KBNT 6

4 0 0
                                    

"Mag-iingat kayo duon, Jarred ikaw na ang bahala dito kay Toby." Sabi ni tatay habang bitbit ang isang backpack na may laman ng mga gamit ko na hinanda ko kahapon.

Ako naman ay dala-dala ang isang maleta na laman rin ang karamihan sa mga damit ko at mga kailangan ko sa susunod na dalawang linggo.

Oo, tama! Personal assistant na ako ngayon ng kutong lupa na ito. Personal assitant raw niya ako, eh alalay lang din naman ang labas ko dito! Wala na akong nagawa at iyon ang masaklap sa sitwasyon ko ngayon. Kinulit ako nang kinulit ni Pula pagkatapos naming sumakay sa ferris wheel pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag.

Kinonsensya niya ako at pinamukha sa akin ang lahat ng mga pinagsamahan namin pero hindi pa rin iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag. Paki ko sa pinagsamahan namin! Palagi niya nga lang akong binubwisit!

Sinabi niya rin sa akin kagabi na ipinagpaalam niya na raw ako kay tatay at pumayag na ito pero hindi rin 'yun ang dahilan kung bakit naging alalay ako nitong si Pula.

 Naalala niya na may tatlong kahilingan siya sa akin at ito na talaga ang dahilan kung bakit ako tuluyang napapayag. May isang salita naman kasi ako. Isa pa, nang sinabi niya ito ay sinuhulan pa ako nito ng isang bagay na hindi ko matatanggihan, may allowance raw! O' diba, nagpapaka praktikal lang.

Mahirap ang buhay ngayon tapos tatlong linggo pa akong walang pasok kaya tatlong linggo rin akong walang baon kaya kumagat na ako sa pain. Libre naman daw lahat eh!

"Nako, tay. Kayang-kaya ni Toby ang sarili niya. Si Jarred pa nga ang dapat bantayan niyan." Singit ni Kuya na bagong gising lang at nakahubad pa ang kaniyang pangitaas. 'Yung mga babae tuloy na dumadaan ay humihinto pa sa tapat namin para lang titigan ang abs niya. 

Abs? Naalala ko na mayroon din no'n si Jarred. O wait— baka naman iniisip niyo pinagpapantasiyahan ko siya? Naiinspire lang ako! Gusto ko kasing magka-abs!

Wala bang pasok ang kuya kong ito?

"Hoy, kuya bakit nandito ka pa? 'Di ba, alas siyete ang pasok mo? Anong oras na, alas otso na."

"Oh, shit! Lagot na naman ako kay boss nito-ah oo nga pala, ako nga pala 'yung boss." Mayabang na saad nito habang hinihimas-himas ang baba niya.

Magaling naman kasi si Kuya sa trabaho niya kaya mabilis din siya napromote, pero kung sa kayabangan lang din, silang dalawa ni Jarred ang nag-aagawan ng promotion para sa pinakamataas na pwesto. Kay yayabang eh!

"Sus! Wala namang girlfriend!" Pang-aasar ko sa kaniya at agad naman akong nakatanggap ng isang malakas na batok sa kaniya.

"Hoy! Grabe ka, Toby. Wala namang personalan, kita mo'ng focus ako sa trabaho." Angal naman ni Kuya Justin.

"Palusot ka pa kuya, wala lang atang nagkakagusto sa'yo." Sabi naman ni James kaya nakipag-apir ako sa kaniya.

Kapag talaga sa asaran, itong si James ay hindi ko alam kung kanino kampi. Madalas ay kay Kuya Justin at kay Jarred. Si tatay lang talaga ang kakampi ko dito!

Nagtawanan lang kami dahil sa sinabi ni James at napakamot na lang ng batok si kuya. Sumakay na rin kami ng van ni Pula at doon ay nakita ko si Mang Pedring na magda-drive sa amin papuntang airport.

"Punta muna tayo sa bahay, Tobs. Nanduon pa 'yung mga gamit ko." Sambit ni Jarred habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Nage-fb! Hinayaan ko na lang siya, baka nirereplyan niya ang mga messages ng fans niya.

Mga limang minuto lang ang itinagal ng biyahe namin bago makarating sa kanila. Hindi naman kasi ito masyadong malayo sa bahay namin.

Pumasok kami sa loob ng gate at pagkaraan ay sa loob ng bahay nila. Duon ay naabutan ko si Tita Coco na nanonood ng isang movie. Camp sawi ata iyon, kasi nandoon si Bella Padilla at saka si Arci Munoz sa naabutan ko'ng eksena. Si Jarred naman ay dumiretso sa itaas ng bahay nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lesbi Turns Into A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon