Chapter 18 : Kidnapped

667 21 0
                                    



Dalwang araw din akong absent sa school dahil sinigurado ko munang magaling na talaga si Zero.. Masigla na siya ngayon at nasa school na kami para pumasok..

Naglalakad na ako sa hallway at lahat ng madaanan ko ay napapatingin sa akin. Yung iba naman ay masama kung makatingin ano bang nangyayari?.. Tsk

"hi bessy" Sumabay si Alexa sa akin sa paglalakad.

"Ahm.. Lex bakit parang ang sama makatingin ng mga tao ngayon?"

"Ano kasi.. diba hindi ka pumasok noong Tuesday?"

Tumango naman ako sa sinabi niya..

"Sinuntok kasi ni Xander si Andrei tapos isinigaw niya na girlfriend ka niya. Since king siya dito sa school ay marami agad ang nakaalam ng news na yun" paliwanag niya sa akin.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. Yung lalaking yun talaga

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papunta sa room namin.. konti pa lang naman yung tao sa loob ng room ng may biglang lumapit sa akin..

"Are you Zerinah?" eto yung Cassie ni Xander e.

Tumango naman ako saka ko siya nilagpasan, nakakadalwang hakbang pa lang ako ng bigla niya akong higitin at iharap sa kanya. Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko ang kamay niya at pinilipit ito.

"Argh! let me go bitch!"

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapilipit nito.

"Ahhh!!" sigaw niya pa dahil sa higpit ng hawak ko.

Binitawan ko naman siya at muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nakahawak sa mga upuan..

"Leave Xander alone he's mine!"

"As far as I can remember, Xander isn't your property."

"How sure are you? We never broke up. " Cassie smirked

Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko ito ipinakita.

"Matagal na tayong tapos Cassandra." Singit naman ng isang taong pamilyar sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya.

"Hi baby "
Hinalikan niya ako sa pisngi. Marami na pa lang nanunuod sa amin, nakita ko din na masamang nakatingin si Andrei kay Xander. Hay naku..

"Argh I hate you!" sabi sa akin ni Cassandra na namumula sa galit

"Good news! The feeling is mutual!" poker face na sabi ko sa kanya.

"Let's go Xeon.." sabi ko kay Xander

"Okay baby!" sabi pa ni Xander naglakad na kami papunta sa upuan. Uupo na sana ako sa upuan ko nang makita kong papalapit sa akin si Andrei.

"Zeya" pagtawag sa akin ni Xander. Siguro napansin ni Xander na palapit si Andrei kaya niya ako tinawag.

"Come hear, sit here beside me from now on." Dugtong pa ni Xander..

"Lex, sit beside Calix from now on" sabi ko kay Alexa.

"But bessy okay naman ako dito e.." nahihiyang sabi ni Alexa

"No but's Alexa that's an order"

"Hai!" Alexa

(Hai=means Yes in japanese)

Nagsimula naman mag lesson ang prof namin about sa racing. Boring talaga 3 hours ang Racing namin at puro basic ang tinuturo niya. Kaya naman tumingin na lang ako sa bintana.

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now