Kabanata 20

5 0 0
                                    

Toxic

Kinabukasan, nagsimula na silang magpractice para sa Jazz Chant nila. Pagod na pagod na si Fedelisa sa kakaturo habang si Stella naman ay hindi alam na gagawin na costumes.

Si Stella ay gumagawa na lamang ng mga naisipan niyang costumes and props. Pagod na rin si Danica sa kakapractice kaya naman pumunta ito kay Stella para tulungan sa mga props.

Si Fedelisa, Chelsea at Selena naman ay napapractice kasama ang kanilang mga kaklase. One hour na silang nagpapractice kaya naman napagod sila. Napagdesisyunan ni Fedelisa na magbreak muna sa practice.

Binigyan niya ang mga kaklase niya ng thirty minutes break. Si Selena at Chelsea ay bumaba ng canteen para makabili ng mga pagkain. Bumili rin sila ng mga tubig at inumin.

Tumambay muna sila ng canteen para makapagpahinga at kumain. Pagbalik nila sa room, hindi nila inaasahan ang nakita nila.

Nakita nila na nagaaway si Fedelisa at Stella. Ayaw ni Fedelisa sa mga ginawang props ni Stella. Si Stella naman ay hindi tumigil dahil para sa kanya, iyon lang ang kaya niya at wala ng iba. Si Danica ay inaawat ng dalawa sa pakikipagaway.

Lumapit si Chelsea at Selena para awatin ang dalawa. Kinausap ni Selena si Stella sa CR. Nagwalk out kasi ito dahil sinigawan siya ni Fidelisa.

Tinanong ni Selena kung ano ba ang problema. Sabi ni Stella na pinakita lang niya ang props kay Fidelisa tapos ay hindi na ito pumayag. Nagalit si Fidelisa at lumapit na sa kanila si Danica.

Nagusap pa sila doon. Naiyak si Stella dahil sa nangyari. Niyakap ni Selena si Stella. Mahigpit ang yakap nito para tumahan si Stella.

Naiwan naman sa room si Chelsea, Danica at Fidelisa. Kinuwento ni Fidelisa ang nangyari. Galit na galit ito habang nagkekwento. Si Chelsea naman ay nakikinig lang. Wala sa concept at pangit ang mga ginawa ni Stella kaya ayaw ni Fidelisa.

Wala na silang magagawa sa props kasi natapos na ito lahat. Sinabi ni Danica na kumalma si Fidelisa. Si Chelsea naman ay pinapakalma rin si Fidelisa.

Natapos ang paguusap nila. Kumalma na si Fidelisa at natahimik silang lahat. Sinabi ni Chelsea na patawarin na lang si Stella para sa ikabubuti ng lahat.

Pumasok na si Stella at Selena sa classroom. Biglang tumayo si Fidelisa sa kanyang upuan at lumapit kay Stella. Nagsorry ito at humingi ng patawad. Ganun din ang ginawa ni Stella. Si Selena naman ay pinagmamasdan lang sila. Nagkaayos ang dalawa at nagpatuloy sa pagpapractice.

Pagkatapos ng practice nila, umuwi na sila. Bigla nilang nakita si Rose at Luke na naglalambingan. Nadiri tuloy si Chelsea. Si Selena naman ay sinamaan ng tingin ang dalawa. Doon dapat sila pupunta malapit kina Luke pero hindi na nila tinuloy. Iniiwasan nila ang dalawa dahil ayaw nila sa pagiibigan ni Luke at Rose. Masyadong toxic para sa kanila.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon