Chapter 11 : Alexa!

827 27 3
                                    

Xander's POV

Nagising ako ng marinig kong may umiiyak.. Nakita kong umiiyak si Zero kaya naman linapitan ko ito at binuhat. Kahit papano ay marunong akong mag-alaga ng bata kasi may kapatid ako.

"Shhh.. tahan na Zero gutom ka na ba ha? Tahan na baka magising si mommy mo e. Kailangan niya pa magpahinga para gumaling agad siya." Nilagyan ko muna siya ng pacifier habang gumagawa ako ng gatas niya..

Nang makagawa ako ay ibinigay ko na ito sa kanya tsaka siya dinala sa may balcony para mapahanginan. Mag 6 na pala ng umaga, lumiliwanag na rin ang paligid..

Nilalaro ko lang siya nung matapos niyang maubos ang gatas.. Naramdaman ko namang may nakatingin sa akin kaya naman lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Zerinah..

"Sorry napasarap ang tulog ko, umiyak ba siya?" tanong niya at hinalikan niya sa noo si Zero

"Okay lang alam ko namang kailangan mo pang magpahinga. Nagutom siya kaya umiyak, mabait naman siya at hindi mahirap alagaan" sabi ko sa kanya, habang siya ay nakatingin lang malayo..

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya..

"Iniisip ko lang sa sitwasyon kong to maaari siyang mapahamak ng dahil sa akin.. Naisip ko tuloy kung tama bang inampon ko siya"

"Nagsisi ka ba na inampon mo siya?"

"Hindi, hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun napamahal na siya sa pamilya ko lalong lalo na sa akin.." lumingon siya sa akin at kinuha niya si Zero..

"Yun naman pala e. Alam kong kaya mo siyang iligtas sa kapahamakan. Nandito naman ako tutulungan kita pati na rin ang barkada tutulungan ka namin" sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata..

"Salamat Xander" ngumiti siya sa akin..

Bigla ko na lang naisip na gusto ko siyang protektahan hindi dahil sa misyon ko. Gusto ko siyang protektahan kahit pa kapalit ang buhay ko dahil yun ang sinasabi ng puso ko.

Is this love? Pero ano yung nararamdaman ko para kay Queen Z. Aish naguguluhan na ako! Pero poprotektahan ko pa rin si Zerinah at Zero, pinapangako ko yan sa araw na ito..



Zerinah's POV

Isang lingo na ang nakalipas simula nung makalabas kami ng ospital.. Ganun pa rin naman, buti na lang wala pang nangyayaring masama sa amin. Walang threats na ipinapadala at walang umaatake..

Lunes ngayon at pasukan na naman, ang kakaiba lang na nangyari ay mas naging close kami ni Xander sa isa't isa.

Naglalakad na ako papuntang classroom, marami rami na rin ang mga pumapasok na estudyante. Nakarating na ako sa room, pagpasok ko ng room ay bigla na lang silang nagbulungan.

"Pumasok na ulit siya, ano kayang nangyari at hindi siya nakapasok ng dalawang linggo" sabi nung isa

"Diba siya yung may ari ng school?"

"Oo siya nga, ang ganda niya pala talaga no bessy"

"Kakambal din daw siya ni Prince Zeron e"

"Tsh" naglakad na lang ako papuntang upuan at hindi na pinansin ang mga bulungan nila..

"Ahm kamusta ka na Zerinah? Bakit ngayon ka lang pumasok ulit?" tanong ni Alexa sa akin.

"Nothing may emergency lang" sabi ko sa kaniya

"Ahm mabuti na lang at okay ka lang" nakangiting sabi niya sa akin.

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now