Chapter 6: King and Queen and a baby?!

947 33 2
                                    



Gangster World Arena

This is where the battle between gangster are held. Dito nagtitipon-tipon ang mga gangster kung may laban man o wala. There is also high council na namumuno dito. It is ruled by the King at Queen, sila ang mga tinaguriang Rank 1 na pinakamalakas na lalaki at babaeng gangster. 

Ang King at Queen ang namamahala sa lahat ng gangster, ang council tagapagpanatili ng kaayusan at pagka-organisado ng gangster world. Sa madaling salita ay habang wala ang King at Queen sila ang tagapamahal ng gangster world. 

Matagal nang hindi nagpapakita ang Queen kaya parating ang King lang ang nandito sa gangster world at dahil dito hindi pa nakikita ng King ang kanyang reyna.

Xander's / Uno POV

Nandito kami sa Gangster world dahil may naghamon ng laban sa amin ang Venom Gang sila ang Rank 3. Kami ang Night Phantom ang Rank 1 dito sa GW (Gangster World). 

Ako bilang si UNO ang tinaguriang King ng GW. Si Thunder bilang TRES siya ang strategist namin. Zeron bilang DOS siya ang Prinsipe ng mga Assassin, magaling siyang gumawa ng poison pati na rin ng antidote. Calix bilang FOUR siya ang hacker, playboy man pero magaling siya pagdating sa technologies.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang Queen. Ang sabi nila ay mag-isa lang daw itong lumalaban at wala itong gang. 

Kilala siya sa pagtapos ng laban sa limang minuto lamang. Kilala siya sa pagiging mabilis ang galaw na hindi mo aakalain na kayang gawin dahil mukha daw itong anghel pero demonyo sa pakikipaglaban.

Naririnig na namin ang hiyawan sa labas ng kwarto namin dito sa GW. Mukhang tapos na ang laban at kami na ang susunod. Kaya naman lumabas na kami at nagpunta sa Arena.

Meanwhile..

Zerinah's POV

Nandito lang ako sa mansion ko at kanina pa akong nabobored dahil wala naman akong misyon ngayon. I heard the doorbell rang at nagtaka naman ako dahil wala naman akong ineexpect na bisita bukod sa di naman nila alam na bahay ko to. 

For security purposes I check the monitor of my computer to know who's at the gate, I get confused nung makita kong may isang kahon ang iniwan don. Chineck ko ang perimeter pero wala namang kahinahinala sa paligid ng bahay ko. Maraming CCTV ang nakakalat sa subdivision at sa paligid ng mansion. Kokonti lang ang tao sa paligid. Lumabas ako para tingnan ang iniwan doon.

Paglabas ko ay nakita ko ang kahon, I immediately open it kasi baka bomba ito pero pagbukas ko ay isang sanggol na lalaki ang nakapaloob dito. Nagpalinga-linga ako para tingnan kung sino man ang nag iwan ng sanggol na ito dito. I felt that something is about to hit me at maaring tumama sa sanggol na ito. Kaya naman agad akong nagtago sa pader na malapit sa gate.

Fuck!! Walang puso ang hayop na yun para puntiryahin ang kawawang sangol na ito. Pinindot ko ang isang botton dito sa may gate para ma-activate ang security system ng mansion at ng perimeter.

Ang mga CCTV sa paligid ay naglalabas ng needle na may poison sa mga threats sa security na nade-detect nila. Naiiscan nila ito at kapag may nakitang mga weapon na dala ang isang tao ay maglalabas sila ng needle na tatama dito.

"One unidentified man at lot 5, Location: 3:00 south." Sabi ni Hera ang security ng aking mansion. Voice activated ang wristwatch ko.

 Ang wristwatch ko ang ginagamit ko para ma-activate ang security ng mansion kung sakaling wala ako sa server o nasa labas ako ng mansion.

Dinala ko muna sa loob ang sanggol na kasalukuyang nahihimbing sa bisig ko.

"Hera Find the one who put the box in the front gate"

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now