Haaaaaay~ ito na ata ang pinaka-masayang tulog ko. Dinala ako ni kuya sa amusement park. Medyo late na nga kami naka-uwi kasi sobrang daming rides ang tinry namin. Sobrang saya ko kahapon at sana madami pang kasunod. Pero sabi ni kuya isasama na daw namin sila Nathan sa susunod hahaha.
Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Fist day of school ngayon at ayokong malate.
Pagbaba ko wala si kuya kaya dumiretso akonsa ref baka sakaling iniwan siyan note at tama nga ako
'Rhien, maaga akong pumasok sa office kaya hindi na kita maaantay. May pagkain sa lamesa, kumain ka na at baka malate ka pa sa unang araw.'
Yan ang nakalagay sa note.
Dumiretso ako sa lamesa at meron ngang bacon and rice dun kaya kumain na ako.
Pag katapos kong kumain ay umakyat na 'ko sa kwarto ko upang kuhain ang mga gamit pang eskwela.
6am palang naman at 7:30 pa ang pasok namin kaya maglalakad nalang ako papasok.
Lumabas na ako sa kwarto at nilock ito. Bumaba na ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Sinigurado ko na kanina na naka-lock lahat ng kwarto sa loob bago ako maligo. Ni lock ko na rin ang pinto namin may duplicate naman kami pareho ni kuya ng susi kaya walang problema kung sinong mauunang umuwi...
Nag umpisa na akong maglakad patungo sa school dahil malapit lang naman ito sa amin at maaga pa naman kaya sigurado akong hindi ako malelate.
Pag dating ko sa harap ng gate ng school namin ay bumati ako ng good morning kay manong guard at binati naman ako nito pabalik kaya nagpatuloy na ako sa pag lalakad...
"Huy!!"
"Holy Blood!!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.
Lumingon ako sa kung sino mang hinayupak ang nang gulat sakin at nakita ko si Nate na halos maubusan na ng hininga kakatawa. Siya si Nate ang self proclaimed bestfriend ko na walang ibang alam gawin kundi guluhin ang tahimik kong mundo.
"NATHNIEL ISAAC STYLESON!!! PAPATAYIN MO BA KO SA GULAT HAAA??!!!!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya natinag at tawa lang siya ng tawa
"Hahahahaha sorry..hahahaha nah..hahaha u..hahaha..ulan.. hahahahaha"
"Che! Tsaka mo na 'ko kausapin pag tapos ka ng tumawa!"
"Hahaha saglit lang hahaha ito na titigil na pfft hahahaha last na to hahaha pfft hahahaha"
"Mamatay ka sana kakatawa"bulong ko na sapat na para marinig niya
Huminto siya sa pagtawa at tinitigan ako ng seryoso
"Pag ako namatay wala ng mangungulit sayong gwapo" sabi nya at umarte pang nalulungkot
"Nangungulit? Oo. Gwapo? Uhmmm pag-iisipan ko muna"
"Araaayyyy!!! Waaahhhh lumayo kayooo baka maapakan niyo ang puso kong nagkalat sa sahig dahil winasak ng babaeng nasa harapan ko ngayooonnn!!!"sigaw niya at tinaboy nya ang mga taong nasa paligid...
"Mung tanga lang?" Sagot ko
"Che! How dare you!! Winasak mo puso ko!!"ani niya sakin habang nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa kanyang puso
"Ewan ko sayo"
"Joke lang ito naman. Tara na sa room" sabi niya sakin at hinila.
"Titigil karin pala sa kabaliwan mo pinatagal mo pa tss"
"Alam mo--"
"Hindi" putol ko sa kung ano mang sasabihin niya
"Pwes ngayon malalaman ko na. Alam mo ang aga-aga ang init init ng ulo mo! Iniwan mo na nga ako kanina, ikaw pa may ganang magsungit!"
BINABASA MO ANG
[Slow update]War of the past
Mystery / ThrillerLife is full of mystery, So expect the unexpected, And believe the unbelievable. Date started: December 24, 2017 Date finished: -----