Chapter 6: Overnight

8 1 0
                                    

You have received one message from Kuya Roan.

Kuya Roan: Overnight.

"Nalintikan na! Rhien ano nang gagawin natin?!"tarantang tanong ni Dos at kumapit pa sa tulalang si Jason na ani mo'y mga takot na takot.

T-teka? "Bakit ako?! Alam niyo namang wala akong magagawa diyan!" totoo naman at alam naming lahat 'yon.

"U-ulan bilhan kaya natin si kuya ng one month supply ng ice cream? Baka makalusot diba? diba guys? diba?"tanong ni Nate habang niyuyogyog ang balikat ko.

Para na nga siyang maiiyak. Ang huling parusa kasi na natanggap niya mula kay kuya ay kumain ng sili. Bawal siyang uminom o kumain ng kahit ano sa loob ng limang minuto pagkatapos niyang manguya 'yon. At ang dahilan non? Nagsisisigaw kasi siya sa bahay.

Umiling kaming lahat sa suggestion niya na iyon.

"Ginawa na natin dati 'yan unggoy. N-nag linis pa nga tayo sa company diba? Pero anong napala natin? Parusa parin, "wika ko. Ginawa talaga namin iyon nung napa-away si Ken sa isa sa mga taga-section C. Hindi pa kami pumasok ng isang buong araw para lang mag linis pero ang ending naparusahan parin kami. Pinag-squat kami ni kuya habang may tig-dalawang patong ng libro sa kamay.

Hindi na muna kami nag-usap at bumalik sa kanya-kanyang puwesto ng dumating na ang guro namin sa pangalawang subject.

*lesson
*Break
*dismissal

Papunta na kami ngayon sa maintenance section para kuhain ang mga gamit sa paglilinis. Cancelled din ang last subject naming grade 10 para hindi kami maabutan ng pagsara ng gate habang naglilinis.

"Oh mga bata, ito na ang gamit niyo. Dumaan na rin dito yung iba niyo pang kasamang maglilinis kanina mga ilang minuto lang ang nakalipas,"wika ni Manang Shiela.

"Salamat po, manang Shiela. Mauna na po kami,"pag-papaalam ni Dean.

"Guys, if you really can see your face right now it's like pfft... Like you just saw an extreme murder hahaha,"natatawang sambit ni Raven habang naglalakad kami papuntang elevator. Napagdesisyunan namin na gumamit nalang ng elevator papuntang fourth floor dahil may mga bitbit kaming gamit panlinis.

"If you only knew what will happen after this, for sure ganito rin reaction mo, girl, "sambit ni Maggie.

"But I'm not included, right? I mean, bago lang ako dito. Maybe your brother knows nothing about me? Well before I always want him to recognize me, you know, a fangirl thing, but not in the situation like this. Wala nga akong natanggap na text diba?" ani pa nito na parang hudyat dahil sabay-sabay nagsitunugan ang mga cellphone namin bukod sa kanya.

"One message from Kuya Roan: Come home a.s.a.p." malakas na basa ni Nate.

"See? I didn't receive any text message. That means I'm not included, "masayang wika pa ni Raven.

"P.S Raven Suarez is included,"sabay-sabay naming basa at tapat sa kanya ng mga cellphone namin.

"O...kay... Gonna unlove him right now,"dismayadong wika nito at bagsak ang balikat na pumasok sa elevator. Natawa naman kaming lahat sa reaction niya na iyon at pumasok na rin sa loob.

"You know what, Raven?"tanong ni Dos.

"What?"sagot naman ng huli.

"Kuya Roan's a monster in disguise. He maybe look like an angel outside, but inside? Scary,"paninira ni Gil sa kuya ko at pananakot narin kay Raven.

Gusto ko sanang ipagtanggol si kuya pero tinitigan nila ako palihim na parang bang sinasabing sumakay nalang. Hinawakan din ni nate ang braso ko at hinila sa tabi niya.

[Slow update]War of the pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon