Chapter 10 : Xander meets Zero

819 21 0
                                    


Xander's POV

It's been three days pero hindi pa rin nagigising sina Zerinah at Zeron. Kami ang naatasan ng King na magbantay sa dalawa kapag wala siya. Ang Reyna naman ay hindi umaalis dito sa ospital para bantayan ang kambal.

Lumapit ako kay Zerinah at hinawakan ang kamay nito.

"Kailan ka ba magigising akala ko ba malakas ka, bakit nakahiga ka pa rin diyan? Wala tuloy akong kaaway palagi tsk!" sabi ko sa kanya.

Wala ang Reyna dahil pinauwe muna siya ng Hari, pinasamahan ko muna siya kina Thunder at Calix para masigurado ang kaligtasan ng Reyna.

"Z-Z" Narinig kong ungol ni Zerinah, agad kong pinindot ang emergency button para pumunta agad ang doctor dito para i-check siya dahil unti-unti na siyang nagkakamalay.

Dumating ang mga doctor upang tingnan ang Empress, maya maya lang ay unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.



Zerinah's POV

Narinig kong parang may nag uusap usap at para silang may chine-check sa katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mata hanggang sa makapag-adjust ito sa liwanag.

Nang ma-realize ko ang lahat ng nangyari ay agad akong bumangon. Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa parteng likuran ko.

"Magpahinga muna po kayo Empress" naririnig ko sila pero wala akong pakialam gusto kong makita ang kambal ko.

"Z-Zeron" agad kong hinanap si Z. Gusto ko siyang makita, gusto kong makitang okay siya.

Nakita ko naman siya sa tabi ng kama ko, nakahiga pa rin at wala pang malay. Nag-umpisa akong bumaba sa kama ko.

"Empress, hindi niyo pa po kaya makakasama po ito sa condition niyo." Sabi ng isang doctor.

"Pabayaan mo ako" malamig na sabi ko sa kanya.

Unti-unti akong naglakad pero hindi kinaya ng mga paa ko, muntik na akong bumagsak pero may sumalo sa akin.

"It is the second time that I catch you when you're about to fall" Xander smirked at me. Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero binalewala ko lang ito at naglakad na muli papunta sa kakambal ko.

Nang makalapit ako ay umupo ako sa kama niya at tinabihan ko siya.

"Leave us alone" I coldly said to them agad naman nila itong sinunod maliban kay Xander.

"I said leave us alone Xander" hindi ko alam kung bakit siya nandito

"Nah, don't mind me here okay" Xander

Di ko na lang siya pinansin at niyakap ang kakambal ko kahit masakit ang katawan ko ay hindi ko ito pinansin ang mahalaga ay ang kakambal ko. Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa makatulog ako.

Xander's POV

Napansin kong nakatulog na siya sa tabi ni Zeron, bubuhatin ko na dapat siya pabalik sa kama niya ng dumating ang mga magulang nila.

"What happened?" tanong ng Hari

"The Empress is awake a while ago, she insisted to be with the Prince" paliwanag ko sa kanila.

"They never changed, ganyan talaga sila kapag may sakit ang isa sa kanila Hijo nararamdaman nila kung ano man ang nararamdaman ng isa. Mas napapanatag sila kapag magkatabi sila at magkahawak ng kamay" Sabi ng Reyna

"Sorry for being late and not protecting the Empress and the Prince, King and Queen" nakaluhod ang isang paang sabi ko..

"It's not your fault Hijo, kasama nila kami nung mangyari ang pag atake, pinauna lang nila kami dahil yun ang hiling ni Zerinah sa amin. Tito at Tita na lang ang itawag mo sa amin tutal wala naman tayo sa empire."

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now