Chapter 22 : Love vs. Duty

567 22 0
                                    


Luna's POV

Will you be my Girlfriend, Xyluna Sato?" Ark said while looking directly to my eyes..

I can't explain how happy I am right now. This is more than I ever imagine..

"Yes, Zeron Ark Tannaka" I smiled at him and I immediately hug him tight.

This man.. never fails to surprise me.. even though nawala ang alaala niya at ang closeness namin dahil sa pangyayari dati nakabawe naman siya ngayon.

In this place.. this spot where we are sitting right now dito kami nangako sa isa't isa..

Flashback

It's my birthday today.. nandito ako sa isang beach.. lagi akong pumupunta dito tuwing birthday ko.. mas narerelax ako sa kapag nasa may dagat ako..

Lagi akong dinadala nina mama at papa dito kasama si Tala yung nakakabata kong kapatid tuwing birthday ko.. Tinuruan din ako dito ni papa na lumangoy... Namimiss ko na sila... Namatay sina mama at papa dahil sa isang misyon.. hindi naman ako nagalit kina King Archer At Queen Xena sila ang boss nina Mama at Papa dahil trabaho nila mama at papa yun.. sumumpa sila sa kanilang tungkulin at namatay sila ng marangal. Napagbayaran na din ng mga pumatay kina mama ang kasalanan nila.

At dahil ipinangako ko na magiging katulad ko sina mama naging isang Assassin din ako ng pamilya Tannaka.

Napaiyak na lang ako ng maalala yun ng biglang may nagtakip ng mata ko..

"Hulaan mo kung sino - wait umiiyak ka ba" sabay tanggal ng kamy niya sa mata ko..

"Hindi ah." Pinunasan ko ang luha ko dahil ayaw niya na makita akong umiiyak.

"Xyluna" pumunta siya sa harapan ko at tinitigan ako ng seryoso.

Napaiwas na lang ako ng tingin...

"Sinong nagpaiyak sayo.. Sabihin mo bubugbugin ko"

"Hays walang umaway sa akin Ark.. naalala ko lang sina mama ang hirap namimiss ko na sila. Feeling ko mag isa na lang ako"

"Shh. Don't say that. Alam mong nandito lang ako para sayo.. Hindi kita iiwan.." kinabig niya ako at niyakap..

I felt his soft kisses in my head..

"Promise?" i ask him returning his hug..

"Hanggang pagtanda natin andito lang ako para sayo.. tapos papakasalan kita"

"Pangako mo yan ah.." sabi ko sa kanya...

"Happy birthday Xy.." sabay abot ng isang box..

Binuksan ko naman ito.. isang silver bracelet na may moon..

 isang silver bracelet na may moon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now