Chapter 4: Zenirah Arya Tannaka

1K 31 0
                                    

Xander's POV



Nandito sila sa condo ko well except kay Zeron na hanggang ngayon ay di pa umuuwe galing Japan.



Malapit na ang death anniversary niya hays. she's been a good ate to me. Even if she's older, I fell in love with her na hindi ko na nagawang sabihin sa kanya.

"Uno may naghahamon ng laban sa atin bukas ng gabi" sabi ni Calix siya ang hacker ng grupo medyo may pagka-playboy pero pagdating sa labanan seryoso siya.


"Sino?"

"Ang Venom Gang, Hindi parin siguro sila nadala nung mapatumba natin silang lahat" iiling iling na sabi niya..



"Tell them we're in at pababagsakin pa rin natin sila" Sabay lakad ko paalis. Napansin ata nila na paalis ako kaya nagtanong si Thunder..


"Where are you going?" tanong niya pero hindi naman nakatingin ang lokong to Tss.!


"No need to know. Bye"



I know that he always know where I am going to. Well Thunder knows everything he may be silent but he actually cares for us just like I do to them.


Sumakay na ako sa kotse ko para pumuntang sementeryo.. Nang makadating na ako ay pumunta muna ako sa puntod ng Mom ko.




Hindi naman ako nagtagal at naglakad na ako papunta sa puntod niya. Inilagay ko ang pink na rose na alam kong paborito niya..




Zenirah Arya Tannaka

January 8, 19** - November 4, 20**

"It's been years ate miss na kita. Naalala mo pa ba nung tinulungan mo ko sa park nung may sugat ako. Dun tayo unang nagkakilala tinuring mo pa akong kapatid. Thank you ate. Sorry di kita naipagtanggol. Promise ate hahanapin ko kung sino man ang pumatay sayo. Pagbabayarin ko siya hindi ako titigil hanggat hindi siya namamatay"

Mukha akong tanga dito na kinakausap ang puntod niya pero wala mahalaga siya sa akin e..

Di na ako nagtagal pa doon kasi parang uulan napagdesisyonan ko na lang pumunta sa bar ni Calix itetext ko na lang sila na papunta ako doon.



Zerinah's POV




Kakadating ko lang dito sa sementeryo ng may mahagip ang mata ko. Nakita ko si Xander na pasakay ng kotse niya.

Binalewala ko na lang ito kasi baka may binisita lang siyang kamag-anak. Naglakad na ako papunta sa puntod niya dala ang mga pink roses na paborito niya.


Pagdating ko sa harap ng puntod niya may nakita akong pink rose na nakalagay sa kanyang lapida. Nagtaka ako pero binalewala ko na lang yun kasi baka isa sa mga kaibigan niya ang pumunta.


Zenirah Arya Tannaka

January 8, 19** - November 4, 20**

"*sigh* I miss you sobra.. kamusta ka na kaya, alam kong binabantayan mo ako"

Akala ko matatag na ako pero hindi pa rin pala sabay punas ng isang luhang tumulo galing sa aking mga mata..


Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

"Mommy misses you so much ate"

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now