Song: Trip Lang - Sheyee ft. Sam Pinto
Vote. Comment. Appreciated
Thank you!
Jarred Co
"Jarred, ayos ka na ba? Ikaw na ang next na magpe-perform." tanong sa akin ni Manager Joy habang inaayos ng personal assitant ko ang buhok ko.
Oo, buhok lang. Wala na naman kasing kailangang ayusin sa mukha ko. Perpekto na ito katulad ng nakikita ko ngayon sa salamin na nasa makeup tool box na dala ng pesonal assistant ko! Pagtiisan niyo na ang kayabangan ko, sensya na.
Nagvibrate naman ang cellphone ko sa aking bulsa kaya naman tinignan ko kung sino ang nag-text.
Unknown number :
Hi, hunny bunny Jarred ko! Kung tatanungin mo ang pangalan ko gusto ko lang malaman mo na pwede mo aking tawaging My Soulmate. Hihihihi
Nagtaka naman ako sa nabasa ko. Sino kaya itong nag-text? Kakaunti lang naman ang may alam ng number ko. Matagal na itong nagt-text sa akin pero kahit isa ay wala akong binigay na relply. Puro Hunny Bunny Jarred Co pa ang sinasabi. Ang creepy lang. Mamaya adik pala ito e. Tsaka tignan niyo ang tawa niya, 'Hihihihi'. Fan ba siya ng Santong Kabayo, Banal na Aso?
Hindi ko na lang pinansin. Tinawag na ako ni Manager para umakyat sa stage.
"Pakiligin mo silang lahat, Jarred!" pampalakas ng loob na sabi ni Manager.
Napuno ng palakpakan at sigawan ang mall kung saan ako magpe-perform nang lumabas ako mula sa backstage.
Nagsimulang tumutog ang kantang Imahinasyon ni TJ Monterde; ito ang kakantahin ko ngayon.
"JARRED KOOOO! AKIN KA NA LANG, PLEASE!"
Kumindat ako sa may bandang likod kung saan nagmula ang sigaw kahit na hindi ko alam kung kanino ito nanggaling.
Pakiligin pala e? Basic lang 'yun.
"ANAKAN MO KO BENTE, KYAH!" Napatawa naman ako dahil duon.
Kakanta ako ngayon at pagkatapos ay magsasayaw naman mamaya para sa mga fans kong nagpunta sa mall show na ito.
Ayos nga rin ito e, malaki ang talent fee na ibibigay pagkatapos. Maswerte rin talaga ako at nakapasok ako sa industriyang ito. Pangarap ko na talagang mag-artista simula pa noong bata ako, kaya nga nagpost ako ng mga videos ko sa youtube. Gusto ko ng kasikatan at nakuha ko naman ito.
Nagwawala ang mga babaeng kumpulan sa ibaba ng stage na tinutuntungan ko.
"Makakalaglag panty ang mga ngiti mo Jarred KO!!"
Palagi nilang pinapalitan ang letrang C sa aking surname ng K.
Bagay na bagay raw ang apelyido ko sa akin dahil kapag pinalitan ng K ang letrang C ay magiging sa kanila na ako. At iyon ang gusto nilang lahat, ang mapasakanila ako. Bakit ba kasi gising na gising ako nang nagpaulan ang Diyos ng kapogian?
![](https://img.wattpad.com/cover/128855025-288-k685038.jpg)
BINABASA MO ANG
Lesbi Turns Into A Woman
HumorLesbi Turns into A Woman Tomboy noon. Dyosa ngayon. Isang babaeng lumihis ng landas at ngayon ay magbabalik loob? Paano nga ba nangyari iyon? Discover how a LESBI TURNS INTO A WOMAN.