Kabanata 18

3 0 0
                                    

Rest Day

Wala silang teacher ngayon. Nakatunganga lang sila at mga walang ginagawa. Naisipan nilang maglaro ng UNO ngayon.

Si Chelsea ang may dala ng UNO ngayon. Nilabas na niya ito sa bag para makapaglaro sila.

Naglalaro na sila ng UNO ngayon. Tuwang tuwa sila dahil maganda ang flow ng laro. Nakakakaba rin dahil hindi nila alam kung ano ang sunod na ipapatak ng mga katabi nila.

Natapos ang UNO Game at si Fidelisa ang natalo sa huli. Bilang dare, si Stella ang nagsabi na isigaw ang crush nito. Sinigaw naman ni Fidelisa ang crush niya at nagtawanan silang lahat.

Pagkatapos nilang maglaro ng UNO, naglaro naman sila ng Heart Attack. Gamit din dito ang mga UNO Cards. Grabe! Utas na sila sa kakalaro nito.

Hindi na natapos ang laro nila hanggang sa si Danica at Selena na lang ang natira. Unahan lagi sila sa pagpapatong ng kamay.

Dahil hindi nga matapos tapos ang laro, nag jack en poy na lang silang dalawa. Ang unang makaka ten points ang panalo at ang talo ay may dare.

Ang natalo ay si Danica. Si Selena ang nagbigay ng dare. Yakapin ang lalaking papasok ng pinto sa room nila ang dare ni Selena para kay Danica.

May lalaking pumasok sa room nila at niyakap ito dali- dali ni Danica. Hindi niya alam, si Sir Rubio ang niyakap niya. Nagulat ang lahat ng tao sa room sa ginawa ni Danica. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan niya.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon