Toby
Nakaupo ako sa isang upuan ngayon at nakapiring ang aking mga mata gamit ang isang panyo.
Sino pa ba ang may pakana nito? Ang dalawang bestfriend ko lang naman siyempre, sila lang at wala ng iba.
Minsan, naiisip kong mabuti na lamang at hindi ako nahahawa sa lakas ng saltik ng dalawang ito.
Ewan ko ba naman kay Richie, nang sinabi ko na bestfriend ko si Red o mas kilala nila na Jarred Co ay nagwala na ang baklita at kiniliti ako hanggang sa manghina ako. Weakness ko talaga 'yun e, bata pa lang ako.
At ito namang si Karen, G na G (game na game) sa kalokohan ni Richie.
Nang hindi na ko makakilos sa sobrang tawa ay dinala nila ako sa madilim na kwarto at pinaupo sa isang upuan na may parang ilaw na gumagalaw-galaw sa itaas ko at saka tinalian ang dalawang kamay papunta sa aking likuran.
Habang silang dalawa, si Richie at si Karen, ay nasa harap ko pero hindi ko sila masyadong maaninag dahil ako lang ang naiilawan.
Interrogation room daw ito sabi ni Richie pero alam ko namang kwarto niya lang din ito.
Echoserang bakla!
"So, sagutin mo nga kami. Totoong sagot lang! Only the truth and nothing but the truth!" -Richie
"Sino si Jarred Co sa buhay mo?" -Karen
"Bestfriend mo ba talaga siya? O boyfriend? Baka naman crush mo rin siya kaya sinasabi mo 'yan? Toby the titibo-tibo, nagbabalik loob ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Richie at may pa follow-up questions pa. "Siguro, nag-a-assume ka lang noh? Assumera ka pala friend! I didn't know na ganyan ka pala. Porque sinabi ko sa inyo na lab na lab ko siya, sasabihin mo na bestfriend mo siya. Inaagaw mo sa akin ang love of my life ko, my hunny bunny Jarred Co!"
"Mga adik! Nagsasabi naman ako ng totoo. Bestfriend ko talaga siya," paliwanag ko, "nagulat lang talaga ako at biglang nasa tv na siya ngayon. Hindi ako makapaniwalang ang balahurang lalaki na 'yun ay artista na?!"
Eksahareda namang nagbigay reaksiyon si Richie. "Anong balahura? Si hunny bunny Jarred, balahura? Mukha nga siyang naliligo ng four times a day. Kung sa kalinisan lang din ang usapan, wala ka pa nga sa kalingkingan ng dumi sa kuko ni Jarred Co!"
"Hayop ka Richie! Kung alam mo lang ang ugali no'ng isang 'yun. At isa pa, ako ang bestfriend mo dito, pagkatapos ako ang nilalait mo?" Nakakunot noo kong sabi.
Inilapit ni Richie ang kaniyang mukha sa akin. "Bestfriend mo rin naman kamo siya, bakit nilalait mo rin si hunny bunny Jarred Co? "
Naiinis naman na sumingit si Karen sa usapan. "Alam mo isang hunny bunny Jarred Co mo pa Ricardo, ihahampas ko sa'yo 'tong lamesa."
"You are so brutal talaga, Karen! Magkakampi tayo rito, ano ba!? At huwag mo nga akong tawaging Ricardo! " inis naman na saad ni Richie. "Back to our topic tayo, anong patunay ang maibibigay mo sa amin para maniwala kami sa'yo? "
"May cellphone number ako niya at pwede ko kayong ipakilala sa kaniya sa personal." Wala kalatoy-latoy kong sabi.
Nagsasabi naman kasi talaga ako ng totoo. Si Jarred Co na kilala nila ay kaibigan ko simula pa noong seven years old ako.
Sa ibang chapters ko na lang ikukwento kung paano nangyaring bestfriend ko ang isang instant celebrity na ngayon.
Ang mahalaga ay makaalis ako sa pagkakatali ng mga kamay ko sa upuan ito. Sumasakit na ang mga kamay ko!
"Huwaaaat?" Malakas at mahabang tanong ni Richie. "Ibigay mo sa akin ang number niya! Baka ito na ang chance ko na magkalove life. Emeged! Kenekeleg eke!"
![](https://img.wattpad.com/cover/128855025-288-k685038.jpg)
BINABASA MO ANG
Lesbi Turns Into A Woman
HumorLesbi Turns into A Woman Tomboy noon. Dyosa ngayon. Isang babaeng lumihis ng landas at ngayon ay magbabalik loob? Paano nga ba nangyari iyon? Discover how a LESBI TURNS INTO A WOMAN.