Sigurado akong hindi basta-basta mananahimik ang mga lalaki na kaklase ni Van. Alam kong ayaw talaga nila sa cafe. I just hope they won't do anything stupid. Isip ko habang nasa byahe papunta sa school.
I sighed bago pumasok sa loob ng school. Agad kong pinatawag ang mga officer sa SCR.
"This day has finally come!" Sigaw ko sa lahat ng officers.
"Gawin natin ang best natin para maging matagumpay ang araw na ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng school fest ay maraming estudyante ang magugustuhang pumasok dito. I'm counting on you guys!"
"Yes Ms. President!" Sagot nila.
"Let's give our best! Meeting adjourned. Go to your designated task" Sigaw ko bago sila lumabas ng room. Sumunod ako sa kanila at naglibot-libot.
Nakakatuwa lang na mukhang nasusunod ang lahat ng plano ko. Sana lang maging matagumpay ito hanggang sa matapos ang lahat. Nakita ko naman si Vince, the vice president, na kumukuha ng mga pictures for documentation.
"Ikaw muna ang bahala dito. Pupuntahan ko lang ang 12-2" sabi ko sa kanya. Tinanguan niya ako at nagthumbs-up. Dumiretso ako sa room nina Van.
Pagdating ko ay nagtakha ako kung bakit nakaasarado ang room nila pero pagbukas ko ay nalaman ko kung bakit. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga magpapatalo ang mga gagong 'to. Kokonti lang ang customer nila na sa tingin ko ay hindi naman nageenjoy.
"What is this all about?!" Galit kong tanong. Naramdaman ko naman ang masamang aura na bumabalot sa paligid na nagmumula sakin. Natigil naman silang lahat sa ginagawa at napa-tingin sakin.
"Ms President. Ginawang costume cafe ng mga lalaki ang booth namin!" Sumbong ng isang babae sakin. Inilibot ko ang tingin ko. Some are wearing a taekwando uniform. May naka-swimming attire. May nakapang-basketball, volleyball, even baseball uniform! May nakapang-superhero costumes din. Nagmukhang costume party ang kanilang booth at pakiramdam ko ang mga lalaki lang ang nageenjoy.
"Oh? Ms. Pres? Andito ka?" Nagulat ako ng may magsalita sa tenga ko.
"Lumayo ka sakin!" Sigaw ko bago tinulak palayo si Van. Wtf?! Bakit naka-suit siya?!
"Bakit galit ka na naman?" Tanong niya habang nagkakamot ng ulo.
"Ano yang mga suot niyo?! Ha?!" Sigaw ko. Tumingin sa paligid si Van.
"Sabi nila dapat naka-costume" inosenteng itinuro ni Van ang mga kaklase niyang lalaki.
"At talagang sinunod mo ha?!" Sigaw ko pa sa kanya.
"Why? Mukha namang masaya ah? Bakit hindi mo na lang hayaan kung ano ang gusto nila kahit ngayon lang?" Tanong niya din sa akin. Sa halip na sumagot sa kanya ay inilibot ko ang paningin ko.
"Kayong lahat! Ayusin niyo ang mga sarili niyo oh ipapasara ko ang classroom niyo!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Isa-isa silang nag-ingay.
"Ano bang masama President? Gusto lang din naman naming magenjoy kaya naisip namin na magcostumes"
"You guys are doing nothing but plain stupidity! Why don't you make yourself useful even for once?!"
SILENCE.
"Bakit napakabossy mo Ms. President?" Nagulat ako sa tanong ng isang lalaki.
"Huwag ka ng umimik Gerald! Hindi naman siya nakikinig satin"
BINABASA MO ANG
I Fell And I Can't Get Up
Teen FictionTrisha Raine Lopez is the student council's president. She acts and speaks authority. Lahat ng gusto niya nasusunod....not until Van Yuzon discovered her secret. Natatakot siya na baka isang araw ay sapian ito ng masamang espirito at ipagsabi sa lah...