Kabanata 24

6 0 0
                                    

Broken

Umalis si Luke sa ospital. Binilisan niya ang takbo ng kanyang sasakyan kaya naman nakabangga siya ng isang babae. Nahit and run ito kasi sobrang bilis niya. Hanggang sa napadpad siya sa isang cafe.

Dali-daling tumakbo si Danica palayo sa mga adik na lalaki. Hindi niya namalayan na may paparating na kotse sa kanyang daan kaya bigla siyang nabangga.

Tumalsik siya at nahit and run siya. Nagulat ang mga adik kaya lumayo na lang sila kay Danica. Baka mapagbintangan pa ang mga ito.

Dinala si Danica sa ospital. Tinignan ng doctor na si Dough Peters, tatay ni Selena, ang pitaka nito kung may makukuhang impormasyon. Nakita niya ang pangalang Fidelisa kaya naman tinawagan niya agad ito.

Nalaman ni Fidelisa ang nangyari sa kaibigan. Agad itong dumiretso sa ospital para tignan ito. Nang makita niya si Danica, tinawagan niya agad ang mga kaibigan niya. Pero hindi nagsisagutan ang mga ito. Nasaan kaya ang mga ito?

Napromote ang daddy ni Chelsea na si James Malgapo na isang pulis. Siya ang nanghuli sa tatay ni Luke na lasing at namaril. Kaya naman, binigyan niya si Chelsea ng pera. Hindi na pinaalam ng tatay niya kung bakit ito napromote.

Nagpaalam si Chelsea sa tatay niya na pupunta lang siya sa kanyang mga kaibigan. Pinuntahan niya isa-isa sina Stella at si Selena. Si Danica daw ay may pinuntahan at si Fidelisa naman ay kaaalis lang ng bahay.

Nagpunta sila sa isang cafe para kumain at magsaya. Nakarami sila ng nainom na coffee. Nang maubos na ang kanilang inumin, umorder si Selena sa counter. Bigla niyang nakita si Luke na nakupo doon, umiinom din.

Dinala muna niya ang kanyang mga inorder saka bumalik kay Luke. Naawa ito kay Luke. Parang sobrang lungkot at broken ni Luke base sa itsura niya. Aminin man natin, galit si Selena kay Luke pero hindi na niya ito pinansin nung nakita niya si Luke na ganito.

Kinausap niya si Luke kung ano ang problema. Nabroken pala si Luke gawa ni Rose. Yun ang kwento niya kay Selena. Nakinig pa si Selena sa mga kwento ni Luke.

Naunang umuwi si Selena para ihatid si Luke sa bahay nila. Hindi na rin kaya ni Selena ang pagod kaya natulog siya katabi si Luke.

Hindi makatulog si Selena. Pinagmasdan niya ang mukha ni Luke. Sobrang gwapo nito kahit pagod na pagod na. Hahalikan na sana niua si Luke kaso ay may sinabi si Luke na nagpatigil sa kanyang dapat gagawin. Sinabi ni Luke ang pangalan ni Rose.

Kinaumagahan, unang nagising si Selena. Umalis na agad ito at nagiwan ng note kay Luke. Nagsasabi ito ng pasasalamat.

Nakita ni Selena ang sangkatutak na missed calls and texts galing kina Fidelisa, Chelsea at Stella. Naaksidente daw si Danica. Agad itong nagpunta sa ospital at dun niya nakita ang kaibigan.

Nakailang texts at tawag na pala sila. Hindi niya namalayan iyon dahil nasa cafe siya at natulog siya kina Luke.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon