Kabanata 47

3 0 0
                                    

Graduation Day

On their graduation day, tumanggap sila ng kanilang mga diploma at mga awards nila. Masayang masaya sila at parang limot na nila lahat ng nangyari sa kanilang masasama.

Tumayo si Luke at pumunta sa stage para magspeech. Siya kasi ang rank one sa batch nila. Sa speech niya, inialay niya ito kay Selena.

"Dear friends, hindi ako makapaniwala na gagraduate na tayo. Mark this day not an ending but a beautiful beginning para sa future na naghihintay sa atin. Thank you sa lahat ng tumulong sa akin. Wala ako dito kung hindi dahil sa inyo. Salamat din sa lahat ng sakit at mala roller coaster na sampung buwan na pagsasama natin."

"Mamaya may mga doctor at engineer na tayo. Yung iba naman ay mga journalist or mga lawyers. Iba't iba man ang mga pangarap pero pare parehas naman tayo ng mga pinanggalingan. Iniaalay ko ang speech kong ito sa mga batchmates ko lalong lalo na sa isang babaeng hinding hindi ko makakalimutan."

"Kung naririning mo ito, tandaan mo na mahal na mahal pa rin kita at hindi ko malilimutan ang mga pinagsamahan natin. Sana magkita ulit tayo sa future. Again batchmates, thank you and congratulations sa ating lahat."

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon