Chapter 2.1: First Day (part two)

54 6 0
                                    

Pag dating sa room ay puro nga pagkain. Teka wala namang may birthday sa kanila ah?

"'Wag ka na tumunganga diyan, Rhien! Chibog na agad! Galante si Ken ngayon hahaha!"wika ni Dos. May hawak siyang dalawang slice ng pizza na magkapatong sa kanang kamay nito at soda in can naman sa kaliwa. O-kay... Sana mabuhay ka pa ng matagal...

"Anong meron?" tanong ko at umupo sa sahig. Dun kasi nakalatag mga pagkain.

"Gwapo ako... ayun lang ang meron, Rie. Ayun lang..."naka-ngising wika ni Ken at umakbay sa akin.

Siniko ko naman ito "Ang yabang mo!"

Humiwalay naman ito sa pagkaka-akbay at tumawa ng malakas, "Bakit ba kayong mga babae hirap na hirap tanggapin na gwapo ako? Tsk tsk tsk"

"KASI HINDI KA NAMAN GWAPO!!" susmaryosep! Lumundag ata yung puso ko nang sabay-sabay silang nag sigawan!

"Okay! Okay! Truth's are really hard to accept ika nga,"wika ni Ken habang naka-taas ang dalawang kamay na ani mo'y sumusuko at nagpasipol-sipol pa.

Kinutusan ko naman 'to pero bago pa siya maka-angal ay sinubo ko na sa bibig nito ang isang buong siopao "Iingay pa eh tsk"

"Hahaha! I love you na talaga, rierie! You're soooo cool!" wika ni conyo girl este Alex at kumapit sa braso ko. O—kay...

"Tama na yan kumain na kayo. Rie, the best ka hahaha,"wika naman ni Dean atsaka ginulo ang buhok ko kaya sinikmuraan ko siya.

"Aray naman!"hindi ko na pinansin ang daing ni Dean dahil hinahanap ng tenga ko ang boses ni Nate. Hindi naman sa may pake ako sa kaingayan niya nag-aalala lang kasi ako pero! Hindi rin sa kanya! Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit tumatahimik ang isang 'yon

Una, pinapagalitan siya ni tita

Pangalawa, pinagalitan siya ni Kuya Roan

Pangatlo, KUMAKAIN SIYA NG ICE CREAM!!

Nag-aalala ako para sa ice cream!! Nahagip naman siya ng mga mata ko na kumakain ng ice cream sa isang sulok! Sa likod ng teachers table! Sabi na eh!

"Oh, rie? Bakit parang nakakita ka ng mul—"

"YUNG ICE CREAM!!!"hindi ko na pinatapos si Dos sa pagtatanong at agad na sumigaw. Holy blood!

Agad namang tumakbo si Jason sa direkyon ni Nate kaya biglang tumayo si Nate at nagsimulang tumakbo papalabas sa pinto pero agad na nasara ito ni Jezreel kaya wala ng takas ang batang unggoy.

Piningot naman siya ni Dean kaya inabot nalang niya kay Dos ang ice cream.

"Naubos mo na yung dalawang gallon na para sa'yo eh!" dalawang what?! Lumapit na ako sa kanila at inagaw sa pagpingot ni Dean si Nate

"Hoy ikaw batang unggoy na ice cream freak tantanan mo na yan!"piningot ko siya papa-upo.

"Dito ka nga sa tabi ko baka mamaya mawaglit ka lang sa paningin namin maubos mo nanaman ang is---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang nag pout ito.

"But I want ice cream,"parang batang wika niya. Hays! Hindi nanaman 'to titigil!

Piningot ko siya patayo at hinila papunta sa pinto.

"Aray naman ulan!"

"Rie saan—"

"Sa cafeteria!!"putol ko sa sasabihin ni Jemma at tuluyang tumakbo papalabas.

"Ulaaaaan! Masakit na tenga ko!"reklamo ni Nate. Oo nga pala hawak ko tenga niya. Pasensya naman diba?

Agad kong binitawan ang tenga nito ng mapansing nasa tapat na pala kami ng cafeteria.

[Slow update]War of the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon