Kabanata 15

4 0 0
                                    

Over and Over Again

Nagising si Selena kinaumagahan. Pugto ang kanyang mga mata at sariwa pa rin sa kanya ang nangyari kagabi.

Ngayon ang recognition practice nila. Balak niya sanang pumunta kaso ay hindi na niya tinuloy kasi alam niya na pupunta rin si Rose. May award din kasi si Rose.

Sa bahay lang siya buong maghapon, kumain, tumulog at nagbasa. Hindi niya namamalayan na gumagabi na.

Bigla ulit siyang umiyak. Umiyak dahil kay Rose. Umiyak dahil ka Luke. Ang malas talaga niya ngayon. Wala naman siyang ginagawang masama pero bakit minamalas siya.

Sana makamove on na siya. Sana makalimutan na niya ito. Dumating ang araw ng recognition nila at pumunta na siya sa kanyang school.

Nakita niya si Luke at binati ito ni Luke. Nagsorry si Luke sa nangyari. Pinansin naman ni Selena ito at bilang sagot, ngumiti na lang ito.

Pumasok na siya sa gym dahil magsisimula na ang recognition. Nakita na niya si Rose at hindi ito pinansin. Magkagalit pa rin sila hanggang ngayon.

Habang nagsisimula na ang recognition, tinawag na ang pangalan ni Rose at umakyat na ito sa stage. Hindi na ito pinansin ni Selena at binaling sa kaklase ang atensyon.

Nang tawagin ang kanyang pangalan, umakyat na siya sa stage. Tinanggap ang kanyang mga awards at nagpa picture. Pagkatapos nun, bumaba na siya sa stage. Maluha luha siyang umupo sa kanyang pwesto.

Natapos ang recognition ng ayos at hindi na nagpansinan ang dalawa. Parang wala na talagang pag-asa na magkabati silang dalawa.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon