"W-wala ate! Ano bang klase ng tanong 'yan?!"

"Eh bakit ayaw mo akong papasukin?"

"Eh kasi ate" I raised my eyebrow at her. Napalunok siya dahil dun.

"Tabi" utos ko ng hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Ate"

"TABI SABI!" Sigaw ko. Dahan-dahan naman siyang umalis sa pinto. Dire-diretso ako sa loob ng bahay. Sumunod naman sakin si Mika na umiiyak na. Nagtaka ako kung bakit, paglingon ko...narealize ko kung bakit.

"Anong ginagawa mo dito?" galit at may diin kong tanong sa babaeng kaharap ko.

"Anak" tawag niya sa akin. Tss. Ang kapal ng mukha!

I Fell And I Can't Get UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon