Kabanata 22

4 0 0
                                    

Anger

Hinahanap ni Luke si Rose. Hindi niya mahanap ito. Magpapatulong kasi si Luke para sa project niya at may usapan sila ni Rose.

Nagkita sila sa open court. Natakot si Rose sa itsura ni Luke. Parang galit ito. Tinanong ni Luke kung saan nanggaling si Rose.

Sinabi ni Rose na nanuod lang siya ng Jazz Chant. Nagalit lalo tuloy si Luke dahil mas inuna pa nito ang panunuod ng contest kesa sa project nito.

Nagsorry naman si Rose at agad yung natanggap ni Luke. Pumunta sila sa old canteen para gawin ang project ni Luke.

Natapos sila ng mga alas sais na ng gabi. Sabay na silang umuwi. Isinakay ni Luke si Rose at sumakay na ng kanya si Luke.

Pag-uwi ni Rose, napagalitan siya ng kanyang ama. Bakit daw kasi gabi na ito umuwi. Sinabi niya na tinulungan lang niya ang kanyang kaibigan.

Nagkulong sa kwarto si Rose at natulog ng maaga.

Kinabukasan, isinumite ni Luke ang kanyang proyekto. Napangitan ang kanyang teacher kaya naman binigyan ito ng mababang marka.

Nagalit siya sa kanyang sarili. Pero dapat sisihin din niya si Rose dahil nagtulungan sila para sa project na iyon.

Nakita niya si Rose ng sobrang tamlay at parang wala sa sarili. Nilapitan niya ito ng padabog.

Sinabi niya kay Rose ang lahat at nagalit ito. Umiiyak na si Rose dahil kay Luke. Hanggang sa hindi na nakapagpigil si Rose, sinabi niya ang nangyari kagabi tungkol sa pagaaway nila ng tatay niya.

Nagwalk out si Rose. Nadali pa niya ang baso kaya bigla itong nabasag. Iniwan niya doon si Luke.

Galit na galit si Luke sa kanyang sarili. Tinapon niya ang kanyang proyekto at umuwi na. Hindi sila ayos ni Rose ngayon.

Nadatnan ni Luke ang lasing niyang tatay sa salas. Binuhat na niya ito at dinala sa kama para patulugin ito.

Dangerous GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon