Chapter 16 : I dont want to see you cry.

727 26 0
                                    

Xander's POV

Pasukan na naman hays, nakakatamad nabitin ako sa bakasyon. Kadarating lang namin sa classroom sabi ni Zeron meron daw nadagdag na subjects which is combat, weaponry, and racing, medyo nakakaexcite gawa ng racing. Maya maya lang ay dumating na ang prof namin, ayaw ko naman makinig kaya naman kinalikot ko na lang ang phone ko.

"Hi, Im Cassandra Park. 17 years old, nice to meet you all."

Narinig kong sabi ng isang tinig pamilyar sa akin pero hindi ko siya tiningnan di naman ako interesado kung si Zerinah pa yan ba--- Wait bakit naman nakasama si Empress Tsk! may Queen ka na diba.

"Gideon?? Oh my gosh you're here" sabi ng isang tinig kaya naman napatunghay ako at nakita ko si

"Cassie?!" Shet anong ginagawa ng babaeng to dito. Bigla naman siyang yumakap sa akin

Napansin ko naman nakalingon si Zerinah kaya naman tiningnan ko siya pero nag-iwas siya ng tingin at natulog na lang.

Natapos ang buong subject na kwento lang ng kwento si Cassie. Cassie is one of my ex girlfriends. Masyado siyang clingy pero matagal na kaming tapos simula nung iwan niya ko at ipagpalit ako sa career niya.

Dumating naman ang sunod namin na prof at nagdiscuss tungkol sa weapons. Si Zerinah naman ay gising na at nakasalpak ang earphones sa tenga niya at may pinapanood sa phone niya. Maya maya lang ay may kumatok at may pumasok na isang lalaki.

"Shit! Why is he here?!" narinig kong sabi ni Zeron.

"Sino siya dude? Kilala mo?" sabi ko sa kanya kasi magkatabi kami.

"Nothing. Ahm kakilala ko lang siya." Sabi ni Zeron pero mababakas mo sa mukha niya na naiinis siya.

Nagpakilala siya bilang Andrei Franco, napansin ko naman siyang nakatingin kay Zerinah na busy pa rin sa kanyang ginagawa. Naglakad siya papunta kay Alexa at pinalipat ito sa upuan sa tabi ni Calix.

Kinulbit niya si Zerinah at tinanggal ang earphones nito

"Tsk! Who are you and what do you want!" cold na sabi ni Zerinah pero nginitian lang siya nito at iniabot ang kamay niya kay Zerinah.

"Hi, Im Andrei Franco" nakangiting sambit nung Andrei.

Napatitig naman si Zerinah dito at parang inaalala kung sino ito. Napahawak si Zerinah sa ulo niya, nakita kong parang sumasakit ang ulo niya base sa reaksyon niya.

"Hime? Anong nangyayari sayo." Sabi ni Zeron at nilapitan si Zerinah.

"Asya anong nangyayari sayo?" Sabi naman nung Andrei lumapit na rin ako at tiningnan si Zerinah

"Argh!" daing ni Zerinah.

"Stop calling her Asya as if you know her!" Sabi ko at tiningnan si Zerinah

"Zerinah, Hey look at me!" Sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang hinimatay kay inalalayan ko siya para buhatin.

Bubuhatin ko na sana siya ng biglang magsalita yung Andrei.

"Ako nang magdadala sa kaniya teka sino ka ba?" Sabi nung lalaking nagngangalang Andrei

"E sino ka rin ba?! Huwag ka ngang epal!" Sabi ko at binuhat ko na si Zerinah

"Sabing ako na e!" sabi pa ni Andrei

*Boogsh*

"Stop this nonsense Andrei! Don't.Come.Near.Her.Ever.Again" Sabi ni Zeron pero dinala ko na agad siya sa Clinic.

Tannaka AcademyWhere stories live. Discover now