Kabanata 38

4 0 0
                                    

Different Lives

Bumalik si Rose sa buhay ng dalawa. Worst, magkakastrand a ang mga ito. Lahat sila ABM. Ang adviser ni Selena at Luke ay si Nadine Malgapo, mommy ni Chelsea na isang Accountancy teacher at si Rose naman ay si Six Aguinaldo na isang Economics teacher.

Laging iniiwasan ng dalawa si Rose pero kahit saan sila magpunta, nandun si Rose. Lagi tuloy kumukulo ang dugo ni Selena kay Rose.

Isang araw, naglakas loob siya na kausapin si Rose nung nasa cafe sila. Wala si Luke noon kaya walang nakapigil sa kanya.

"Rose, nakakahalata ka na. Ano bang gusto mo at bumalik ka sa buhay namin ni Luke?" tanong ni Selena.

"Gusto mong malaman? Sige, ikekwento ko sa iyo lahat." sabi ni Rose.

Umoo naman si Selena. Nagsimula ng magkwento si Rose.

"Nung nagbreak kami ni Luke, umalis ako at nagpakalayo layo. Hindi ako nagpakita sa inyo kasi sobrang nasaktan ako nun. Then, nung sumapit ang bakasyon, nagenroll ako sa isang school. Dun ako pumasok at nagkaroon ng mga kaibigan. Tapos hindi ko alam na pinaplastik na pala nila ako. Sa sobrang hurt ko, umiyak ako hanggang sa may nakilala akong isang lalaki. Akala ko matino siya pero tinuruan niya ako kung paano magdroga at uminom. Nalaman yun ng school kaya nakick out ako. Dinala ako ng mga parents ko sa rehab then after one year ay nagtino ako. Binago ko ang buhay ko hanggang sa naging varsity player ako. Yung coach ni Luke ngayon, magkaibigan sila ni Daddy. Kinuha ako ni coach tapos ayun, sinabi niya na magtuturo daw ako at assistant ko daw siya. Ngayon, nandito ako at nagbabalik." pagsasalaysay ni Rose.

Narinig na ni Selena ang kwento ni Rose. Pagkatapos nun, bumalik na siya sa kanyang upuan at ininom ang kanyang kape.

Nagkita si Luke at Selena pagkalabas nito sa cafe. Hinawakan niya si Luke at hinila ito papunta sa likod ng gym. Hinalikan ni Selena si Luke.

"Listen, I don't want this to happen again. Luke, umalis ka sa varsity team. Ayoko na nakikita ko yang ex mo na kasama mo palagi." pagsisimula ni Selena.

"Selena, tapos na kami. Matagal na yun. Wala na akong feelings para sa kanya." sabi ni Luke.

"Paano kung may feelings pa siya sa iyo? Hindi natin alam kung ano ang pwede niyang gawin." sagot ni Selena.

"Ikaw lang at wala ng iba pa. Selena, mahal kita. Trust me. Hinding hindi ko hahayaan na sirain tayo ng Rose na yan." sabi ni Luke sabay yakap kay Selena.

"Ayoko lang talaga. Basta, umalis ka na sa team." sabi ni Selena. Nagtatampo na ito kay Luke.

"Hindi ko magagawa yan. Pangarap ko ito diba?" sabi ni Luke.

"I'm just concerned about our relationship. Look, secretary ako at varsity ka. Most of the time ay magkahiwalay tayo. Sa acads lang tao nagsasama. Si Rose lang ang nandyan lagi sa tabi mo. Who knows? Baka nilalandi ka na niya ulit." sabi ni Selena.

"Hinding hindi mangyayari yun." sabi ni Luke.

"I trust you and I love you. Sana hindi ka magbago dahil hindi na ito bago sa atin. Ang daming pagsubok ang nalampasan na natin. Sana huwag kang bibitaw." sabi ni Selena.

"Trust me with this. Okay?" sagot ni Luke.

Tumango si Selena at hinalikan si Luke.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon